Chapter 4: Sorry Not Sorry
PAULIT-ULIT na nag-play sa utak ko ang dalawang salita na ayaw pa ring mag-sink in sa utak ko.
'...your teacher...'
'...your teacher...'
'...your teacher...'
Yung lalaking nakasalubong ko nung isang araw...
Yung lalaking mala-KIM SOO HYUN ang aura...
Yung lalaking pinagsupladahan ko...
Yung lalaking inakala kong estudyante...
Ay isa palang TEACHER?!
Take note, MY TEACHER!
He was speaking in front but I can't hear anything. Isa lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon:
Ang tumakas bago niya ako makita at makilala.
Dahan-dahan kong ibinaba ang mukha ko saka nagtago sa likod ng classmate ko sa harap.
"Hoy. Napano ka?" Tanong ni Mae.
"I-I need to use the bathroom." Sabi ko.
"Bakit? Masakit ba ang tiyan mo?"
I bit my lip. "O-oo?"
"Anong klaseng sagot yan? Teka, mag-excuse ka muna kay Sir. Kakasabi palang niya na magpaalam sa kanya kung lalabas."
"Kailangan pa talaga yun?!" Gusto kong batukan ang sarili ko dahil medyo napalakas ang sabi ko. Wrong move dahil narinig ni Sir. Oh shocks!
"Is there any problem over there?" He queried.
"Ah Sir! Si Gia po kasi gusto niyang—" Inapakan ko ang paa ni Mae.
"None Sir! Pasensiya na po!" Sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya.
"Aray! Ang sakit nun ha! What was that for?" Pabulong na reklamo ni Mae.
Sinenyasan ko siyang wag masyadong maingay. "Basta. Wag ka nalang maingay!"
"Alam mo ang weirdo mo. Bakit ganyan ka? May problema ba?"
"I'll explain it to you later. Ano ng ginagawa niya? Nakatingin pa rin ba siya dito?"
"Hindi na." I sighed in relief. Buti nalang. Yet still, I am not saved. Huhu.
"Since it's our first meeting, I would like you all to introduce yourselves with a twist. And the twist is, please choose one thing inside your bag that describes yourself and share it to the class." Narinig kong sabi ni Sir.
Lagot! Introduce yourselves daw! What to do? What to do?! >_< Geez. Maloloka na ako! Kailangan ko na talagang tumakas!
"Where shall we start? Hmmm." Ayan na. Ayan na. Please wag muna sa likod. Mauna dapat ang mga nasa harap. Huhu lord! Please help!
"Let's hear it first from last two girls at the back."
Nanigas ako sa kinauupuan ko. Kami lang ni Mae ang dalawang babaeng magkatabi sa hulihan. So meaning...
"K-kami ho ba Sir?" Narinig kong sabi ni Mae.
"Yes."
Napalunok ako. Nagsimulang pawisan at kabahan. Mistula akong salarin na malapit nang mabuking ang krimeng ginawa. Bigti na Gia!
May pag-aalinlangang tumayo si Mae at pumunta sa harapan. Nagsimula na siyang magpakilala pero wala pa rin akong marinig. Ang tanging sumasakop lang ngayon sa tenga ko ay ang malakas na kabog ng dibdib ko.
BINABASA MO ANG
He's My What?!
RomantizmIsa lang naman ang gusto ng isang Gianna Marie Ara Go - ang mamuhay ng simple sa kabila ng pagiging anak ng bilyonaryo at ang malayang makapagmahal ng taong gusto niya. But then, she never thought that arranged marriage would exist. As she was desti...