Chapter 3: He's A What?!

109 4 0
                                    

Chapter 3: He's A What?!

Monday morning. First day of classes for second semester. Katatapos lang ng semestral break. Tapos na rin ang free days ko with Rey. Back to basic ulit.

"Gooooo! Himala! Ang aga mo ah!" Bati sa kin ni Mae pagdating ko sa room. I smiled at her. Madalas kasi akong ma-late.

"Excited lang ako." Simpleng sagot ko.

Umiling lang siya. "Your face tells me the opposite. Ano ba kasing problema? Ang aga-aga negative energy agad."

Huminga ako ng malalim at tumungo sa mesa. "Bakit ba kasi ang dali lang ng sem break? Waaaah! Nakasama ko nga si Rey pero bitin! Gusto ko pa siyang makasama!" Nagpapadyak ako sa ilalim ng table. Naman eh! Limited na nga yung mga kilos namin, minsan na nga lang magkasama, pinagkaitan pa kami ng oras! Haays. Kailan ko ba siya malayang makakasama? Yung walang nakabuntot sa kin? Yung walang mga matang magsusumbong kina Mommy at Daddy?

Napangiwi ako nang batukan ako ni Mae. "Gaga! Kaya nga sem break kasi break lang. Pause lang. Anong gusto mong break? Yung pang-isang taon?"

Napasimangot ako. "Masisisi mo ba ako? Sadyang pinagkaitan lang talaga kami ng tadhana."

"Ayan kasi. Sobrang drama ng lovelife mo. Forbidden love? I never thought that it existed. At sa'yo talaga huh." Naiiling na sabi niya.

Tama siya. Kahit ako ay hindi matanggap na sa lahat ba naman ng taong may love life, isa ako sa mga nakakaranas ng tinatawag na forbidden love. Bakit kamo? It's all because of my parents. Mga parents ko na kahit wala sila palagi sa bahay ay hindi naman nagkulang sa pagmamahal na ibinibigay sa 'kin. I never felt alone dahil palagi silang nandiyan. Isang tawag ko lang ay pupunta agad sila and leave behind all their work kahit na napakaimportante ito.

Lahat ng gusto ko binibigay nila. Lahat ng pangangailangan ko, they always provide it to me. Are they strict? No, they aren't. Ang babait nga nila eh. But then there are things that really annoy me. Kahit hinahayaan nila ako sa lahat ng gusto kong gawin, hindi pa rin ako malayang nakakakilos. Monitored lahat ng ginagawa ko mula paggising, pagkain, pagtae, pagpunta ko sa school, maging sa pag-uwi ko. All my actions are reported to them. Palaging may nakabuntot sa akin ng palihim. Maraming mga matang nakatingin sa 'kin.

Kaya nga, kami ni Rey, ingat na ingat kaming dalawa. Palihim lang palagi ang pagkikita namin. Ayoko kasing malaman nina Mommy na may nobyo na ako. They don't like the idea of having a boyfriend for me. Their reason? Wala akong alam. I never asked kasi takot ako lalo na kay Dad.

But then may nakakatawa sa part na 'to eh. Ayaw nilang magkaboyfriend ako pero they always kept on setting me on a blind date. Ridiculous right? And ironic as well. Nakakainis but that's my world. Minsan nga, I feel sorry for my Rey dahil pati siya nadadamay sa sitwasyon ko.

"Ugh. Bakit ba kasi ako tinadhana ng ganito?" Inis kong saad.

"Ang sabihin mo, bakit ikaw pa ang naging anak ng presidente ng GG Company at ng may-ari ng sikat na clothing line na Blissley sa Korea."

Mabilis na tinakpan ko ang bibig ni Mae at pinandilatan siya. "Shh. Wag ka ngang maingay! Baka may makarinig."

Inilibot ko ang aking tingin. Nakahinga naman ako ng maluwag. Mabuti nalang at walang may nakarinig.

"Ah oo nga pala. Sorry. Hehe." Sabi niya tapos nagpeace-sign.

I sighed. Tanging si Mae at Rey lang ang nakakaalam ng tunay na estado ko sa buhay. Hindi ko gustong malaman ng lahat na instant billionaire ako dahil sa mga magulang ko. I'm afraid that they're going to judge me. Dalawa lang kasi ang kahahantungan ko sa oras na malaman nila kung sino ako. It's either they will praise and befriend me because of money or unfriend me and keep a distance from me because they're not on the same level as mine. Kaya as much as possible, I always keep my profile low. Mas mabuti nang malaman ng lahat na isa lang akong normal na tao kagaya nila.

"Okay lang. Mag-iingat ka next time. Alam mo na ang reasons ko di ba?"

"Yes, Lady Gia. Pasensya na po." Pabirong tinapunan ko siya ng masamang tingin. Tumawa lang siya. Kulit.

"Guys! Nandito na si Sir!" Nakuha lahat ng atensiyon namin nang biglang sumigaw si George, yung bakla kong classmate.

Nagtaka ako nang magkagulo ang lahat. Kanya-kanya silang ayos sa mga sarili nila. May nagmake-up, nagsuklay, nag-ayos ng uniform nila at nagsimulang magpacute.

"Bes! Okay na ba yung smile ko?" Tanong ng kaklase ko sa harap sa katabi niya.

"Okay na bes. Ako? May pulbos pa ba ako sa mukha?"

"Wala na. Iihhh! I'm so excited!"

"Me too! Kyaah!"

Seriously? Ano bang meron? Ba't ganyan nalang sila magkagulo?

"Mae. Bakit—pati ba naman ikaw?!" Di makapaniwalang sabi ko. Eh paano ba naman! Pagtingin ko sa kanya, nagli-lipstick din siya! What's wrong with this people?!

"Wag kang killjoy Go. Mag-ayos ka nalang kung gusto mo."

"At ako pa talaga ngayon ang killjoy?" I asked in disbelief.

"Hindi mo kami maiintindihan dahil may Rey ka na. OMG! Ayan na si Sir!" Mabilis na niligpit na ang gamit niya at umayos ng upo. Mukhang ako lang yata ang relax dito.

Ang kaninang maingay na atmosphere ay napalitan ng katahimikan. Tanging tunog dulot ng pagbukas ng pinto ang naghari sa katahimikan sa room.

Sinundan ko ng tingin ang lalaking nakasuot ng magarang coat habang naglalakad papuntang front. Hindi ko pa masyadong makita ang mukha niya dahil sa hulihan ako nakaupo. Familiar. Have I seen him before?

Inayos niya ang dala niyang mga gamit sa table. Hindi ko pa rin makita ang mukha niya dahil nakatungo siya.

And then...

And then...

And then...

Slowly...

He...

LIFTED UP HIS FACE.

Nalaglag ang panga ko nang tuluyang makita ang mukha niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nalaglag ang panga ko nang tuluyang makita ang mukha niya. Hindi pwede... Hindi maaari... There's no way that he's going to be—

"Hi everyone! I'm Ryan Guadalquiver and I'm going to be your teacher from the first day of this semester until your last day of the school year

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hi everyone! I'm Ryan Guadalquiver and I'm going to be your teacher from the first day of this semester until your last day of the school year."

He's My What?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon