Chapter 9: Little Did They Know
Hindi ko alam kung ilang beses na akong napabuntong hininga ngayong araw. Kung nagsasalita pa ang baga ko, baka kanina pa ito nagreklamo sa 'kin.
Saturday. I'm supposed to celebrate since I do not have to go to school and do my tasks as a student and as an assistant. But why do I feel so sluggish today? Ah. Maybe because of what happened yesterday. Right.
Until now, I could still picture out those scenes. I sighed again.
"Aish. Napakalabo niya. Talagang hindi ko lang siya maintindihan. Bakit ang dami ng katauhan niya? Alien ba siya?" Kinakausap ko ngayon ang sarili ko sa kwarto ko.
I just don't get him. At first akala ko sobrang bait niya pero hindi pala. Napakastrikto niya saka ang daming utos. Then bigla-bigla nalang makikita ko siyang ngumingiti habang may kausap sa phone tapos kapag ibang tao ang kausap magsusungit ulit. Tapos ano? Bigla nalang siyang nagbi-beast mode just because I took the call that is supposed to be his? He's so unpredictable. Unpredictable in the sense that I can't tell when will he change his personality. And yeah, a bit weird sometimes.
"Pero bakit ganun? Kailangan ba talagang sigawan ako dahil pinakialaman ko yung cellphone niya? Ano ba ang meron sa Ara na yun at ganun nalang siya magalit sa kin? Aish! Ang babaw niya!" Inis na pinanggigilan ko ang unan na hawak ko.
"Akala mo naman ang dami niyang sekreto--" I gasped and widened my eyes in sudden realization. "Oh my ghad. Don't tell me he has secrets?"
Naputol ang pag-iisip ko nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. "Lady Gia, nandito po si Madam Myra. Hinahanap po kayo." Narinig kong sabi ni Nana Nancy.
"Sige po. I'll be there in a minute." I replied. Anong ginagawa ni Mommy dito?
Anyway, I tied my hair into a messy bun before I went out of my room. Nadatnan ko sa sala si Mommy na may kausap sa telepono. Nang makita niya ako ay ngumiti siya bago magpaalam sa kausap niya.
"Hello Sweety! Did you miss me?" She said cheerfully as she opened her arms for a hug. I smiled back and embraced her.
"Of course. What brings you here, Mi?" Tanong ko.
"Grabe ka naman makatanong anak. Bawal na ba akong pumunta sa sarili kong bahay?"
"Hindi naman sa ganun, Mi. I mean, you won't visit me here if you're not into something important right?" Madalas lang kasi pumunta si Mommy sa bahay. Usually twice or thrice a month lang siya pumupunta dito dahil sa dami ng inaasikaso niya sa business niya. Palagi siyang nasa business trips kaya minsan lang siya nakakapunta dito. Kaya nga nagtataka ako ngayon kung bakit nandito siya sa Pilipinas when in fact last week I heard she was in Thailand.
Ngumiti naman si Mommy sa kin as if I just hit the word. "Actually anak, I came here for a VVIT."
Naguluhan ako sa sinabi niya. "VVIT? Ano po yun?"
"Very, Very, Important Thing." Sabi niya sabay taas-baba ng kilay niya.
"Like what?"
"Remember the dress I let you buy last time?"
"Yeah. What about it?"
"Hindi na pala yun gagamitin ni Angela. I just talked to her right now."
"What?!" Naibulalas ko nalang. Ano na naman ang pumasok sa isip ng babaeng yun? Don't tell me nag-iinarte na naman siya?
"Sabi niya kasi nakabili na siya that's why hindi nalang ako pumunta kahapon dito para kunin yung dress sa'yo. But don't worry Sweety. Hindi yun masasayang dahil magagamit mo yun this week. And that's the reason why I'm here. I came here to tell you something VVIT and that is I have a dinner with my very famous client. Edward Knowles is the name and yep! Isang sikat na artista ang kliyente ko! Isn't it great? And you know what, he wanted to meet the heiress of the Taerang Group! Isasama niya ang kanyang brother na nagbabaksyon ngayon dito sa Pilipinas so I said it's a great opportunity para ipakilala kita sa kanya! Not just to Mr. Knowles but also to his brother which I think is twice as handsome as Edward!"
BINABASA MO ANG
He's My What?!
RomanceIsa lang naman ang gusto ng isang Gianna Marie Ara Go - ang mamuhay ng simple sa kabila ng pagiging anak ng bilyonaryo at ang malayang makapagmahal ng taong gusto niya. But then, she never thought that arranged marriage would exist. As she was desti...