Chapter 14: Outcast
"Ah sht! ang sikip."
"Wag kang masyadong malikot, Rey. Ahh! Ouch! Dahan-dahan naman!"
"Sorry Gia. Eh ang sikip talaga eh. Can you at least bear the pain for the moment? Ah. Sht."
"Okay. But don't be too harsh. Ang sakit na kaya."
"Teka. Ayusin ko lang ang posisyon ko."
"No. Wag na. Okay na 'to. Basta wag ka lang malikot."
"Are you sure?"
Tumango ako.
"Sige. Eto na. Hindi---"
"Ahh!"
Tinakpan ni Rey ang bibig ko nang mapasigaw ako. "Shhh babe. Wag kang masyadong maingay. Baka marinig nila tayo."
Maluha-luhang tinanggal ko ang kamay niya sa bibig ko saka bumulong. "Sabi ko na kasing wag kang malikot eh. Naapakan mo tuloy yung paa ko." I hissed.
Nagtataka ba kayo kung nasaan kami? Ganito kasi yun. Nung muntikan ng may mangyari sa min ni Rey sa room, nakita kong dumaan ang mga bodyguards ko, which is, I know sekretong nagbabantay sa kin. Kaya heto at tumakbo kami palabas ni Rey para tumakas.
Muntikan na nga kaming magkasalubong nung nadaanan namin yung locker room eh. Buti nalang may nakita akong maliit na wall kung saan pwede kaming sumiksik ni Rey. Luckily, kumasya kami but damn! Ang sikip. Feeling ko yata bumaboy na ako.
"Wala na ba sila?" Pabulong kong tanong.
Rey peeked outside. Nang masigurado niyang wala ng tao, binalik niya ang tingin sa kin, which is wrong move kasi ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Halos tumalon ang puso ko sa gulat dahil sa ginawa niya.
"It's all cleared. So...where are we?" He said, trying to tease me.
Umiwas ako ng tingin at pasimpleng lumunok. Geez. Ang init-init na nga dito, mas lalo pang pinaiinit ng boyfriend ko.
"Rey... Pwede bang lumabas muna tayo? Kasi alam mo na.. Ang hirap ng posisyon natin oh. Ipit na ipit na ako dito."
"Nevermind going out. Ayaw mo nun? We'll try something fun and thrilling." He said then bit his lips causing my cheeks to heat up.
"Rey!" Saway ko.
Tinawanan lang niya ako saka naunang lumabas. Para namang nabalik ang oxygen ko nang makalabas rin ako sa wakas.
"Just kidding. Alam mo ng ang laki ng respeto ko sa'yo. I'm sorry for being a jerk earlier. Masyado lang akong nadala sa sobrang pagka-miss sa'yo."
Umiwas ako ng tingin at pasimpleng ngumiti. "Oo na. Na-miss din kita. Basta sa susunod wag mo na akong bibiglain."
Nahihiyang kinamot niya ang likod ng ulo niya. "Sorry. Gustong-gusto ko lang talaga makabawi sa'yo. Are you free tomorrow? Mag-date tayo. Babawi ako. Promise."
"Sinabi mo yan ha. I'll free my schedules tomorrow. Teka. Formal ba or informal?"
"Depends on your choice."
"Kahit ano nalang. Basta ang importante magkasama tayo."
"Sige. I'll call you later. Let's go?" He said as he lend me his hand.
"Sigurado kang lalabas tayong ganito?" I asked, intertwining my fingers on him.
"Why? Don't you want?"
"Siyempre gusto. But the thing is, someone might see us. Alam mo na. May nagbabantay sa 'kin. Baka isumbong nila ako kay Mommy."
Nakita kong napangiti siya ng mapait saka dahan-dahang bumitaw sa kamay ko. "Ah. Oo nga pala. So. I'll go ahead first?"
BINABASA MO ANG
He's My What?!
RomantizmIsa lang naman ang gusto ng isang Gianna Marie Ara Go - ang mamuhay ng simple sa kabila ng pagiging anak ng bilyonaryo at ang malayang makapagmahal ng taong gusto niya. But then, she never thought that arranged marriage would exist. As she was desti...