Chapter 11: Unexpectedly

107 3 0
                                    

Chapter 11: Unexpectedly

Let's meet at Riz Towers. 5th floor. Nagpareserve na ako ng table for the two of us. I'll see you there, my Gia. Ingat ka.

Napangiti ako matapos mabasa ang text ni Rey. Mas lalo tuloy akong na-eexcite na pumunta.

It's quarter to eight. I'm done fixing myself. Suot ko ngayon ang binigay ni Tita Matilda sa 'kin. It's a semi-off-the-shoulder white long sleeve dress paired with a below the knee tangerine skirt. Pinaresan ko ito ng pink closed shoes. Nilugay ko lang ang buhok ko at medyo kinulot ito sa bandang hulihan. Naglagay din ako ng konting make-up sa mukha. I looked myself in the mirror.

"Okay na siguro 'to." I said. Bago lumabas, kinuha ko muna ang pabango ko at nag-spray.

"Mukhang may lakad po kayo ngayon, Lady Gia." Puna ni Nana Nancy paglabas ko. I just smiled at her.

"Ah. Oo eh. Ngayon yung dinner na sinasabi ni Mommy." Pagsisinungaling ko. Actually hindi pa yun ngayon dahil wala pa naman akong nare-receive na text galing kay Mommy. Ginawa ko nalang yung excuse para hindi nila mahalata na makikipag-date ako kay Rey.

"Ah. Ganun po ba. Sige po goodluck po. Sana magustuhan niyo na po ang ipapakilala sa inyo ng Mommy niyo."

I gave her an awkward smile. That's not gonna happen.

"Nana, pwedeng kunan niyo po ako ng picture?" I said, trying to divert away the topic.

"Oo naman po, Lady Gia."

Ibinigay ko sa kanya ang iphone ko. Pumwesto ako sa wall malapit sa pinto namin at medyo sumandal doon.

 Pumwesto ako sa wall malapit sa pinto namin at medyo sumandal doon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Wow! Ang ganda niyo po talaga Lady Gia!" She exclaimed.

Napahawak ako sa pisngi ko. "Talaga po?"

"Oo naman po Lady Gia! Gumaganda ho kayo lalo kapag nag-aayos kayo."

Ginantihan ko lang siya ng ngiti. "Salamat po. O sige po Nana. Mauna na po ako. Baka ma-late po ako sa dinner namin with Mommy. Kayo lang muna po ang bahala dito ha?"

"Opo Lady Gia. Masusunod po." 

Matapos kong magpaalam sa kanya ay nagpahatid na ako kay Kuya Eddie. Nasa sasakyan ako nang maalala kong itext si Rey.

I'm on my way to Riz. Where are you na po?

I waited for his reply pero sampung minuto na ang nakalilipas at wala pa rin akong natatanggap na reply galing sa kanya. "Busy? Grabe ha. Di manlang ako nireply." Nasabi ko nalang.

He's My What?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon