Chapter 2: Bumped
"Gooooooo! Nasan ka na ba?!" Bigla kong nailayo sa tenga ko ang phone ko. Grabe naman 'tong si Mae makasigaw, wagas!
"Paalis na ako ng bahay. Ikaw nasan ka na?" Tanong ko pabalik.
"My goodness gracious! Paalis ka palang? Nandito na ako sa school. Bilisan mo na kasi padami na yung mga studyante dito!" Sabi niya sa kabilang linya.
Nagmamadaling isinuot ko ang sapatos ko at kinuha ang bag at envelope na may lamang mga documents. "Oo na! Eto na nga oh. Aalis na. Sige na! See you there. I-reserve mo ako ng computer. Bye! Mwa!" Sabay patay ko sa tawag. Alam ko kasing dudugtungan niya pa ang sasabihin ko.
"Good morning, Lady Gia." Bati ng driver ko pagpasok ko sa kotse. Sinuklian ko naman siya ng ngiti.
"Good morning din po! Uhm, kuya Eddie, sa school po tayo. Pakibilisan lang kasi enrollment po namin ngayon. Kailangan ko pong ma-enroll sa half-day schedule."
"Okay po." Then he started driving the car.
Ilang minuto lang ang nakakalipas ay nag-vibrate ang phone ko. Napangiti ako nang makita ko kung sino ang nagtext.
From: Mi Amore❤💋😍
Good morning my Gia.
Tipid pero sweet. Iba talaga 'to magtext si Rey. I replied him.
Good morning din my Rey! :) I'm off to school na. Eat ur breakfast ha?. I love you. 😍😘
Maya-maya lang ay nagreply siya.
Yes. I'll fetch you later. Take care.
"Yun lang 'yun?" Disappointed na sabi ko. Ni wala manlang 'I love you too.' Psh. Ang damot talaga nitong mag-type ng I love you too. Kesyo daw walang feelings kapag text lang. Mas mabuti daw kung sasabihin niya sa personal ang mga salitang iyon para dama. Pasalamat siya mahal ko siya kaya dine-dedma ko nalang.
After 15 minutes, finally nakarating na rin ako sa Guville University. Nagpaalam na ako kay Kuya Eddie at tumakbo ng mabilis. Nilabas ko yung iphone ko at tinawagan si Mae.
"Nandito na ako! Asan ka?" Tanong ko habang walang tigil sa pagtakbo. Nasa main building na ako nang sumagot siya.
"I.T. Building 1st floor. Bilis na!"
"What?! Eh nasa main building ako!" Reklamo ko. Paano ba naman eh nasa kabilang building pa yung I.T building. Ang layo nun mula dito.
"Gaga ka rin 'te no? Alam mo nang online enrollment pero dumiretso ka pa rin diyan. May computer lab ba diyan ha?" Napanguso ako. She's being sarcastic again.
"Pasensiya naman! Nape-pressure ako sa'yo!"
"Ang bagal mo kasi. Alam mo, bilisan mo nalang. Hindi pa nila binubuksan yung com lab."
"What if kung mauna ka nalang? I-reserve mo lang ako ng computer."
Nailayo ko na naman ang phone ko nang sumigaw siya. Haays. Mababasag na ang eardrums ko sa babaeng 'to. "Hindi pwede! Hihintayin kita kahit abutin ka pa ng isang taon papunta dito! Dapat sabay tayo okay? Walang mauuna, walang mahuhuli. Kailangan same schedule ako as yours. Wala akong makokopyahan ng assignment!"
Napangiti ako sa sinabi niya. Sweet.
"Oo na! Oo na! I'm on my way there na! Ang drama mo!" Sabay baba sa tawag. Napangiti ulit ako.
Si Mae. She's my bestfriend for almost two years. Siya lang ang pinakamalapit na kaibigan sa 'kin since first year. Tahimik lang yan nung una. Walang kaibigan at walang may gustong makipag-usap. She was just a nobody. But then one day, nilapitan ko siya at kinaibigan. She seemed so nice kasi. Nung una mahiyain pa siya pero nung tumagal, sobrang daldal pala. At ngayong third year na kami, natuklasan kong nakalunok pala 'to ng megaphone. Kaya natatawa nga ako sa tuwing naiisip ko na ang babaeng tahimik, mahiyain, at mahinhin noon ay isa palang bungangera. Hahaha.
BINABASA MO ANG
He's My What?!
RomantizmIsa lang naman ang gusto ng isang Gianna Marie Ara Go - ang mamuhay ng simple sa kabila ng pagiging anak ng bilyonaryo at ang malayang makapagmahal ng taong gusto niya. But then, she never thought that arranged marriage would exist. As she was desti...