Chapter 6: All Because of Tasks, Not His Reason
"Go, maawa ka naman sa pagkain mo. Kulang nalang diyan humingi ng saklolo." Saway sa kin ni Mae. Kanina ko pa kasi tinusok-tusok ng paulit-ulit ang steak na inorder ko.
Eh pano ba naman. Bwisit na bwisit pa rin kasi ako hanggang ngayon dahil sa nangyari kahapon. Hindi ako yung tipong nagtatanim ng sama ng loob pero yung nangyari kahapon, talagang nakakapagpakulo ng dugo ko sa tuwing naiisip ko yun. It was my first time to be treated that way at naiinis ako dahil isang teacher ang may gawa nun sa kin! Iniiyak ko nalang yung inis ko kagabi dahil hindi ko alam kung paano pakakalmahin ang sarili ko. I was already okay yesterday. I felt relieved somehow... Akala ko nga nabuhos ko na lahat ng inis ko kagabi pero hindi pala. Kanina, nung papasok ako sa Field Study subject ko, bigla nalang natipon ulit lahat ng inis ko nang makasalubong ko si Sir Rye sa hallway. Nagngingitngit ako sa galit habang pasimpleng tinitingnan siya ng masama. Nung dumaan siya sa kin at nung nakita niya ako, binati ko siya ng 'good morning' kahit napipilitan lang ako. Ngumiti pa ako sa kanya para ipakita sa kanya na hindi ako apektado sa pagmumukhang tanga niya sa 'kin kahapon.
But do you know what was the worst part? He greeted me back naturally as if he didn't do something wrong yesterday! He even looked me in the eyes like he didn't know anything! Tapos dire-diretsong nilagpasan lang niya ako nang hindi manlang ako tinanong kung pumunta ba ako sa office niya kahapon. Hindi manlang siya nag-sorry at nagpaliwanag kung bakit wala siya kahapon. Nakakainis! I know I shouldn't be this demanding but it's my right to get his apology and explanation! Ako ang biktima at ako pinagmukha niyang tanga! Nakakasakit ng pride!
Kaya naman steak, pasensya ka na sa ngayon because I have to torture you to release all my anger.
Tinusok ko pa ng isa ang steak at binagsak ang hawak kong tinidor sa mesa. Napatalon naman sa gulat si Mae. "Ugh! Nakakabwisit talaga! I hate him!" Galit na usal ko.
"Wag naman ganyan Go. Ang isang katulad ni Sir Rye ay hindi kahate-hate. Alam mo, palagpasin mo nalang yan. Malay mo may importanteng nilakad si Sir kahapon kaya siya wala dito."
"If it was important, then he should have told me then nang sa gayo'y hindi ako nagsayang ng oras at effort." Katwiran ko.
"So anong gusto mo? Itext ka niya kahit wala siyang contact number sa yo? O baka gusto mong ipalagay sa digital announcement board ang pangalan mo? Or kung gusto mo puntahan ka niya para sabihin lang sa'yo na wala siya sa office niya at that hour. Ganun ba?"
Sumimangot ako. Sumandal ako sa upuan at humalukipkip. She's mocking me again. "Hindi naman sa ganun. What I mean is, dapat may iniwan siyang note sa labas ng office niya saka dapat ni-lock niya yung pinto at least para ma-gets ko agad na wala siya."
"He can do that. Pero malay natin, sa pagmamadali niya ay nakalimutan niyang maglagay ng note. Kahit nga yung pagsara ng office niya nakalimutan niya rin di ba? Mukhang importante yata ang nilakad niya kaya ganun."
I shook my head. Kahit saang anggulo ko tingnan, nagmukha pa rin akong tanga. "Ah basta! I still hate him! Pinagmukha niya pa rin akong tanga!" Tumusok ako ng steak at sumubo. Galit na nginuya ko iyon.
"Hoy teh. Move on. Makapagsalita ka naman akala mo naman boyfriend mo si Sir Rye. Kung nandito lang si Rey baka na-misunderstand ka na nung tao."
"Heh. Magtigil ka. Hindi ganun si Rey. Mahal ako nun." Speaking of him, miss ko na siya. Kumusta na kaya yun? Minsan lang kasi kami magkaroon ng communication dahil nga ayaw naming mabisto nina Mommy at Daddy. Matawagan nga mamaya.
"Asus. Ayan ka na naman sa Rey mo. Nasingit lang ng konti yung pangalan niya...kung makangiti ka naman...Hmmm. Hopeless ka na talaga, Go."
I stick my tongue out. "Wala kang pakialam." I kidded.
BINABASA MO ANG
He's My What?!
RomansaIsa lang naman ang gusto ng isang Gianna Marie Ara Go - ang mamuhay ng simple sa kabila ng pagiging anak ng bilyonaryo at ang malayang makapagmahal ng taong gusto niya. But then, she never thought that arranged marriage would exist. As she was desti...