A/N: I made changes on the previous chapters. Kindly review nalang. Thanks!
---Chapter 15: A Place To Stay
Gia's POV
The number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please...
"Ugh!" Inis na binagsak ko ang cellphone ko at umiyak nalang sa sobrang inis.
I can't believe my Mom is doing this to me. I'm too much stressed and frustrated sa lahat ng kalokohan na pinaggagawa niya sa kin. First, she surprised me with that damn marriage and now, she wanted me to go to my fiancés house and live with him there?
Kaya niya pala ako pinagbawalang tumira sa bahay dahil gusto niyang mag-isa kaming tumira ni Sir Ryan. Hindi pa nga kami kasal pero gusto na ni Mommy na magsama kami sa iisang bubong. Ang sabi niya, it's a great time for me para magpractice bilang future wife.
Yung totoo? Nanay ko pa ba talaga to? Hindi na nakakatuwa ang mga pinaggagawa niya!
I dialled again her number pero wala. Wala talaga. She turned off her damn phone. I did the same thing to Dad para sana magsumbong pero busy din ang phone niya.
Napapadyak nalang ako sa inis. Saan nalang ako titira ngayon?
Napatingin ako sa listahan na ginawa ko kani-kanina and all of it sucks. You wanna know why?
Option A. Magcheck-in sa hotel.
Was the very first option na ginawa ko. Pero hindi ko magawa-gawa dahil ni-freeze ni Mommy lahat ng cards na meron ako. As in lahat! Kahit yung bank account ko tinira niya! May cash naman ako dito sa wallet ko eh pero hindi siya sa sapat. Kaya, option A, cross-out na sa listahan.
Option B. Makitira kay bestfriend.
Sinubukan ko ng gawin ang option B pero may na-realize ako. Hindi ko alam ang idadahilan ko kay Mae kung sakaling pumunta ako at sabihin kung makikitira lang muna ako sa kanila pansamantala. Isa pa, baka malaman niyang engaged na ako which is, hindi pa ako handang sabihin sa kanya. At isa pang isa pa, sabi ni Mommy na oras na malaman niyang nakitira ako kina Mae, bukas na bukas, ipapakasal na daw agad ako kay Sir Rye. Kaya, option B, cross out na rin sa listahan.
Option C. Lumapit kay Rey.
Etong option na to, cross out na agad sa listahan ko. Gustuhin ko mang humingi ng tulong sa kanya I know I can't at sobrang hindi ko talaga gagawin to dahil wala pa akong lakas ng loob na aminin sa kanya ang sitwasyon ko. Nilagay ko lang siya sa listahan ko dahil pwede akong makahingi ng tulong sa kanya though hindi talaga pwede.
Option D. Tumira sa kalsada.
Cross out. Mukhang hindi ko kakayanin ang lamig ng semento nang wala ang kumot ko. Isa pa, masyadong delikado sa labas. Paano kung mapahamak ako?
Option E. Tumuloy kina Sir Ryan.
Is the last option I ever had na ayoko namang gawin dahil nakakahiya at sobrang hindi tama. Hindi kaya ng pride ko na makitira sa bahay ng fiancé ko. Oo nga, engaged kami pero parang hindi naman yata tamang papagsamahin kami sa iisang bahay di ba? Isa pa, iniisip ko palang ang sarili ko kasama si Sir, kinikilabutan na ako. Ang awkward kaya! Kahit na fianće ko siya, I can't still change the fact that he's my teacher. Like, teacher and student? Titira sa isang bahay? Ghad! No way!
I heaved a sigh and tried to formulate possible solutions na pwede kong gawin. Napasabunot nalang ako nang wala akong maisip.
Ugh! Bahala na nga!
-----
In the end, hindi ko rin maatim ang matulog sa kalsada kaya heto, medyo nilakasan ko ang loob ko at kinapalan na rin ang mukhang pumunta sa bahay ni Sir Ryan. Paanong nalaman ko ang bahay niya? Edi tinext lang naman ni Mommy bago niya ako patayan ng phone. Ang galing talaga magpalayas ng nanay ko. Akalain mo yun? Nagawa pang mag-send kung saan ako tutuloy. Hays.
BINABASA MO ANG
He's My What?!
RomanceIsa lang naman ang gusto ng isang Gianna Marie Ara Go - ang mamuhay ng simple sa kabila ng pagiging anak ng bilyonaryo at ang malayang makapagmahal ng taong gusto niya. But then, she never thought that arranged marriage would exist. As she was desti...