Thiea's Pov
Nagpa-piano ako ng bigla akong tinawag ng isang guard na nagbababntay sa labas ng aking silid..
"My Lady pinapatawag po kayo ng inyong magulang.."
Ngumiti lang ako ng marahan at tumayo na para sundan ang guard ko..
Habang papunta kami sa mga magulang ko di ko maiwasan maisip kung ano kaya ang kanilang sasabihin..
"Baka naman naaalala nila ang birthday ko ngayon." Sabi ng aking isip
O baka naman hindi at may kailangan lang sila sa akin..
Napabuntong-hininga na lamang ako..
"My Lady andito na po tayo pumasok na lang ho kayo sa loob"
Pumasok naman ako kaagad sa silid-aklatan nila..
"Mother,Father" pagbibigay respeto ko sa aking mga magulang..
"Andito ka na pala umupo ka na dahil may sasabihin kami sayo.."
Mabilis naman akong umupo sa harapan nilang dalawa. Tinignan ko sila pero hindi man lang nila ako tinignan.. Umiwas na lang ako agad ng tingin sa kanilang dalawa..
Habang nakayuko tinanong ko sila.
Nagtatanong ba kayo kung bakit ako nakayuko habang kausap nila??Well sabi ni Mama ay nakayuko ako dapat kapag kinakausap ko sila palagi..
"Ani po yong sasabihin niyo sa akin?" Tanong ko
"Ikakasal kana" maikling sabi ng aking papa..
"Po?!" biglang tumaas ang boses ko.
"Ang sabi ko IKAKASAL KANA!! Naiintindihan mo ba?! At hindi ka na pwedeng umatras dahil bukas na ang kasal niyo.." Papa
"Pero pwede ko bang malaman ang pangalan ng aking mapapangasawa??"mahinahong tanong ko..
Wala naman akong magagawa dahil buong buhay ko palagi ko silang sinusunod...
"Alfredo Chen siya ang pakakasalan mo.." Mama
Agad akong napatingin sa kanila at napatango na lang ng marahan..
"Makakaalis kana.." sabi ni Papa
Lumabas naman ako kaagad sa silid na iyon at hinatid naman ako ng guard pabalik sa aking kwarto..
Pagkarating ko doon..Agad akong napangiti dahil sa totoo lang matagal ko ng gusto si Alfredo..
Naalala ko pa noon kung saan ko siyang unang nakita..
Flashback###########
7 years ago...
May party ngayon sa bahay kaya maraminh bisita..
Ang mga tao ay nagsasayahan at nag-uusapan kasama na doon ang aking mga magulang habang ako nandito lamang nakaupo at tinitignan sila..Ganun din ang mga kaedad ko..
Siguro nagtataka kayo kung bakit hindi ako nakikihalubilo sa kanila..Kasi naman di ako sanay sa maraming tao dahil kahit kailan hindi ako nakalabas sa aming mansion...
Nagulat ako ng may biglang nagsalita sa gilid ko..
"Ahhmm. Excuse me pwede bang makiupo rito?"
Pagtingin ko..
Dug.
Dug.
Dug.
Dug.O my.. May isang gwapong lalaki na nakatayo sa aking gilid.. Tinignan ko siya mula sa kanyang buhok na kulay itim, ang kanyang mga matang kulay brown at ang mga labi niya na sobrang pula at ang balat niya maputing maputi siya...
"Ahhh sige.." sabi ko at niyuko na lang ang ulo ko.
"Alfredo Chen nga pala..." sabi niya habang nakalahad ang kamay niya sakin.. Inabot ko naman ito at nagpakilala..
"Thiea Mae Doqueza.."
Ngumiti naman siya bigla kaya umiwas ako ng tingin at nag-blush..
Ang cute niya kapag ngumiti..
Nginitian ko na lang siya pabalik at least ngayong araw may nakausap akong ibang tao at napangiti niya ako...Naptingin ako sa aking mga magulang na nakangiti sa akin.. Nagulat ako sa pag ngiti nila dahil ngayon ko lang sila nakitang ngumiti kaya nginitian ko sila pabalik at humarap ulit kay Alfredo..
End of Flashback......
Simula non palagi na siyang pumupunta sa amin at palgi niya akong kinukwentuhan kung ano ang mga nangyayari sa labas..
Hanggang sa bigla na lang itong hindi na pumupunta sa amin.. Nalungkot ako dahil siya lang ang nagoapasaya sa akin tapos bigla siyang nawala..Pero ngayon ikakasal na ako sa kanya..
Ano na kaya ang mga nagbago sa kanya?
Ano kaya ang mangyayari bukas?Bigla na lamang ako napatingin sa aking piano at unti-unting lumapit doon at tinugtog ang kantang Thousand Years..
Nakangiti ako habang nakapikit ang aking mga mata at dinadamdam ang musika..Pagkatapos kong tumugtog ay pumunta na ako sa aking higaan at natulog na habang iniisip pa rin ang kasal...
=%===■●□◆•♤°■○◆○♡♡°■°■●♡•♡¤¤¤¤¤•
Ok lang ba ang chapter na ito.???
BINABASA MO ANG
Pregnant By The Mafia Lord
RomanceThiea Mae Doqueza. Siya ay talentado,mabait,magalang at masunurin.. Buong buhay niya palagi siyang sumusunod sa utos ng kanyang magulang. Pero minsan hiniling niya na sana makalabas man lang siya. She wanted to get out of the cage. Pero saan naman s...