Author's Pov
Nakalipas na ang limang taon at marami na ang nangyari.
Si Thiea ay umalis sa pamamahay ni Jace at lumayo kasama ang bagong kaibigan nito na si Krystal. Dinala siya ni Krystal sa isang lugar kung saan hindi sila makikita ni Jace at nagtago. Hindi sila nahirapan dahil tahimik at maaliwalas ang probinsya na tinuluyan nila. Nagpasalamat ng taimtim si Thiea kay Krystal sa kabutihang ginawa nito.
Hanggang sa isinilang niya ang tatlong malulusog na sanggol. Dalawang lalaki at isang babae. Pinangalanan niya ang panganay niyang anak na lalaki na James Matthew Doqueza. Ang ikalawa namang lalaki ay Mark Timothy Doqueza. At ang bunso naman ay pinangalanang Lovey Heart Doqueza. Totoo man na masakit ang kanyang naranasan pero sulit naman ng marinig niya ang unang iyak ni Matthew.
Sa limang taon namuhay sila ng tahimik pero palaging itinatanong ng mga ito kung sino ang ama nila lalo na si Lovey. Sinabi niya na ang lahat ng lusot na pwedeng sabihin sa mga ito para hindi na magtanong at halos nawawalan na rin siya ng ideya kung ano pa ang pwedeng sabihin sa kanila. Pero sadyang matalino ang mga ito at alam ng mga batang ito na may problema sa pamilya nila.
Minsan naaawa na siya sa mga anak niya dahil palagi silang tinutukso ng ibang batang buo ang pamilya. Pero pilit naman na iniintindi ng mga batang to ang nangyayari sa kanilang buhay sa murang edad pa lang nila. Naiisip rin ni Thiea kung kailan na naman silang magkikita muli ni Jace pero ang sabi ng isip niya mas mabuti na lang kung lumayo sila para hindi masaktan.
Habang sa kabilang banda naman. Si Jace ay mas naging nakakatakot sa lahat mapa-mafia o bussiness man. Magmula ng umalis si Thiea biglang nagbago ang katauhan ni Jace. Sinubukan niyang hanapin si Thiea at nahanap niya nga ito. Pero palaging sa malayo lang siyang nagmamasid.
Nakita niya kung paano lumaki ang tiyan ni Thiea hanggang sa iniluwal na ni Thiea ang mga sanggol. Naiyak pa siya ng malaman niyang triplets ang naging anak nilang dalawa. Pinagsisihan niya ang lahat ng nasabi niya at sa pag-isup na i-abort yung bata.
Sa loob ng limang taon, minahal at pinagmasdan niya sila sa malayo. Minsan pumupunta ito sa paaralan ng mga anak at nakikita rin niya kung paano tuksuhin ng mga bata ang kanayng mga anak dahil wala silang ama. Gustong-gusto niya itong ipagtanggol pero ang nagawa niya lang ay bigyan sila ng sorbetes tuwing nangyayari iyon. Walang alinlangan naman nila itong tinatanggap na para bang may tiwala sila sa kanya. Tinatawag pa nga ng mga ito na Mr. Sorbetes.
Kung sa mga anak niya ay mabait siya kabaliktaran naman ang nangyayari kapag tungkol na sa kompanya o sa mafia. Nagiging sinlamig siya ng yelo at walang awa sa pagpatay sa mga tumatakwil sa kanya. Wala siyang ibinigay na awa para sa mga ito. Nakalipas na ang maraming taon kaya inisip niya na tama na ang pagatatago ni Thiea sakanya at kunin na ang mga mag-iina niya at dalhin sa private island na binili nito para sa kanila lamang.
I think it's time to meet my whole family and bring them here in my land where no one can disturb us here.
Nakangising saad nito sa kanyang isip habang umiinom ng alak.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Thiea's Pov
"Matthew clean your mess. Tim wash your hands don't eat if your hand are dirty. Lovey don't scatter your dolls everywhere."
Ma-awtoridad na sabi ko sa kanila. Hay naku anh kulit kulit talaga ng mga batang to. Pero kahit na makulit ang mga ito mahal na mahal ko pa rin sila.
Minsan nakikita ko si Jace sa mga mata nila. Namana kasi nila ang lahat ng features ni Jace maliban na lang sa kagandahan ng anak ko dahil mana ito sakin habang ang mga anak kong lalaki naman ay mana sa kanilang ama.
"Mom where will i put these things?" Tanong ni Matthew habang buhat ang mga nagkalat na damit sa sahig.
"Ilagay mo yan sa room ni mommy baby." Saad ko habajg nakatalikod pa rin sa kanya.
Naramdaman ko ang pagsimangot nito ng tinawag ko siyang baby. Kaya napatawa na lang ako ng mahina.
"Mom I'm not a baby anymore" Hay naku hindi talaga magpapatalo ang isang to.
"Ok fine young man ilagay mo na lang ang mga iyan sa kwarto ji mommy. Okay?" Sukong sabi ko.
"K mom." Huling sabi nito at dinala na sa kwarto ko yung mga damit.
"Mom Lovey is annoying me. She keeps on bugging me to play one of her dolls but it's so gay if I play this things." Nakasimangot ring saad ni Tim sa akin.
"Lovey don't give your brother a barbie his a boy sa he can't play dolls." Saway ko naman kay Lovey.
Nagtataka siguro kayo kung bakit ako nag i- english. Ewan ko ba sa kanilang tatlo hindi sila sanay na palaging magtagalog kaya heto kami palaging nag-uusap in english pero sinasabihan ko rin sila na dapar mas marunong silang magtagalog dahil nasa pilipinas sila.
"But mom I don't have a playmate is so boring if I'm playing alone." Malungkot na saad nito.
Naawa naman si Tim sa kapatid niya kaya nakipaglaro na lang siya kahit na ayaw niya. Nakababa na rin si Matthew mula sa itaas at nakisali na rin sa dalawa para walang problema. Hay nakakatuwa talaga silang panoorin.
Naghuhugas ako ng pinag-kainan namin kanina ng biglang kay kumakatok sa pintuan.
"Sandali lang.!" Medyo sigaw na sabi ko at naglakad na papunta sa pintuan ng bahay namin.
Pagkabukas ko ng pintuan laking gulatko kung sino ang nakita ko.
Siya ang taong ayaw ko na sanang makita pa. Walang iba kundi si-
-
-
-
-
-
-"Jace" mahinang sambit ko sa pangalan niya.
"Hello my runaway wife." Nakangising saad nito.
Napaatras ako sa sinabi niya.
"I-im not your wife." Nanginginig kong sabi sa kanya.
"Well maybe not now. But you will be my wife soon after you marry me." Seryosong sabi nito at lalong nanlaki yung mga mata ko sa narinig.
Oh no. Bakit ba ito nagyayari ngayon?
---------------------
Too tired let's sleep guys.. 😴
BINABASA MO ANG
Pregnant By The Mafia Lord
RomanceThiea Mae Doqueza. Siya ay talentado,mabait,magalang at masunurin.. Buong buhay niya palagi siyang sumusunod sa utos ng kanyang magulang. Pero minsan hiniling niya na sana makalabas man lang siya. She wanted to get out of the cage. Pero saan naman s...