Chapter 7

40.5K 838 6
                                    

Thiea's Pov

"So what's your name beautiful?" Tanong ng isang lalaking kasama namin. Medyo naiilang ako sa paraan ng pagtitig niya sakin.

"Stop that Drake. You're scaring my date." Agarang sabi ni Jace at tiningnan ng matalim si Drake

"O kalma lang. To talaga ang possessive mo pa rin sa lahat ng pagmamay-ari mo."

Ano raw? Pagmamay-ari?

Napakunot ang noo ko sa sinabi niyang yun. Anong akala nila pagmamay-ari ako ng lalaking to?

Totoo naman ang sinasabi ng lalaking yon eh. May nangyari na nga sa inyo eh.

"Just wait here I'll go and get our drink."

"Fine"

Ng makaalis na si Jace ay tinanong naman ako ng lalaking naka-blue na shirt. Gwapo rin ang lalaking to pero wala paring makakatalo sa kagwapuhan ni Ja-- este wala na lang pala.

"So what's your name at kaano-ano mo si Seph?" Tanong niya ng mahinahon.

"I'm Thiea Mae Doqueza" sabi ko at nakipag-kamay sa lalaking iyon. Tsk. Pasensya naman hindi ko sila kilala eh.

"I'm Blake" lalaking naka blue.

"I'm Xander" lalaking naka grey.

"And I'm--"

"Drake" pinutol ko ang kanyang sasabihin.

"Wait you know me? How? Have we dated before?" Full of hope pang sabi niya

"Ah hindi narinig kong sinabi ang pangalan mo kanina." Agad naman itong nadismaya at kumain na lang ng chips na dala nito.

" By the way who's Seph?" Takang tanong ko sa kanila.

Napatawa naman ng mahina si Xander. Ano bang nakakatawa sa sinabi ko?

"You don't know who is Seph?" Nakataas ang isang kilay nito.

Umiling lang ako ng mabilis sa kanya.

"The guy who brought you here is Seph."

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya at nag-isip ng mabuti.

Wait. Oo nga pala Jace Jo-seph. Siguro yun ang tawag nila sa kanya.

"Ahhh si Jace pala ang tinutukoy niyo."nakangiting sabi ko sa kanila.

Nagulat ako sa sunod na nangyari. Hindi ko alam kung matatwa ba ako o madidiri.

Si Drake ay nabulunan at nilagok agad ang beer na nasa harapan nito.

Si Blake naman ay nabuga niya sa kay Xander ang iniinom niyang beer.

Habang si Xander naman ay nakatulala lang sa kanya.

"Pffft. Anong problema niyo? Hahaha" natatawa kong sabi sakanila.

"What the?! Blake bakit mo ako binugahan ng iniinom mo?!" Galit na tanong ni Xander ng mahimasmasan na siya.

"Totoo ba ang narinig ko?! Tinawag niyang *toot* si Seph!" Parang hindi makapaniwalang saad ni Drake.

"Ano ang *toot*?" Tanong ko sa kanila.

"Alam mo ba Thiea hindi nagpapatawag si Seph ng first name niya kahit kanino." Namamanghang sabi ni Blake

"Huh? Bakit naman?"

Pregnant By The Mafia Lord Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon