Chapter 2

90.8K 3.1K 521
                                    


Chapter 2


"Grabe I can't believe this! Naging boyfriend ka ni Angel? Grabe!"

Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa tsaka napailing. "Akala ko pa naman ang ganda-ganda ng taste niya kasi nagkagusto siya kay Kiel pero," tiningnan ko uli siya then I laughed sarcastically.

Kitang-kita ko ang pamumula ng tenga ni Stupid Nerd dahil sa sinasabi ko. Nakayuko lang siya at hindi makatingin sa akin.

Hay, umaatake na naman ang pagiging laitera ko.

"By the way, what's your name again?"

"T-Terrence," he mumbled.

"Ano? Terrace?"

"Terrence," he said a little louder.

"Ah, Terrence. At ba't naman kayo nag-break ni Angel ha? Sino ang nakipag-break? Malamang siya 'no?"

"A-ako...ako ang nakipag-break," sagot niya at bigla na naman siyang napayuko.

"Ikaw ang nakipag-break?!" tiningnan ko siya ng masama at hinawakan ko ang kwelyo ng polo niya. "Eh ang g@go mo pala eh! Hindi mo ba alam ang ginagawa mo HA?!"

"Eh k-k-kasi a-akala ko k-kasi h-hindi k-ko kayang pagsabayin ang s-studies ko tsaka s-siya eh. N-nagsisisi n-naman ako sa ginawa ko!"

Kitang-kita ko ang takot ng lalaking ito sa akin. Nauutal-utal pa siya sa pag-sagot. At dapat lang talagang matakot siya sa akin! 'Tong hayop na 'to!

"Alam mo, kung hindi ka nakipag-break kay Angel, e di sana kayo pa rin at hindi niya ngayon lalandiin ang Kiel KO! Pero wala! Iniwan mo! Leche ka!"

"H-hindi ko naman alam eh. A-at nagsisisi talaga ako sa ginawa ko," napahinga ng malalim si Terrence at nagulat ako nang may tumulo ulit na luha sa mata niya. "I still love her and I really want her back."

Parang bigla akong nakonsensya dahil napaiyak ko ata ang isang 'to. Anak ng pating! Sige na, ico-comfort ko na!

"Terrence," sabi ko sa kanya habang nakangiti. "Wag ka nang umiyak, please?"

"Nami-miss ko kasi talaga si Angel," humihikbi pa niyang sabi.

"Terrence naman." Ipinatong ko ang aking kamay sa braso niya, bumwelo ako, at bigla ko siyang hinampas.

"Aw!!! B-ba't mo ako hinampas?!"

"Ngawa ka kasi nang ngawa diyan! Ano ka, bakla?! Para kang bakla kung makangawa diyan eh! Dinaig mo pa ang babae! Jusko, ba't ba ang weak, weak mo?! Ikaw 'tong nakipag-break tapos ikaw ang iiyak-iyak diyan! Ayos ka ha! Bakla!"

On a second thought, hindi ko siya kayang i-comfort. Nakakairita eh! Kalalaking tao, ba-bakla bakla! Stupid nerd!

Tumahan naman siya sa pag-iyak though nakasimangot pa rin siya. Pero at least tumahan 'di ba? Kahit papaano, napatigil ko siya sa pag-iyak. Sa marahas na paraan nga lang.

"Gusto mo pa bang bumalik sa 'yo si Angel?"

Bigla namang napaangat ang ulo niya, "o-oo naman! M-mahal na m-mahal ko pa rin s- siya h-hanggang n-ngayon!"

An evil grin formed in my lips. "Good! Combined forces tayo para mabawi natin ang dapat na sa'tin."

"T-talaga? P-pero paano?"

The Other Side (Book version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon