Chapter 17
Sumalampak ako sa kama at nagtakip ng unan sa mukha.
Bukas, 'pag tulog na ang mga tao.
Hay, ano bang pinaplano ng stupid nerd na 'yun?! Kinakabahan ako na ewan eh. May pakiramdam ako na may hindi magandang mangyayari.
Halos isang oras na ang nakakalipas simula nung nag-usap kami ni Terrence. Hindi pa rin siya bumabalik sa kwarto namin. Malamang, sa sofa sa labas 'yun natulog. Sa lahat ng mga nangyari lately, alam kong hindi na 'yun makakatabi sa akin.
Umayos ako ng higa. Nakakaasar naman, makatulog na nga. I feel so tired mentally and emotionally. All I want is to rest.
The next morning, maaga kaming ginising para mag-breakfast at makapagsimula na ng workshop.
'Pag bangon ko, mag-isa lang ako sa kama. Talagang ni-hindi pumasok sa kwarto si Terrence kagabi.
"Saan po natulog si Terrence?" tanong ko kay Tita Tania na nakaupo sa tapat ng salamin at pinapatuyo ang buhok niya gamit ang blower. Mukhang kakaligo niya lang.
"He slept outside. Sa sofa. Nagpapaka-gentleman ata sa'yo," she giggled then napailing siya. "'Yung anak kong 'yon talaga, may pagka-slow."
Nginitian ko si Tita Tania.
I don't think he's being slow. He's just being sensitive.
Napaka-stupid talaga ng nerd na 'yun. Bakit ba kasi hinayaan niyang mahulog siya sa akin.
Naligo na rin ako at nag-ayos ng sarili. Maya-maya lang din, tinawag na kami sa labas para mag-breakfast. Nakita ko naman agad si Kiel at Angel sa isang sulok doon na magkahawak ang kamay at masayang nag-uusap.
Usually, kapag nakikita ko silang ganyan, nag-iinit na agad ang ulo ko. Pero ngayon, hindi ako naapektuhan. Ewan kung dahil sanay na ako sa pagpi-PDA nila o dahil masyadong occupied ni Terrence ang isip ko ngayon.
Kahit papaano naman kasi, alam kong mahalaga si Terrence sa'kin. Kahit palpak 'yun madalas, o hindi gumagamit ng common sense kung minsan at palaging nauutal, isa siya sa mga taong nagparamdamam sa akin na importante ako sa buhay nila.
Bihira lang 'yun. Nung high school ako, tanging si Kiel lang ang meron ako. Mismong mga magulang ko kasi ay parang walang paki sa'kin. 'Pag tungtong ko naman ng college, masaya ako dahil nakilala ko sina Heidi at Patty. Sila ang nagpatunay sa akin na pwede pa rin pala akong magkaroon ng kaibigan sa kabila ng aking pag-uugali.
Then Terrence came, ang kauna-unahang lalaking nagtapat sa akin ng nararamdaman niya. Mahirap at mabigat sa loob ko na saktan siya. But I think it's better to hurt him now kesa naman mas lumalim pa ang nararamdaman niya, mas masasaktan siya 'pag nangyari 'yun.
Naupo ako agad sa table, doon sa dulo. Nakita ko rin si Terrence na umupo na rin. Pero this time, hindi na siya tumabi sa akin, instead, pinili pa niya ang seat na pinakamalayo sa akin.
I let out a deep sigh as I felt a stabbing pain on my chest. Feeling ko nakokonsensya ako sa lahat ng sinabi ko kay Terrence kagabi. Alam kong hindi naman ako nagkamali sa mga sinabi ko sa kanya pero pakshet naman 'yan oh! Ba't ba 'ko nagkakaganito?!
After mag-breakfast ng lahat, nag-start na ang workshop namin. Magbibigay si Direk ng isang situation then each one of us will try to act out the situation. As usual, by pair na naman katulad kagabi. Ang maganda lang eh hindi na based on real life experience. Wala nang sigawan, lampungan at iyakan. Buti naman because hanggang ngayon, hindi pa ako nakaka-recover sa pinagawa niya sa'min.
BINABASA MO ANG
The Other Side (Book version)
RomanceMeet Kiel and Angel, the star-crossed lover of this story. Marami nang kinilig sa kanila kahit na nasa ligawan stage pa lang sila. Halos lahat ay boto para sa kanilang dalawa. Lahat nag aabang sa love story nila. Pero hindi sila ang main character s...