Chapter 6

60.6K 2.3K 126
                                    


Chapter 6

Nandito kaming dalawa ngayon ni Terrence sa clinic at kasalukuyang ginagamot ang mga sugat namin. Hindi man kami nabagsakan ng bulletin board na 'yun, hindi rin naman maganda ang pagkakabagsak namin sa semento kaya nagkaroon kami ng mga galos sa tuhod at siko.

My skin! My beautiful skin! Nagasgasan! Alagang-alaga ko pa naman 'to. Ipagdarasal ko talaga na sana hindi magkapeklat 'to or else hindi ko patatahimikin ang taong nag lagay ng bulletin board na 'yun doon!

On the brighter side, hanggang galos lang ang natamo ko. Kung hindi ako iniligtas ni Terrence, malamang pinaglalamayan na ako ngayon. And worst, baka nasira pa ang mukha ko gawa ng mga nabasag na salamin nung bulletin board.

Kung sakali mang made-dedo ako, ayoko ng closed coffin! Hanggang sa huling sandali, kailangan kong ipaalam sa mundo na may isang babaeng ubod ng ganda ang namayapa na.

Dahil medyo traumatic ang naging experience namin ni Terrence, pinayagan kami ng nurse na mag-stay muna sa clinic para magpahinga.

Napatingin ako kay Terrence. May malaking galos siya sa braso niya. May sugat din siya sa tuhod. Mas malala pa ata ang natamo niya kesa sa akin eh.

Parang bigla tuloy akong na-guilty. Nakakainis.

"T-thanks," halos pabulong kong sabi sa kanya.

"Huh? S-sorry hindi ko narinig. A-ano ulit 'yun, Misha?"

"Sabi ko, salamat! Bingi nito! Hindi mo ba alam na minsan lang ako magpasalamat, tapos pauulitin mo pa sa'kin?!"

Nginitian ako ng pagkalawak-lawak ni Terrence.

"Anong nginingiti-ngiti mo, ha?!" inis kong sabi sa kanya.

"W-wala lang. T-tsaka you don't need to say thank you. M-malulungkot ako pag napahamak ka. Kaya ginawa ko 'yun."

Napaiwas ako ng tingin at ramdam ko ang pag-init ng mukha ko.

Pakinshet naman oh! Ano bang sinasabi ng isang 'to?!

Hindi ako sanay...

"Ikaw! Straight ka ba talaga?" tanong ko sa kanya para lang mabago ang usapan namin.

"H-ha?"

"Bakit mo naman sinabihan si Kiel ng 'you're my personal brand of heroine?'"

Napayuko bigla si Terrence, "eh k-kasi totoo naman eh. Para siyang drugs."

Bigla akong napaayos ng upo dahil sa sinabi niya.

"Ha?! Wait! Don't tell me si Kiel talaga ang gusto mo at hindi si Angel! Hoy umamin ka, are you planning to steal Kiel from me?!"

"H-hindi 'yun ang ibig kong sabihin! Kasi 'di ba ang drugs nakakasira ng buhay. Parang si Kiel nakakasira ng buhay--pag-ibig."

Natulala ako sa sinabi niya. Ampalaya! Hindi ko alam ang ire-react ko. Matatawa ba 'ko o maiinis? Mixed emotions eh.

Binato ko siya ng unan. "Oy Terrence, ano bang nangyayari sa'yo at gumagaling ka atang bumanat ngayon ha?"

"Talaga?" he grinned at me. "Pero ba't parang hindi naman natuwa si Angel sa sinabi ko kanina?"

The Other Side (Book version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon