Chapter 18

65.9K 2.3K 102
                                    

Chapter 18

Terrence's Point of View.


I looked at my watch. It's 15 minutes before 10.

Malapit na.

Nakita kong may babaeng nagmamadaling lumapit sa kinatatayuan ko kaya agad naman akong tumayo at sinalubong ko siya.

"Terrence, ano ba ang gusto mong pag-usapan natin?" pambungad ni Angel. "Gabing-gabi na eh. Hindi ba pwedeng ipagpabukas 'yan? Tsaka natatakot ako na makita ka ni Kiel. Lately, nagseselos siya sa'yo."

"Angel," nilapitan ko siya at hinawakan ko ang kamay niya. "Tayo na lang ulit, please."

"Huh?" hinatak ni Angel palayo sa'kin ang kamay niya. "Okay ka lang ba Terrence? Ano ba 'yang sinasabi mo?"

"Sabi ko, tayo na lang ulit. Iwan mo na si Kiel."

"Tumigil ka nga! Lasing ka ba?"

"Alam kong mahal mo pa 'ko. Ramdam ko 'yun, Angel. Alam kong kaya ka parang inis kay Misha ay dahil inaakala mong inaagaw niya ako sa'yo. Nakita ko kung paano ka nasaktan nung hindi ka na masyadong pinapansin ni Mama. Nararamdaman ko 'yung pagkailang mo 'pag magkasama kami ni Misha. Angel, kalimutan na natin ang nangyari dati. Iwan mo na si Kiel at mag-umpisa na lang ulit tayo."

Alam ko na para akong sira dito na nagmamakaawa sa ex ko na balikan ako kahit malinaw pa sa sikat ng araw na hindi ko na siya mahal. Pero ngayon, wala akong paki kung anong mangyari sa akin.

Ang mahalaga ay maging masaya lang siya.

Hindi nagsalita si Angel. Hindi ko rin mabasa ang expression sa mukha niya. Unti-unti siyang lumapit sa'kin....at binigyan niya ako ng isang napakalakas na sampal.

"How dare you," nanggagalaiti niyang sabi habang nakatingin sa akin ng masama. "Terrence, naririnig mo ba 'yang sinasabi mo? Gusto kong linawin sa'yo na hindi na kita mahal. Hindi ka na pwedeng makipagbalikan sa'kin dahil huli na ang lahat. Mahal na mahal ko si Kiel at hindi ko siya kayang iwan. Terrence, ikaw ang unang nakipaghiwalay sa'kin. Ikaw ang unang bumitiw. Iniwan mo ako para sa isang napakaliit na bagay."

Bigla na lang napaiyak si Angel sa harap ko. "Sino ba namang matinong lalaki ang makikipag-break dahil hindi niya kayang pagsabayin ang pag-aaral niya at pagkakaroon ng girlfriend?! Eh ni hindi nga ako nagiging bad influence sa'yo eh. Alam mo bang sobra akong nasaktan nung basta mo na lang ako iniwan?! Ginawa mo 'yun kung kelan okay na ang lahat sa pagta-transfer ko sa university mo! Tapos ngayon sasabihin mo 'to?!"

Napahinga ako ng malalim. "Bakit apektado ka pa rin hanggang ngayon? Ibig sabihin, mahal mo pa rin ako."

"Apektado? Sorry to disappoint you Terrence, pero hindi na 'ko apektado sa break up natin! Oo aminin ko, naiinis ako kay Misha pero hindi dahil sa'yo 'yun! Naiinis ako sa kanya dahil pakiramdam ko ang laki ng galit niya sa'kin samantalang hindi ko naman siya inaano! Oo aaminin ko rin na nasasaktan ako kay Tita Tania pero hindi dahil sa mas malapit siya kay Misha kundi dahil iniisip niya na ako ang p*t*ng in@ na may kasalanan kung bakit mo 'ko hiniwalayan samantalang ginawa ko ang lahat para mag-work lang ang relationship natin! Nagpumilit akong pumasok sa school mo para kahit busy ka, makakasama pa rin kita! Hindi ako nag-demand sa'yo na magkita tayo o mag-text ka sa'kin o kahit tumawag man lang kahit miss na miss kita nun! Terrence, ang dami kong tiniis para sa'yo! Pero ngayon, huli ka na. Sorry, pero mahal na mahal ko talaga si Kiel."

The Other Side (Book version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon