Chapter 7

63.6K 2.4K 442
                                    

Chapter 7


"Miss Misha Cabrera, here's the audition piece. Memorize it well and break a leg later".

Inabot sa'kin nung isang member ng theatre club 'yung audition piece na dapat kong kabisaduhin.

Medyo nahuli ako sa pagpapasa ng application form kaya ngayon lang naibigay sa akin 'yung audition piece samantalang mamaya na ang audition. Buti na lang talaga at hindi lang ako puro ganda. May utak din ako at kayang-kaya ko 'tong kabisaduhin

Hindi na talaga ako makapaghintay mamaya! Kating-kati na akong mag-audition. Paano ba naman hindi eh nalaman kong ang ka-partner ng girl na antagonist eh si Kiel! Sino pa ba ang mas babagay sa role na 'yun kundi ako lang?

Though required kami na mag-audition sa parehong role, obvious na obvious naman na pang kontrabida ang beauty ko. At siguradong-sigurado ako na walang kakabog sa kamalditahan ko mamaya.

Isa pa, okay na rin na mag-audition ako sa protagonist role. Paano kasi, si Kiel ang pinili kong maka-partner mamaya pag nag-audition kami. Eh may landian daw na magaganap sa script. Baka maka-chansing pa ako!

Pumunta ako sa library para doon magkabisa ng lines. Pero bago 'yun, binasa ko muna ito ng buo.

Audition Piece (Antagonist Role)

Written by Aly A.

Int. Dining room sa bahay ni Antagonist.

Antagonist: (Nakapwesto na sa dining room at iniintay ang pagkain niya.)

Protagonist: (Lalabas mula sa kitchen habang dala-dala ang pagkain.)

Protagonist: (Ilalapag ang putahe sa lamesa.) Ma'am, eto na po ang lunch niyo.

Antagonist: (Tinikman ang food, masarap, pero dahil inis siya kay protagonist, magpapanggap siya na hindi niya nagustuhan ito.) Ano ba 'yan?! Ang panget ng lasa! Hoy ikaw, binabayaran ka namin dito ng tama! Pagsilbihan mo kami ng tama! You moron! Walang kwentang katulong! Ano ngayon ang ipapakain mo sa'kin ha?! Sumagot ka!!!

Protagonist: (Mapapayuko at manliliit sa kahihiyan.) S-sorry po, ma'am.

Antagonist: SORRY?! Mapapalamon ba 'ko ng sorry mo?! (kinuha 'yung pagkain sabay tapon sa mukha nung katulong.) Lamunin mo 'yang ginawa mo! Walang kwenta! Pinapainit mo ang ulo ko!!! (walk out)

Err 'yun lang?! Ano ba naman 'yan! Ang panget ng script!!! Wala ba 'yung gugulpihin ko si Angel, sasampalin, sasabunutan, ilulublob sa kumukulong tubig, sasabuyan ng asido sa mukha at ipapakain sa crocodile?! Wala namang thrill ito oh!

Itinuloy ko ang pagbabasa nung script.

Audition Piece (Protagonist)

Written by Aly A.

Ext. Garden

(Girl and Guy not facing each other)

Girl: (Nag-eemote) alam kong isa lang akong hamak na katulong, walang pinag-'aralan, walang alam, mahirap, at lalong hindi maganda. Pero masama ba na magmahal ako? Tao rin naman ako na marunong magmahal at masaktan. Hindi ko naman hinihiling na suklian mo 'yung pagmamahal ko. Pero gusto ko lang na sabihin sa'yo 'to nang paulit-ulit..

(Haharap si Girl kay guy sabay takbo papalapit sa kanya at yayakapin from the back.)

Girl: Mahal kita, sobra.

The Other Side (Book version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon