Chapter 15

58.1K 2.6K 369
                                    

Chapter 15


Hindi na 'ko lumabas ng villa para mag-swimming. Nakakaasar lang kasi panira ng mood 'yang stupid nerd na 'yan eh! Ano ba kasing nangyari sa kanya at naging ganyan siya sa akin?!

Sumalampak ako sa kama at tumingin sa kisame. Naalala ko na naman 'yung ginawa sa'kin kanina ni Terrence pati na rin ang mga sinabi niya.

Biglang pumasok sa isip ko 'yung paghawak ni Terrence sa magkabilang balikat ko at ang unti-unti nitong pagbaba sa braso ko. Ramdam na ramdam ko ang balat niya sa balat ko. 'Yung hawak niya ay parang nagbibigay ng kuryente sa'kin.

Ay leche! Ano ba 'tong iniisip ko?!

Napabangon ako bigla.

Pakshet naman oh! This is wrong!!! Anong naa-attract siya sa'kin?! Gusto niya bang sipain ko ang mukha niya nang matauhan siya?! Hindi siya pwedeng ma-attract sa'kin. Masisira ang plano ko.

Masasaktan ko lang din siya ng husto.

"Misha?"

Napalingon ako sa pintuan ng kwarto at nakita ko doon si Tita Tania na nakasilip sa akin.

"Dinner is ready. Tara, let's eat," nakangiting yaya nito.

"Sure, Tita! Thanks for calling me."

Tumayo na ako at pumunta doon sa dining hall. Nakita ko naman na wala ng vacant na upuan except doon sa tabi ni Terrence.

Dear tadhana, nang-aasar ka po ba?!

Dahil wala akong choice, kesa naman nakatayo akong kumain, e di naupo na lang ako doon sa tabi niya.

"M-misha," narinig kong bulong niya. "A-ano. S-sorry talaga kanina."

Hindi ko siya pinansin at nagkunyari akong walang naririnig.

Ngayon, nauutal na naman siya. Why does he keep on acting so cool then he'll act so stupid afterwards?! Nakakaasar ah!

"Uhm, gusto mo ng fish? I-ipaglalagay kita," alok ni Terrence.

"No thanks."

"How about soup? Eh fruits? Gusto mo ng drinks?"

Tiningnan ko siya, "Terrence, hindi ako baldado. Kaya kong pagsilbihan ang sarili ko."

Nag-pout siya at bumalik na rin sa pagkain. Hindi na niya 'ko inistorbo simula nun.

After naming kumain at nang mailigpit na ang mga pinagkainan namin, pinabalik na kami ni Direk sa aming mga rooms dahil maaga pa raw kami bukas. 'Yun nga lang, pinaiwan niya muna ang apat na main casts niya which are—Terrence, Kiel, Angel and yours truly.

"What are we going to do, direk?" tanong sa kanya ni Angel nung makaalis na lahat ng kasamahan namin.

"You'll see," he smiled at us then he motioned us to seat in the sofa. Sumunod naman kami sa kanya.

Lumapit si Direk sa bintana at isinara niya ang kurtina. Tapos pinatay niya ang ilaw so there's nothing but total darkness in here. Wala ako halos makita.

"I'm scared," dinig kong sabi ni Angel.

"Don't be. I'm here," sabi naman ni Kiel at ramdam kong gumalaw siya. Siguro para akbayan si Angel.

The Other Side (Book version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon