Chapter 12
"OK CUT! Misha ,what exactly are you doing?!" tanong sa akin ni Derek Ed.
"Reading my lines like what you've said!" sagot ko naman sa kanya,
Ang adik din eh 'no?! Sabi niya magbabasa lang kami ng lines for today! Well I read my lines then nagagalit siya? Abnormal ba siya?!
"Yes. I asked you to read your lines but I am expecting you to deliver it with feelings!"
"Then sorry to disappoint you," tumayo ako at lumapit sa kanya atsaka ko inabot 'yung script. "Nagkamali ka sa pagpili sa akin. Better to find someone who can deliver this line better than me." After kong sabihin 'yun, tinalikuran ko na siya, sabay walk out.
Kanina pa mainit ang ulo ko dahil sa nangyari. Mula sa nakita kong suntukan nina Terrence at Kiel, hanggang sa nalaman ko na ako pala ang dahilan kung bakit sinuntok ni Terrence si Kiel. Naiinis siya dahil sinaktan ako ni Kiel. Naaawa siya sa akin.
Pakinshet lang 'di ba?! Ako?! As in ako na si Misha Riel Cabrera, ang itinuturing nilang kontrabida at pinakamaldita sa babaeng lahat, ay kaaawaan ng isang stupid nerd na lampa na si Terrence?! Pakinshet lang talaga! Nakakakulo ng dugo! Hindi porke't he saw me in my weakest state yesterday ay ibig sabihin nun eh ganun-ganun na lang ako mapapatumba! No way! Patayan kung patayan, pero lalaban ako! At ang kaawaan ako ay isang napakalaking insulto sa'kin!
"Misha, wait," naramdaman kong may humawak sa braso ko, napatingin ako kung sino 'to.
It's Angel, the impaktang anghel.
"Uhhm Misha, bumalik ka na sa loob, please. Kawawa naman kasi si Direk Ed eh, hindi siya halos nakatulog para maayos lang 'yung script natin."
Eto ang pinakakinaayawan ko sa lahat eh, 'yung guilt trip. 'Yung may lalapit sa aking santa-santitang nagbabait-baitan para ipamukha sa akin na ang selfish-selfish ko.
Binawi ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. "Naaawa ka naman pala eh! Oh e di bumalik ka na doon sa loob!"
"Misha naman, please? Bumalik ka na. Wala nang mas babagay pa sa role ng protagonist kundi ikaw lang."
Ay anak ng--! Nanglalait ba siya ha?!
I tried to calm myself before I gave her my sweetest smile.
"No dear, meron pang mas babagay sa role na 'yan. Kilala mo kung sino?" nilapitan ko siya at tinaasan ng kilay. "Ikaw. Bagay na bagay sa'yo ang role na 'yan kasi wala kang ibang ginawa kundi magpa-cute, mangonsensya at magpaka-damsel in distress! Tingnan mo ang pag-uusap na 'to, hindi ba ikaw ang mukhang bida? E di sa'yo na ang role na 'yan. Saksak mo pa sa baga mo."
Nakita ko ang magkahalong gulat at sakit sa mukha ni Angel dahil sa mga sinabi ko sa kanya. Bigla na lang may namuong luha sa mga mata nito.
See? Ayan ang damsel in distress! Walang ibang ginawa kundi maglupasay at umiyak! Ni hindi kayang ipagtanggol ang sarili! Luha lang ang sandata niya. Sorry na lang siya dahil hindi ako tinatablan ng mga luhang 'yan.
"M-misha b-ba't ganyan kang magsalita sa akin? G-galit ka ba sa akin?" she asked me and pain was very evident in her voice
Tss, kaartehan.
"Galit? Ako? Galit sa'yo? Of course not! Bat naman ako magagalit sa'yo?" I told her sarcastically at tinalikuran ko na siya.
Iniwan ko na doong nagdadrama si Angel. Bahala siya kung magsumbong siya kay direk o kay Kiel.
BINABASA MO ANG
The Other Side (Book version)
RomanceMeet Kiel and Angel, the star-crossed lover of this story. Marami nang kinilig sa kanila kahit na nasa ligawan stage pa lang sila. Halos lahat ay boto para sa kanilang dalawa. Lahat nag aabang sa love story nila. Pero hindi sila ang main character s...