Chapter 3
Monday morning. Ayan na ata ang araw sa isang linggo kung saan kailangan mo ng matinding tibay nang loob para malabanan mo ang temptasyon na dulot ng malambot at mapang-akit mong kama. Naka-ilang snooze ako ng five minutes sa alarm clock ng phone ko hanggang sa ma-realize ko na malapit na akong ma-late.
Pakshet!
Pero syempre, hindi pa rin ako nag madali sa paliligo at pagme-make up. Mas mabuti pang ma-late kesa ang pumasok na mukhang ginahasa ng sampung butiki.
Pagkatapos kong maligo, mag-ayos at ma-double check sa salamin kung gaano ako kaganda, lumabas na ako ng bahay. Mamaya ma-stess pa ang professor ko sa akin eh.
"M-misha..."
Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko ang isang lalaki na nakasandal sa may gilid ng gate namin.
Tall, messy hair, boyish innocent smile and chinky eyes.
Kung na-meet ko si Terrence nang ganito ang itsura niya, magtatataka talaga ako kung paano nagawang ipagpalit ito ni Angel sa iba.
"Oh, Terrence! Anong ginagawa mo rito sa labas ng bahay namin?"
Nahihiya siyang lumapit sa'kin.
"Uhmm k-kasi nahihiya akong pumasok mag isa. N-natatakot ako sa mga sasabihin ng iba sa'kin."
"Sus! Anong dapat mong ikatakot? Creation kita kaya wala kang dapat ikatakot sa sasabihin ng ibang tao. Dapat ma-excite ka sa reaction nila, lalo na ni Angel!"
"T-talaga?"
"Oo. Kaya halika na! Pumasok na tayo!"
Hinila ko si Terrence papasok ng kotse ko at dali-dali akong nagmaneho papunta sa university namin.
Pagkarating namin ni Terrence doon at habang naglalakad kami sa building namin, samu't saring bulungan ng mga kababaihan ang naririnig ko.
"Sino siya? New student? Ang gwapo!"
"May girlfriend na kaya siya?"
"Gusto kong mag-apply!"
"Teka, parang artista ata siya! Feeling ko nakita ko na siya sa TV."
"Baka naman model?"
"Baka naman dancer sa gay bar?"
"Gaga! 'Di siya mukhang dancer sa gay bar...mukha siyang...next boyfriend ko!"
"Asaness!"
"Akin siya!"
"Hindi! Sa akin siya!"
"Wag kayong feeling! Ako ang unang nakakita sa kanya!"
"Paunahan na lang oh!"
I rolled my eyes at them. As if naman na I would let them lay their fingers on my creation. Si Angel lang ang pwedeng gumawa nun.
Kung iisipin, I did Angel a favor! I transformed his stupid nerd looking boyfriend into a hottie young man. Kaya naman lubay-lubayan na niya si Kiel dahil ang akin ay akin.
"M-misha, nahihiya ako," bulong ni Terrence at kita ko na naman ang pamumula ng tenga niya.
"Oh for Pete's sake! Nagbubulungan na sila kung gaano ka ka-gwapo ta's nahihiya ka pa?! Anong kaartehan 'yan ha?!"

BINABASA MO ANG
The Other Side (Book version)
RomanceMeet Kiel and Angel, the star-crossed lover of this story. Marami nang kinilig sa kanila kahit na nasa ligawan stage pa lang sila. Halos lahat ay boto para sa kanilang dalawa. Lahat nag aabang sa love story nila. Pero hindi sila ang main character s...