Chapter 13
"Okay, cut! Very good, Misha! You're improving!"
"Thanks Direk!"
"Nice one, Misha!" puri sa akin ni Kiel.
I gave him my sweetest smile.
Kakatapos lang ng practice ng scene ko kung saan pinagsasampal ako ni Angel atsaka ako pinaiyak nang pinaiyak. At ngayon, masakit na masakit ang pisngi ko. 'Yang malditang babae na 'yan, sasabunutan ko na talaga siya pag 'di niya hinina-hinaan ang pagsampal niya!
Sa totoo lang, ayoko na talaga sa production na 'to eh. Buti na lang talaga at kinausap ako ng masinsinan ni Heidi. For the first time in history, may napala ako sa babaeng 'yun.
"Ano ka ba naman Misha, magku-quit ka doon sa production samantalang nandun si Papa Terrence, este Papa Kiel mo? E di pag nag-quit ka, talo ka na? Tsaka isa pa, mag-sorry ka kay Angel doon sa mga sinabi mo sa kanya! Mamaya magsumbong 'yan kay Kiel, e di nagalit siya sa'yo? Kaibiganin mo si Angel para mas madali mo siyang mapabagsak! Ilapit mo uli ang sarili mo kay Kiel para maagaw mo na siya."
Natauhan ako sa mga sinabi ni Heidi kaya naman nung araw rin na 'yun, nakipag-ayos ako kay Angel. Kaya ngayon eto ako, nagtitiis na sampal-sampalin ng impaktang anghel na 'yan. Kitang-kita ko naman si Heidi doon sa may audience seat na mamatay-matay na sa pagtawa.
"Hoy babae!" sabi ko kay Heidi matapos nung eksena namin. "Ano naman ang tinatawa-tawa mo diyan ha?!"
"Wala lang sister! Nakaka-amaze lang talagang panuorin kang sinasampal-sampal ni Angel tapos bigla kang iiyak? Oh my gosh! The best eh! Amazing!" sabi niya sabay hagalpak pa ulit ng tawa.
Binatukan ko nga. Kainis eh.
"Aray naman, sister! Makabatok ka, wagas! Naalog ang brain cells ko!"
"Meron ka ba nun?"
"Makalait 'to! Baka nakakalimutan mo na ako ang nag-isip ng brilliant plan na 'to?!"
I rolled my eyes at her, "oo na, brilliant na ang plan mo kaya naghihirap ako ngayon! Jusko, hanggang kelan ba 'ko magpapaapi sa impaktang anghel na 'yan?! Kung 'di ko lang talaga kinakailangang magpanggap eh kanina ko pa nasabunutan ang babaeng 'yan! Makasampal, wagas!"
"Magtiis ka na lang din, sister! Bongga naman ang babalik sa'yo."
"Kung sabagay, kung si Papa Kiel lang din ang kapalit ng lahat ng sampal na natatamo ko ngayon, why not 'di ba?" sabi ko kay Heidi sabay ngiti ng masama.
Sino'ng nagsabing nasa gubat lang ang mga ahas? Meron din dito 'no, and it's a very dazzling, drop dead gorgeous and hot snake.
"Hay naku sister, ibang klase na talaga ang tama---."
Napatingin ako kay Heidi dahil bigla siyang natigilan. Nakita kong napako bigla ang tingin niya sa may entrance ng theater room kaya napatingin din ako doon.
May isang lalaking naglalakad papalapit sa amin. Katamtaman lang ang tangkad niya. Moreno. Itim na itim ang medyo kulot niyang buhok. Manipis ang labi. Maliit ang ilong. At....at....mas marami pa sa bilang ng mga daliri ko ang pimples na nagkalat sa mukha niya.
Huminto ito sa tapat namin ni Heidi at nginitan ang kaibigan ko.
"Hi, Heidi! Tara na?"
BINABASA MO ANG
The Other Side (Book version)
RomanceMeet Kiel and Angel, the star-crossed lover of this story. Marami nang kinilig sa kanila kahit na nasa ligawan stage pa lang sila. Halos lahat ay boto para sa kanilang dalawa. Lahat nag aabang sa love story nila. Pero hindi sila ang main character s...