Chapter 4
Chismosa 1: "Grabe, si Terrence pala 'yun? 'Yung mass communication student?"
Chismosa 2: "Oo nga! Mukha siyang nerd dati eh. Ngayon tingnan mo, pang heartthrob na ang dating!"
Chismosa 3: "Pero kasama niyang pumasok si Misha kanina! Hindi kaya--?"
Chismosa 2: "Oh no! Don't tell me sila na?! Ano ba 'yan! Nag-uumpisa pa lang akong magkagusto kay Terrence naagaw na agad ni Misha!"
Chismosa 1: "Ang lupit din naman ni Misha! Una si Kiel, ngayon naman si Terrence!"
Chismosa 3: "Pero naagaw ni Angel si Kiel, right? Malay mo maagaw rin natin si Terrence sa kanya?"
Nagtawanan ang tatlo kong chismosang mga kaklase! Malapit ko na talagang pilipitin ang lungs nila! Nagbabayad ang mga magulang nila ng malaking pera para sa tuition fee nila pero pagchi-chismisan lang ang kanilang inaatupag?!
Tumayo ako sa kinauupuan ko at nilapitan ko 'yung tatlong chismosa. Napatigil naman sila sa pagtawa nung makita nila ako.
"Uh, M-misha!" sabi ni chismosa number two habang nanlalaki ang mga mata.
I gave them my sweetest smile...sabay buhos sa kanila nung mineral water na hawak ko.
"Oh my gosh!"
Pare-pareho silang nagpupunas ng mga basa nilang uniform doon at hindi malaman ang gagawin kaya binigyan na lang nila ako ng masasamang tingin.
Tinaasan ko lang sila ng kilay. Sus, hanggang tingin lang naman 'yang mga 'yan.
"Next time na marinig kong pinag-uusapan niyo ako, I swear, hindi lang water—ay, correction—mineral water ang ibubuhos ko sa inyo. Muriatic acid na!"
Isang huling irap sabay hawi ng bangs ko at walk out.
Kung kontrabida man ang tingin nila sa akin, pwes paninindigan ko na. Ipapakita ko sa kanila ang hinahanap nila.
"Hay naku, sister! Wala na 'kong ma-say ha! Ibang klase ang taray mo! Kinabog mo sila," sabi ni Heidi sa'kin pag labas ko ng classroom.
"Tss, kayamot eh! Nakakairita ang mga panchi-chismis nila!"
"Paano kung magsumbong 'yang mga 'yan sa professor?"
"Wow ha! Elementary? Inapi ng kaklase, nagsumbong sa teacher? E di sila rin ang napahiya."
"Kung sabagay. But to tell you the truth, bagay kayo ni Terrence! Kung kalimutan mo na kaya si Kiel at si Terrence na lang ang patusin mo?"
"Yuck! Tumigil ka nga, sister! I hate lousy and lame people tapos now you're telling me na patusin ko ang lampang stupid nerd na 'yun?! A big no no! And besides. . . mahal ko si Kiel."
Tiningnan ako ni Heidi na para bang may tumubong tentacles sa aking katawan.
"What?!"
"Wow sis, napanganga ako doon ah! Pang-Oscars ang drama! Best actress!" manghang-mangha na sabi niya.
"Ewan ko sa'yo, Heidi!"
"Head over heels ka na talaga diyan sa Kiel na 'yan! Ano bang gayuma ang pinainom niya sa'yo at patay na patay ka sa kanya?"
Hindi ko sinagot ang tanong ni Heidi. I just rolled my eyes at her.
"Pero alam mo, sa totoo lang, kung kalimutan mo na nga kaya talaga si Kiel at kay Terrence ka na lang? Gwapo rin naman siya, and take note, mas hot siya kay Kiel!" duktong pa niya.
BINABASA MO ANG
The Other Side (Book version)
RomanceMeet Kiel and Angel, the star-crossed lover of this story. Marami nang kinilig sa kanila kahit na nasa ligawan stage pa lang sila. Halos lahat ay boto para sa kanilang dalawa. Lahat nag aabang sa love story nila. Pero hindi sila ang main character s...