Chapter 10
FLASHBACK – FOUR YEARS AGO
"I knew it! Deserving talaga si Jennifer na manalo sa Campus Queen. Matalino, talented, at higit sa lahat, mabait."
"Corrected by! Ayun naman talaga ang hinahanap natin eh. Kailangan charming at approachable. Most specially, 'yung gusto ng lahat."
Napahinga ako ng malalim habang pilit kong pinapakalma ang sarili ko para 'wag masabunutan ang dalawang chaka sa likuran ko.
Hindi na natapos-tapos ang pagpaparinig nila sa akin.
Last week kasi, ginanap ang Campus Queen event sa school namin at ako ang representative ng section namin. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga gustong sumali eh. Alam kong ako ang pinakamaganda sa campus na 'to at hindi ko kailangang patunayan iyon sa pamamagitan ng pagsali sa Campus Queen dahil obvious naman talaga. Kaso itong nagmamagaling naming class president, ako ang isinali sa kabila ng lahat ng pagtutol ng mga kaklase ko.
Alam ko naman kasing gandang-ganda sila sa akin to the point na naiinis na sila sa kagandahan ko kaya sila tumututol. Isa pa, ayaw talaga nila sa akin. Mataray raw ako, maldita, masama ang ugali at kung anu-ano pang negative na adjectives ang idinuduktong nila sa akin.
Pero syempre kahit ganoon ang tingin nila sa akin, wala akong paki. Hindi ako magbabago para sa kanila. At mas lalong hindi ko hahayaang husgahan nila ang buong pagkatao ko dahil lang sa attitude ko.
Napasali ako sa contest dahil gusto kong ipamukha sa mga kaklase ko ang galing ko at para lahat sila'y magsisi nung sinabi nilang hindi ako bagay maging Campus Queen.
Close fight ang nangyari sa amin ni Jennifer. Tinalo man niya ako sa question and answer portion (paano ba naman ang tanong eh kung bakit tingin namin ay deserving kaming manalo. Masyado kasing honest ang sagot ko at sinabi kong sa obvious na dahilan, mas magaling ako sa kanilang lahat.), kinabog ko naman siya sa talent portion. Nag-Hawaiian dance siya samantalang ako ay bigay todo sa pag-acting na baliw. Ginaya ko si Sisa. At nasiyahan silang lahat.
Pantay ang scores namin ni Jennifer sa mga judges. Pero ang tanging naging lamang niya lang sa akin eh 'yung "student's voice." Bumoto ang mga estudyante sa kung sino ang gusto nilang manalo at si Jennifer ang nakakuha ng may pinakamaraming boto. Sampu lang ang bumoto sa akin. Isa na doon ang president naming si Kiel at ang siyam na estudyanteng nauto niya para iboto ako.
Dahil doon, second place lang ako at nagbubunyi ang mga kaklase ko sa aking pagkatalo. Isn't it ironic? Ako ang dapat na sinusuportahan nila pero masaya sila kasi natalo ako.
Nagsalpak ako ng head set sa tenga at nagkunwaring nakikinig sa music. Nagpanggap akong wala akong naririnig sa mga pinag-uusapan nila at hindi ako naapektuhan. After all, sa ganda kong 'to, sanay na akong pinag-uusapan ng ganyan.
Maya-maya pa'y huminto na rin sila sa pagpaparinig, siguro dahil nakita nilang wala akong pakialam. Akala ko tahimik na ulit ang buhay ko pero biglang may umupo sa tabi ko at tumapik sa aking balikat.
"Hey!"
Nilingon ko siya at nakita ko ang pag mumukha ng taong nagsimula ng lahat nang 'to. Ang lalaking pinagpilitan akong isali sa Campus Queen na siyang nagbigay na naman ng panibagong kahihiyan sa buhay ko.
Si Kiel Tan.
I rolled my eyes at him at ipinako ko na lang uli ang tingin ko sa phone ko.

BINABASA MO ANG
The Other Side (Book version)
RomanceMeet Kiel and Angel, the star-crossed lover of this story. Marami nang kinilig sa kanila kahit na nasa ligawan stage pa lang sila. Halos lahat ay boto para sa kanilang dalawa. Lahat nag aabang sa love story nila. Pero hindi sila ang main character s...