Epilogue
"Misha, I checked your email. May company na naman na nag-contact sa'yo para interview-hin ka. Ano? Go ka na!" sabi ni Patty habang ginagamit niya ang laptop ko.
Inalis ko ang nakataklob na kumot sa akin. "Pag-iisipan ko pa."
Napabuntong hininga si Heidi. "May balak ka pa bang magtrabaho? It's been six months mula nang maka-graduate tayo. Six months ka nang tengga. Alam kong mayaman ang pamilya niyo, pero I think it's a necessity na magtrabaho ka."
"Tama si Heidi, te! Gorabels ka na sa interview! Isa pa, magiging busy ka sa pagtatrabaho. Mas madali kang makakalimot."
Napabangon ako and I glared at him.
Nandito sila ni Heidi sa kwarto ko dahil pareho silang naki-overnight dito. Kawawa naman daw kasi ako at mag-isa ako sa bahay. Baka raw kung ano pa ang maisipan kong gawin kaya sinamahan nila ako.
Ang nag-iisang rule ko eh 'pag magkakasama kami, wag na silang magbabanggit ng kahit anong may kinalaman sa nangyari almost a year ago. Ayoko nang maalala pa iyon. Ayokong isipin. But every now and then, lagi nilang binabanggit ang mga bagay na 'yun. They are always pointing out how broken I am.
Porke ba hindi ako lumalabas ng bahay? Hindi na nag sa-shopping? Hindi na nagmamaldita? At hindi nag hahanap ng trabaho eh broken na ako?!
I'm not broken!
Mas malala pa roon ang nararamdaman ko.
It's been almost a year. Graduate na kami ng college at talagang simula ng araw na 'yun, ni isang tawag o message, hindi na nagparamdam si Terrence. Nairaos naman namin ang production kahit nagkakagulo ang mga lead roles. Well, hanggang ngayon naman magulo pa rin eh.
Hindi na nagkabalikan si Angel at Kiel because of my selfishness. Oo inaamin ko, nung umalis si Terrence na-realized ko kung ano talaga ang nararamdaman ko. Pero selfish akong tao. Pinili kong makasama si Kiel kahit alam kong nasasaktan si Angel, at kahit alam kong hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin niya si Angel. Kaya ko lang naman ginawa 'yun dahil gusto kong mangyari ang gustong mangyari ni Terrence, ang maging masaya ako.
'Yun nga lang, kahit anong pilit ko, hindi ko magawang maging masaya.
Nakuha ko na ang gusto ko. Pero pakshet 'yan oh, bakit ganito pa rin ang nararamdaman ko? Lahat na lang ng bagay laging huli na para sa'kin. Ang gusto ko lang naman eh magkaroon ng isang taong matatanggap ako sa kung ano ako, mamahalin ako kahit ganito ako, at iintindihin ang panget kong ugali. Nakita ko na ang taong yun...
...pero pinakawalan ko siya.
Nakaramdam na naman ako ng sakit sa dibdib ko. Simula nang umalis si Terrence, lagi ko na lang nararamdaman ang sakit na ito. 'Yung para bang gusto kong umiyak pero kahit anong gawin ko, ayaw lumabas ng luha sa mga mata ko. Huling beses na umiyak ako ay noong mismong araw na nalaman kong umalis na si Terrence. But after that, I didn't shed even a single tear.
At ang bigat-bigat sa loob.
For the last ten months, I am a walking stone. Manhid, hindi naapektuhan ng lahat ng bagay. Wala akong pakialam kahit naririnig kong umiyak si Angel. Wala rin akong pakialam kung makita ko man ang painful expression ni Kiel.
Ilang beses akong kinausap nina Heidi at Patty. Sabi nila, hindi na raw nila ako kilala. Hindi na rin nila alam kung bakit ako nagkakaganito. I just smiled at them pero ipinagpapatuloy ko pa rin ang mga ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
The Other Side (Book version)
RomanceMeet Kiel and Angel, the star-crossed lover of this story. Marami nang kinilig sa kanila kahit na nasa ligawan stage pa lang sila. Halos lahat ay boto para sa kanilang dalawa. Lahat nag aabang sa love story nila. Pero hindi sila ang main character s...