Chapter 9

67.3K 2.3K 520
                                    

Chapter 9


"What did you say?! Akala nila buntis ako at ikaw ang ama?! What the hell!" sigaw ko kay Terrence habang nandito kami sa kwarto niya at gumagawa ng mga flyers. Buti na lang at sound proof ang wall nito kung hindi ay naku, abot hanggang sa kabilang village ang lakas ng boses ko.

"M-misha kasi, h-hindi ko talaga mai-explain—."

"Anong hindi mo ma-iexplain ha!" pagputol ko sa sinasabi niya. "Kailangan mong ipaliwanag sa akin kung paano nangyari 'yun! Kung hindi, mami-meet mo na talaga si San Pedro!"

"O-opo! Kasi ganito 'yun.."

[Terrence's Flashback]

*Terrence's point of view*

It's almost dinner time at kararating ko lang sa bahay. Na-busy kasi kaming lahat sa pag-gawa ng props at pag-aasikaso ng mga gagamitin namin para sa production.

Napasalampak agad ako sa sofa ng sala namin gawa ng sobrang pagod.

"Hi Kuya! Let's play!" salubong sa akin ni Thea. My seven years old little sister.

"Kuya's tired, Thea. Is it okay if we play later after dinner?"

"Promise?"

"Promise."

She giggled, "alright! But where's your girlfriend ,kuya? I want to play with her too!"

I pat her head, "wala nang girlfriend si Kuya eh."

Nag-pout naman si Thea.

Sobrang naging malapit kasi siya kay Angel. Hindi na rin naman nakakapagtaka kasi parang lahat naman ng tao, napapalapit agad kay Angel. She's so genuine, so gentle and kind hearted. Mahinhin. Very lady-like pero walang kaarte-arte sa katawan.

Paano ko ba nagawang pakawalan ang babaeng katulad niya?

"But I saw a picture of your girlfriend!" sabi ni Thea sa akin.

"Are you talking about Ate Angel?"

"No! She's prettier!"

Tinalikuran na ako ni Thea at kinuha ang bag ko. Binuksan niya ito at ikinalat ang lahat ng gamit ko sa sahig. Pinabayaan ko lang doon si Thea kasi alam ko naman na hindi niya sisirain 'yun. Hilig lang niya talaga na kalkalin ang laman ng bag ko.

"Oh Terrence baby, you're here."

Nakita kong lumabas ang mom ko from the kitchen.

"Hey mom!" lumapit ako sa kanya at hinalikan ko siya sa cheeks.

"Pumunta ka na sa dining room at kakain na tayo. You too, Thea baby. 'Wag mo nang pakialamanan ang gamit ng kuya mo."

"Hinahanap ko po si Ate na girlfriend ni Kuya."

My mom looked at me with a bewildered but excited expression.

"May girlfriend ka na ulit?! Really?! Who is the lucky girl? Maganda ba? Maputi? Magkamukha ba kami?"

"Ma! Wala po!"

The Other Side (Book version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon