Chapter 14

58.8K 2.3K 404
                                    

Chapter 14


"Guys, nandito na ba lahat?" tanong ni Direk sa'min

"Wala pa po si Terrence eh," sabi naman nung isa naming classmate.

It's six o'clock in the morning at lahat ng members ng theater club ay nakatambay sa may parking lot ng school all wearing their best summer clothes para doon sa workshop namin sa Pampanga. Paalis na sana kami kaso wala pa 'yung stupid nerd na 'yun! Kating-kati pa naman na akong mag-swimming.

Siguro nagde-daydream pa rin 'yun hanggang ngayon! 'Di pa maka-get over sa accidental titigan at yakapan nila nung impaktang anghel!

Mukhang mali ako ng hinala tungkol sa nararamdaman niya sa'kin.

Habang busy ang lahat sa pagku-kwentuhan, bigla namang may bumusina at may pumasok sa university namin na isang puting lamborghini.

Napuno ng bulungan ang paligid. Pare-parehong namangha sa kotseng nakita nila. Napangiti na lang ako.

Kilalang-kialala ko kasi kung sino ang nasa loob.

At tama nga ang hinala ko. Huminto sa harap namin 'yung kotse at saka bumaba ang isang napakagandang babae na 'di mo iisiping ina na ng dalawang bata. Sa kabilang side naman, lumabas si Terrence na mukhang blooming. Ewan ko kung dahil sa make over ko o dahil sa eksena nila ni Angel kahapon. But either way, feeling ko gusto ko siyang sapakin sa mukha.

"Tita Tania!" tumakbo si Angel papalapit sa mom ni Terrence.

Ang feeling close naman nito! Maka-Tita wagas eh samantalang break na sila ni Terrence!

"Oh hi, Angel," bati ni Tita sa kanya and gave her a nod. Nagkatinginan naman sina Angel at Terrence pero agad din nilang binawi ang tingin nila sa isa't isa.

So ano, awkward sila? Nagkakahiyaan, ganun? Naiirita ako!

At hindi ko malaman kung bakit.

"Misha, dear!" nagulat naman ako nang biglang tumakbo si Tita Tania sa'kin and she gave me a big hug sabay bineso-beso niya ang magkabilang pisngi ko.

"Hi, Tita!"

"Oh my gosh! Look at you! Ang ganda-ganda mo, swear! Naku, ang galing pumili ni Terrence ng girlfriend! As in!"

"S-si Terrence na pala at Misha?" tanong naman ni Angel.

"Oh, hindi mo alam? Oo, sila na 'no! At least Terrence found a girl na kaya siyang intindihin," she told her bitterly.

Napaiwas na lang ng tingin si Angel at mukhang na-hurt ito sa sinabi ni Tita Tania. I smirked. Kahit anong gawin niya, mas boto sa'kin si Tita Tania! Hindi ba niya alam na gusto na nitong magkaanak kami ni Terrence.

Teka nga, ba't ba ang saya ko?! Mali 'to! Si Kiel dapat ang isipin ko!

"Tania! You're here!" salubong ni Direk sa mom ni Terrence.

"Hi, Direk Ed! How are you?"

"I'm great! Good thing at nakasama ka!"

Tumingin siya sa'min. "Guys, gather around!" nagsilapitan silang lahat. "This is Tania Quizon, Terrence mother. Siya ang nag-sponsor ng workshop na 'to."

The Other Side (Book version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon