Chapter 5

73K 2.7K 792
                                    

Chapter 5


"Hindi ko na kaya 'to! Hindi 'to totoo! Hindi! No!" sabi ko kina Heidi at Patty habang humahagulgol ako ng iyak

"Bakla oh, tissue pa," inabot sa'kin ni Patty ang isang box ng tissue. Kumuha naman ako ng isa at pinunasan ang mga luha sa mata ko.

Nandito kami sa cafeteria ngayon at kasalukuyan akong dinadamayan nina Patty at Heidi sa napakasakit na pangyayaring narasan ko kahapon.

"Hindi ako makapaniwala sa nangyayari! He congratulated me! Sabi niya bagay kami ni Terrence! Hayop na Fred na 'yan! Ang sakit! Ang sakit-sakit!"

"Okay lang 'yan, girl! Naka-first base ka na naman kay Terrence eh! Ikaw ah! Umaariba ka!" sabi naman ni Heidi.

"Tsaka sister, look at your picture oh! Uhm! Yummy ng lips ni Papa Terrence!" dagdag pa ni Patty habang tinitingnan ang picture naming kinunan ni Fred.

Na-bribe man ni Kiel si Fred na 'wag sabihin sa guidance at i-post sa forum niya ang picture namin ni Terrence, ang sakit pa rin isiping masaya si Kiel dahil akala niya kami na ni Terrence. Idagdag mo pa na ang hayop na Fred na 'yan, ayaw burahin ang picture naming dalawa, pinadalhan pa ako ng copy!

"Oo nga, mukhang enjoy na enjoy si Misha sa kiss ni Terrence eh," sabi naman ni Heidi.

"Ah ganon? Gusto niyong pilipitin ko ang leeg niyong dalawa?"

Pinanlisikan ko sila ng mata pero tinawanan lang nila ako. Hindi ko ba alam kung bakit hindi tumalab-talab ang kamalditahan ko sa dalawang chakang 'to.

"Sige, tawa pa! Enjoy na enjoy kayo sa pagiging miserable ko."

"Sorry na! Sorry na!" sabi ni Heidi habang pilit pinapakalma ang sarili gawa nang sobrang pagtawa. "Pero ikaw kasi, ibang klase ka talagang humatak ng lalaki! Biruin mo, nakahalikan mo na agad si Terrence? Saludo na 'ko sa'yo!"

Tiningnan ko ng masama si Heidi. "For your information, kahit kailan hindi ko pinangarap na makahalikan ang bopols na nerd na 'yun. Baka siya pa ang pinagpala sa lalaking lahat dahil natikman niya ang labi ko."

"Bakla, for your information, hindi na nerd si Terrence. Hot na siya ngayon. All thanks to you! At isa pa sister, ang kissable rin ng lips niya kaya 'wag kang magpanggap na hindi ka nag-enjoy!" sabi naman ni Patty.

"Anong klaseng accusation 'yan ha?!"

"Tama si Patty, Misha. Kaya ikaw, tigil-tigilan mo na ang kaka-Kiel mo ha? Yummy rin naman si Terrence."

"Corrected by! Isa pa, may Angel na si Kiel. And he's happy for you and Terrence. He congratulated you, remember?"

"Ah ganon? Pinagtutulungan niyo ako?"

Lumapit ako sa dalawa at pinagkukukurot ko sila.

"Aray, sister! 'Yung boobs ko, 'wag mong kurutin," tili ni bakla.

Hindi ko pa rin sila tinantanan. Kung meron mang kontrabida sa buhay ko, silang dalawa 'yun.

"M-misha."

Napahinto ako sa pagkurot sa kanila para tiningnan ang kararating pa lang na si Terrence.

"KUNG KAKAUSAPIN MO 'KO TUNGKOL SA NANGYARI KAHAPON, MABUTI PANG ITIKOM MO NA ANG BIBIG MO DAHIL BAKA MASAKAL LANG KITA!" sigaw ko sa kanya.

The Other Side (Book version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon