Chapter 8

67.3K 2.4K 269
                                    


Chapter 8


"Hindi ko na 'to kaya! Bakit ganito! Simula nang inihulog ng langit ang anghel na 'yun sa lupa, nagkandamalas-malas na 'ko! Ha?! Bakit?!"

"Condolence, sister...Pfftt...Hahaha!" sabi ni Heidi habang pigil na pigil ang pagtawa.

Katatapos lang ng audition at nandito ako ngayon sa classroom namin na kasalukuyang ngumangawa kay Heidi dahil sa naging resulta ng audition.

"Bakit nagkabaligtad ang mundo?! Hindi pang api-apihan at katulong ang beauty ko! Hindi!" hagulgol ko.

"O-okay lang 'yan, Misha," sagot naman ni Terrence habang ang lapad-lapad ng ngiti sa mukha niya.

Ay antofu! Ako lang ba ang nagluluksa sa nangyari?! Mismong si Terrence ay hindi mabura ang ngiti sa mukha eh! Malamang hanggang ngayon kinikilig pa rin 'yan sa yakapan scene nila ni Angel. Samantalang ako, ni chansing kay Kiel, 'di ko nagawa!

"Grabe, akalain mo 'yun naging BIDA ka bakla?! Biruin mo talaga 'yun! Si Misha Riel Cabrera, isa nang bida! Bongga!" at muling humagalpak ng tawa si Heidi.

"B-bakit? B-bagay naman kay Misha ang bida ah?" sabi ni Terrence while grinning from ear to ear.

Tiningnan ko siya ng masama. "Nang-iinsulto ka ba, ha?!"

"H-hindi!"

"Teka nga Terrence, bakit mukhang ang saya-saya mo ngayon?" tanong naman ni Heidi sa kanya.

"Eh paanong hindi, naka-chansing 'yan kanina kay Angel!" sagot ko.

"Eh baka naman dahil ka-partner ka kaya abot tenga ang ngiti?"

"H-hindi a-ah! A-alis m-muna 'ko!" tumayo si Terrence at dali-daling lumabas ng room.

Problema ng isang 'yun?!

"You know what, sister, bagay talaga kayo ni Terrence!" sabi ni Heidi.

"Alam mo, tigilan mo na ang kaka-push niyan! He's not my type at isa pa, hindi kami pwedeng pagsamahin dahil total opposite kami!"

"But opposite do attracts right? Tsaka tingnan mo, kahit gaano ka-strong ang personality mo at kahit gaano ka kamaldita, hindi ka pa rin nilalayuan ni Terrence."

"Because he also needs me. Gusto niya ring mabawi si Angel kaya siya lumalapit sa'kin."

"Hay naku sister, ba't ba ang manhid-manhid mo?" tumayo na siya at tinapik ako sa balikat. "Well, goodluck na lang sa'yo Ms. PROTAGONIST!"

Tuluyan na siyang umalis habang walang humpay na tumatawa.

Enjoy na enjoy talaga siya pagiging miserable ako 'no?!

Madapa ka sana, sister!

Kinuha ko na rin ang bag ko at inayos ang mga gamit ko. Walang mangyayari sa'kin kung i-iyakan ko ang bagay na 'to. Kailangan ko nang mag-move on at tanggapin ang katotohanan na---

HINDI! Hindi ko pa rin matatanggap! Hindi ngayon at hindi kailan man!

Si Misha Riel Cabrera, protagonist?! Kill me now! Napakahirap tanggapin! Okay lang sana kung ka-partner ko si Kiel eh! Tatanggapin ko ang pang-aapi ni Impakta na inihulog sa langit. Pero bakit ba lagi na lang akong kay Terrence napupunta?!

The Other Side (Book version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon