Prologue

59 1 0
                                    

Sa paglipas nang walong taong pamamalagi ko sa amerika, hindi ko alam kung mapapatawad pa niya ko sa muli kung pagbabalik sa buhay niya

Paano kung may asawa na siya sa piling nang iba, paano ko mapapatawad ang sarili ko kung bakit ko pa siya hinayaang mawala sakin

Kasalanan ko din naman kung bakit ko siya iniwan, pero ngayon nakabalik naku sisiguruhin kung itatama ko na yung mali kung nagawa sakanya

Ngunit paano kung pagtagpuin ulit kami nang panahon at isang pangyayaring hindi mo alam na nangyari sakanya, anong iisipin ko na nagpapanggap lamang siyang hindi niya ako kilala o talagang may kakaiba sakanya, katulad ngayon

Supermarket

"Dad, punta lang ako dun sa may ice cream station." Masiglang sabi nang anak kung si Jared, magdidisi-otso anyos na siya ngayon May 14, kasabay sana nang anibersayo nang dati kung asawa

"Okay sige, itxt mo lang ako kung na saan ka!?" Sabi ko sa anak ko

"Okay, dad!" Tugon niya sa sinabi ko at nagtungo sa ice cream station at ako naman ay sa grocery nitong mall naman ako patungo

Habang nandito ko sa tapat nang isang marshmallow naalala ko yung time na kinukulit niya ko ibili ko siya nun

Flashback

"Marion, sige na ibili muna ko nang Mr. Mallows... Please..." Pangugulit niyang sabi sakin at sinabayan pa nang pagpapacute, napangiti nalang ako sa ginawa niya... walang araw na hindi niya ako napapatawa, sakanya ko naramdaman yung kasiyahan

"Okay, okay ibibili ko na yung pinaka cute na boyfriend ko... Pero, sa isang kondisyon." Sabi ko at may kasamang pilyong ngiti at siya naman ay ngumuso lang

"Hmm.. Ano naman yun!?" Bagot na tanong habang nakatitigig sakin

"Ikiss mo muna ko sa lips." Sabi ko habang todo ngiti, alam kung maiinis siya pero hindi niya ko matitiis

"Tsk!! Sabi ko na nga ba eh! Sige na nga basta bili mo ko ahh!" Masayang sabi niya kahit may halong pagmamaktol

"Oo, kahit ilang pack pa nang Mr. Mallows mo." Nakangiting ko sabi ko sakanya at unti unti na siyang lumapit sakin, upang halikan ako sa lips at nang maglapat na "tsup" napangiti ako dahil mahal na mahal niya ko

Pagkatapos niya ko halikan, natawa ko dahil ang dami niya kinuhang marshmallow

End of flashback

Nang paalis na sana ako sa tapat nang marshmallows ay may nakabangga ako at nagkatinginan kami na sadyang ikinagulat ko

"J-jowy..." Sabi ko nang mahina pero nadinig niya at napalingon siya sakin, napangunot ang noo niya nansandali at tinitigan ako kasabay nang pangiti

Yung mga titig na yun ang dahilan kung bakit ako napamahal sakanya at isa pa dun ang ngiti niyang kay tamis tingnan bumalik lang ako sa katinuan nang tanungin niya ako

"Kilala mo ako!?" Masigla niyang tanong sakin na para bang hindi siya galit sakin at ikinakunot ko naman nang noo, ano ibig sabihin niya dun na kilala ko siya... Natural kilala ko siya dahil ex-boyfriend/ex-husband ko siya

"Uhm.. Oo, kilala kita ako toh! Si Mar-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang may magsalita sa likod niya at ikinalingon namin dalawa at sadya talagang siniswerte ko dahil kasama niya ang high school suitor niya

"Jowy kanina pa kita, hinahanap nandito ka lang pala." Masaya niya sabi habang nakatingin kay jowy, ngunit nang patingin siya sakin nawaglit ang ngiting yun

"Nakabalik kana pala!?" Malamig na tonong nagtatanong

"Ah.. Oo nung isang linggo lang." Mahinahon kung sabi ko sakanya

"Tsk!!" Yun lang ang tugon niya, alam kung simula palang nung high school kami mainit na ulo niya sakin, dahil sakin nagkagusto si jowy at ngitian ko lang siya nang nakakaasar, matalim naman siyang tumitig sakin

"Magkakilala kayo?" Tanong naman ni Jowy, bakit ganun parang hindi niya ako kilala

"Oo, hon... Schoolmate at friend natin siya nung high school at college." Mahinahon sagot naman ni Nathan, hindi ko akalain tatawagin niya nang ganun si Jowy at lumingon ito sakin

"Uhm... Ganun ba, pasensya kana ahh.. Hindi ko alam na magkaklase pala tayo Dati." Pagkukumbabang pahayag nito sakin na may ngiti, naiinis ako bakit hindi niya ako maalala magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni nathan

"Hon... Tara na, may pupuntahan pa tayo." Sabi ni nathan kay jowy at tumango lang ito at nagsmile, nang paalis na sila lumingon ito sakin at sinabing

"Sige, mag ingat ka alis na kami." Pagpaalam nito sakin at sumunod na siya kay nathan, habang ako ay tulala lamang

Bakit ganun, huli na ba ko... Nakalimutan na ba niya talaga ako, ang sakit ngayon alam ko na yung iniwan nang taong mahal mo sobrang sakit na iba na yung kasama niya

Ang tanga ko dahil mas pinili ko yung taong sumira nang relasyon namin kesa sakanya, nilisan ko na ang lugar na yun upang harapin kung ano talaga ang nangyari sa walong taon kung pagkawala sa pilipinas.

-----

#TASFirstStory

Vote
Comments
Share

MisTearYosu/Owy Liano

THE AFTER SORROWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon