Chapter 8
#TASASurpriseComeback
SOMEONE'S POV
Mula sa Manila International Airport ay kalalapag lang ang eroplanong sinasakyan nito galing america, habang naglalakad ito ay seryoso lang ito
Habang ang mga taong nakakakita sakanya ay namamangha dahil sa angking kakisigan at kagwapuhan niyang taglay
Nakita na niya ang sasakyang susundo sakanya upang dumaan muna sa ito sa isang memorial park para dalawin ang ama niya
"Dad, nagbalik naku para magpakita na ako kila mommy at surprisahin ang magaling kung kapatid." Sabi niya na may panghihinayang sa kapatid
------
MARION'S POV
Tinawagan ako ni mommy na dumalaw naman daw kami sa bahay at magdinner kasi nitong mga nakaraan buwan naging busy kami dahil sa exams
Papunta na kami sa bahay habang ang anak at asawa ko ay nagdaldalan kasi kwento nang kwento si Jared sa quizzez niya na naka perfect siya
Nakakalong si Jared sa papa niya hindi naman kasi ganun kalayo ang bahay nila mommy, nang makarating kami sa bahay ay sinalubong kami nila ate miley kasama ang asawa nitong si kuya craig na palaging busy sa paghandle ng isa sa mga business ni mommy na kung saan meron din siyang shares dito at malapit ang kumpanya niya sa business din ni mommy at nasa tabi nila yung kambal na sila mateo at madel
"Hello... Baby bro, ano yung nabalitaan ko ahh." Pang aasar nito sakin bumeso ko sakanya at ganun din si Jowy at jared
"Ate kung anu man yan hindi totoo yan." Pag apela ko itong ate ko minsan pilya din yan eh
"Welcome home bro! And Hi! Jowy." Sambit naman ni kuya Craig nakipagmanly hug ako at kumaway lang si jowy
"Okay sabi mo eh... Mommy nandito na sila." nakangiti nitong sabi at tawag kay mommy na nasa kwarto pala ito sa second floor
Kahit simple lang ang suot ni mommy maganda parin toh, tinanong ko nga minsan kung may manliligaw ang sagot sakin "naku marion tigilan moko."
Nang nasa hapagkainan na kami habang kumakain ay abala sa pag uusap sila mommy, ate miley at kuya craig asawa ni ate miley about sa business samantala ako naman ay nakikinig lang
Ang asawa ko naman ay nakikinig din pero tinitingnan tingnan niya si jared na baka makulit o magkalat nang pagkain, kasabay ang kambal na kumakain habang nag uusap din sila about school at games
Nang nasa kalagitnaan na nang pag uusap sila mommy at ate about sa plan nila sa pagbisita nila sa america upang matingnan kung ano na ang lagay nito
Biglang pumasok sa isip ko si kuya Marco, mukhang matagal tagal na din simula nung umalis siya dito sa pilipinas ni tawag o mensahe wala siya paramdam
Habang abala pa din kami sa pagkain at pag uusap sa business dito sa kompanya sa pilipinas ay kailangan daw icelabrate ang ika 15 years ng unang kumpanya nila mommy, nang bigla nalang nagsalita si leila bagong katulong ni mommy
"Mam.. Excuse me po, may bisita po kayo." Magalang na sabi nito na ipinagtaka naman ni mommy na may bisita siya ngayon gabi at bigla pumasok ang isang lalaking nasa isip ko lang kanina at matagal nanamin hindi nakikita
Walang iba kundi si kuya Marco, at laking gulat nila mommy at ate dahil sa surprise comeback nito, nagsitayuan sila mommy para yakapin ito
Ngunit ako ay nasa after shock pa dahil sa pagdating niya hindi namin alam na ngayon pala ang pagbabalik niya, dahil ang huli namin pag uusap nito ay hindi kami nagkasundo
Flashback
Nasa may study room kami ni Daddy kung baga library na ito, ako ay nakatayo na inis sakanya samantala siya ay prenteng nakaupo sa upuan na para bang wala siyang pakialam sa nararadaman ko
2nd year high school noon nang malaman niyang may nililigawan ako at hindi babae, tutol siya dito ngunit hindi paniya nakikita o nakikilala
Samantala naman ay siya ang namamahala nang ilang business dito sa pilipinas kahit na nasa edad 18 palang siya, sakanya kasi pinamamahala ni mommy dahil may ilang branch pa inaasikaso ito
Bukas na ang paalis niya, para pumunta nang america siya muna ang mag ayos nang ilang problema sa company duon sabi ni mommy, kasabay nang pag aaral niya sa kolehiyo
"Kuya... Bakit ba pati panliligaw ko pinapakailaman mo." Naiinis kung sabi sakanya
"Dahil ayaw kung mapunta ka sa maling tao." Madiinin niyang sabi
"Hindi siya maling tao kuya... Kung hindi mo siya matanggap wala naku magagawa, ikaw na ang may mali dito at hindi siya." Galit kung sabi sakanya at tinalikudan ko siya ngunit bago ko makalabas ay binalaan niya ako
"Tandaan mo ito Marion, kung buhay man si Dad tututol siya sa ginagawa mo, bukas na ang alis ko yan lang ang huli kung hiling na tigilan muna ang panliligaw sa taong yan at sa oras na malaman ko pa na naging kayo sa pagbabalik ko intayin mo ang gagawin ko sakaniya para maghiwalay kayo." Madiin niyang sabi sakin at nagpatuloy naku buksan ang pintuan upang iwanan siya doon
Hindi ko siya hahayaan masira kami lalo na ang makalapit siya taong pinakamamahal ko
End of Flashback
Ngayon ay nasa receiving area kami nang bahay at sila naman ay nagkwekwentuhan nila mommy hindi ako makapaniwala ang laki nang pinagbago niya
Dati ang kanyang tindig ay sadyang tama lang pero ngayon isa na daw siya hottest bachelor sa america, mukha wala parin pinagbago ang aura niya
Makikitaan mo parin may pagkasuplado at mayabang, higit sa lahat ay bakit wala pa daw itong asawa samantala ay nasa tamang edad na ito
Tumayo ako upang magtungo sa c.r malapit doon sa kitchen at napatingin sila sa akin at ang asawa kung kanina pa tahimik kinakabahan ata siya dahil alam niyang tutol ang kuya ko sakanya
"Excuse us mag cc.r lang ako." Magalang kung sabi at tumalikod na hindi naman ako naiihi hindi lang talaga ako komportable sa pagbabalik niya, natatakot ako ngayon na baka totohanin niya ang pagbabanta niya sakin nung high school palang ako
Pagkalipas ko nang ilang minuto sa c.r ay nasa labas siya nang pinto at nag iintay at nakangisi ito na para bang may binabalak siya kay jowy
"Hindi mo ba ako namiss lil bro." Nakakalokong tanong niya at tinigan ko lang siya mata, tumango lang ako at iwanan siya doon ngunit napatigil ako nang magsalita siya
"Yung sinabi ko sayo natatandaan mo pa ba Marion, sa oras na malaman kung naging kayo paghihiwalayin ko kayo, kaya ihanda muna ang sarili mo pati na din yang tinatawag mong ASAWA." Malamig niyang sabi at naglakad na patungo sa kanyang silid
Anong ibig niyang sabihin na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya kami tanggap, naiyukom ko ang aking kamay hindi maari ito
Kaya nagpasya na kaming umuwi kahit na pinipigilan kami nila mommy at pinayagan na rin kami nito umuwi muna kahit papano
Alam kasi nila na hindi maganda ang huli namin pag uusap ni kuya marco, habang nasa biyahe ko ay tahimik parin ang asawa ko
"Hon... Ang tahimik mo ata?" Sabi ko dito kaya napalingon ito, habang nakatulog na sa braso niya si jared
"Ahm... Wala lang ito, medyo nailang lang ako sa kuya mo. Kasi hanggang ngayon parang may malaking pader sa pagitan niyo na ako yung dahilan." Sagot niya
"Hon... Wag mong isipin yun, wala kang kasalanan." Sabi ko naman na ikinangiti niti
"Sana magkaayos na kayo nang kuya mo, para wala ka nang bigat na iniinda o dinadala dyan sa puso, dahil isa ako sa mga magiging masaya kapag nangyari yun." Nakangiting nitong sabi
"Sana nga..." Sagot ko nalang at hinawakan niya yung kamay ko na ikinangiti ko din, napakasaya kung may asawa akong napakaunawain
----------
Vote
Comment
ShareMisTearYosu/ Owy Liano
BINABASA MO ANG
THE AFTER SORROW
RomanceHanggang kailan mo nga ba, titiisin ang isang bagay na alam mong hindi ka naman masaya Ipagpapatuloy mo ba, ang maling bagay na alam mong hindi nakasang-ayon sa iyong buhay Paano kung nakalimutan kana niya, nang dahil sa ginawa mong pag-iwan sakanya...