#TASFightForLove

8 0 0
                                    

Chapter 14

#TASFightForLove

JOWY'S POV

Ilang araw nang hindi umuuwi nang sa bahay si Marion, talaga bang wala na siyang balak ayusin ang relasyon na meron kami simula nang magbago siya hindi na kami nakakapag-usap

Next week na ang graduation namin sa college, pero until now wala parin nangyayari hindi ko alam kung saan siya hahanapin. Kahit sa bahay nila mismo hindi siya umuuwi, ilang araw na din ako puyat dahil sa kakaintay sakanya

Sabi ni manang Doris baka daw magkasakit ako dahil sa ginagawa ko, ayoko dumating ang graduation namin at ikalawang taon namin mag-asawa na anibersaryo

Hanggang ngayon iniisip ko pa din kung nasaan siya, kumakain ba siya, nakakatulog ba siya nag-aalala na din ako dahil yung anak namin nagtatanong na about sakanya

Nandito ako ngayon sa opisina niya, dahil gusto ko siya makausap na kahit papano ay magkaayos kaming dalawa ayoko masira yung relasyon binuo namin nang mahigit na apat na taon, kaya kanina bago ako pumasok dito na tanong kung pumapasok ba ang sir niya

" Kate, nandiyan na ba ang sir Marion mo?" Bungad kung tanong dito habang busy sa pag -aayos ng papeles atsaka palang niya ako na kita at nagulat

"Ai... Sir, kayo po pala... Ahm wala pa po si Sir Marion." Sagot nito na parang bang may tinatago

"Pumasok ba siya kahapon?" Tanong ko ulit dito, at para bang nag-iisip pa ng isasagot

"N-nandito po siya kahapon." Tipid na sagot nito, may ilan pa akong itinatanong pero ayaw niyang sabihin kay Marion ko na lang daw itanong

Bumalik ang wisyo ko nang makadinig ako nang pagclick ng seradura nang pinto, siyang hudyat nang pabukas nito at namataan kung masaya siya kausap ang isang lalaki

Hindi ako nagkakamali siya yung taong tumabi sakin sa school, nakalimutan ko lang ang pangalan dahil yung araw lang na yun doon ko siya nakausap, nakilala at sumagi sa isipan ko yung mga usapan namin habang hindi pa nila ako napapansin

Flashback

"Hindi, okay lang wala naman na din kasi ako klase, ikaw bakit ka mag-isa?" Pagtatanong ko sakanya

"Ako, sanay naman naku mag-isa yun nga lang yung taong gusto kung makasama ay may iba na." Sagot naman sakin nito

"Ganun ba... Pasensya kana, ahm malay mo makahanap ka pa ng iba na much better sakanya." Sambit ko, at tumingin ako mula sa malayo kung saan meron mga naglalaro sa soccer field

"Kung ganun lang sana kadali makahanap ng iba, pero iba parin yung dating niya sakin siya parin talaga dahil mahal ko siya at alam kung kahit masakit kinakaya ko nalang na makita siya kasama ang iba." Sambit niya na may lungkot para bang may tao siyang dapat na maramdaman yun

"Bakit hindi mo siya ipaglaban, baka sakaling mahalin ka din niya gaya ng pagmamahal ko sa kaniya." Sagot ko at ikinalingon naman niya at tinitigan ako sa mata dahil para medyo mailang ako para bang may kakaiba sakanya hindi ko lang alam

"Tama ka! Dapat ko siyang ipaglaban doon sa taong umagaw sa taong minamahal ko." Sagot nito dahil katahimikan ang bumalot sa amin dalawa

End of Flashback

Habang masaya silang nag-uusap na tigil sila dahil naramdaman nila ang presensya ko, may halong gulat sa mukha ng asawa ko pero biglang bumalik sa pagiging malamig ang aura nito

Samantalang para bang prenteng nakatabi sakanya yung lalaking kasama niya, hindi ko alam ang gagawin sa nakikita kung kilos sa ginagawa nila dapat ba akong magalit din o magpasawalang bahala nalang, huminga ako nang malalim upang makapagsalita

THE AFTER SORROWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon