#TASBackOfThePast

9 1 0
                                    

Chapter 18

#TASBackOfThePast

NATHAN'S POV

Napakasaya nang araw ko ngayon, hindi ko mawari ang sarili ko simula nang maging kami ni Jowy. Ako na ata ang pinaka masayang tao sa mundo, pero may mga bagay na dapat nang kalimutan. Gaya nangyari sakanya

Flashback

2 years ago in coma

Habang patungo ako sa isa pang ospital nagpagdudutihan ko, pagkadating ko doon biglang sunod-sunod ang pagsugod ng mga sugatan. Galing sa isang karambola ng mga sasakyan, sa intersection papuntang airport na ikinagulat ko

Nang may isa pang sugatan na ipinapasok sa loob ng ospital, napakadami nang dugo sa damit niya at sa ulo niya. Bigla din akong tinakasan ng hangin sa katawan, dahil sa nakita ko

Hindi ako pwedeng magkamali at mamalikmata, dahil siya yun. Nang mabalik ang wisyo ko dahil sa pagtawag sakin ng isang nurse, para iassist si jowy siya ay lubhang nasaktan at napahamak

Hanggang ngayon hindi ko pa rin lubos maisip na aabot sa ganito ang mangyayari, biglang nawala yung lakas ko ng makita siyang ganyan ang kalagayan. Pero nilakasan ko para makasurvive siya, doktor ako. At gagawin ko lahat para mabuhay siya

"Doc, ang ECG ng pasyente mabilis na bumaba." Sabi nang isang nurse at nakita ko ang heartbeat monitor na zero line na ito, hindi pwede, litong-lito naku kaya pinakuha ko agad yung Heart Defibrillator, na siyang pwedeng magrevive sakanya

"Please... Jowy, lumaban ka." Sabi ko sa isip ko, gamit parin ang heart defibrillator hanggang sa magkaroon nang heartbeat. Nawala kahit papano ang kaba ko, pero nandoon pa rin yung peligro ng buhay niya, dahil unstable pa rin siya. Marami nang machine ang nakakabit sakanya, at oxygen mask na nagbibigay nang konektado sa buhay niya

Tinawagan ko ang pamilya niya at ganun nalang gulat nila, wala pang ilang oras nakarating na sila dito sa ospital, nang matanaw nila ako

"Iho! Asan ang apo ko..." Naiiyak na nitong sabi ni Lola Aida, nasa tabi naman nito si Tita Gracia na naiiyak na din

"Nandoon po siya sa operating room, ichecheck pa po siya ulit ng head doctor po namin dito, hindi po maganda ang lagay niya, masyado pong napuruhan ang ulo niya. Marami din pong nawalang dugo sakanya, kaya unstable po ang lagay niya kaya posible pong malagay siya sa coma condition Lola." Hindi ko na din mapigilan ang emosyon ko, dahil sa sobrang pag-aalala sakanya

Mga ilang minuto ang lumipas ay lumabas ang head doctor namin, siya rin nagtuturo sakin nang mabuti at maayos na operasyon

"Sino ang pamilya nang pasyente?" Tanong ni Doc Menrich, sabay tingin din saakin

"Kami po, kamusta ang lagay ng pamangkin ko?" Pagtatanong ni Tita Gracia, habang nasa tabi niya si Lola Aida na nakamasid at hindi na din mapigilan ang sobrang pag-aalala

"Dederetsahin ko na po kayo, ayon sa aming pagsusuri kay Mr. Ardema, nagkaroon siya nang malubhang brain injury. Kung saan meron mga tisyu sa kanyang utak, ay lubos na naapektuhan dahil sa aksidente. Sa ganitong kondisyon ay nasasangkot ang pagkagambala sa gawain ng puso, at iba pang mahahalagang sistema at kasama na rin dito ang pagkawala ng marami niyang dugo. Tatapatin ko na po kayo, hindi po maganda ng lagay ni Mr. Ardema. Anytime pwede siyang mamatay kapag hindi na kinaya nang katawan niya." Mahabang salaysay ni Doc Menrich, na siya naman lalong ikinaiyak ni Lola Aida

"Please... Doc gawin ninyo ang lahat para mabuhay ang apo ko, ang bata pa niya para mawala." Umiiyak nitong sabi habang yakap-yakap siya ng anak niyang si Tita Aida, at ako ay naistatwa sa kondisyon niya at tinapik nalang ang aking balikat ni Doc, upang wag din ako mawalan ng pag-asa

THE AFTER SORROWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon