#TASMyHappiness

13 0 0
                                    

Chapter 5

#TASMyHappiness

MARION'S POV

Nakaupo ako ngayon dito sa may sofa at iniintay ang asawa ko at anak ko, itinxt ako ni Jowy na inimbitahan sila ni mommy sa bahay para maglunch

Habang nanunuod ako nang t.v ay nakadinig ako nang may sasakyan na pumaparada sa garahe, sinalubong ko sila sa may main door at sakto kakapasok palang nila habang pasan ni jowy ang tulog namin anak

"Hon... Akin na si Jared." Sabi ko sakanya at humalik sa labi napangiti ako sakanya, gumanti naman siya nang ngiti

Umupo muna siya sa sofa at nagpaalam na ihahatid ko lang sa kwarto si Jared upang makatulog ito nang maayos, bago ko lisanin ang silid nang aking anak ay binigyan ko ito nang munting halik sa noo

Nang nasa may receiving area ako ay nakita kung nakahiga na ang asawa ko, nilapitan ko ito upang tingnan kung ayos lang siya

Pero nang mapatingin ako sa maamo nitong mukha, hindi ako nagsisising siya ang minahal ko at masasabi kung he's my happiness

"I love you hon... " pagkasabi ko nun ay siya naman halik ko sa noo niya at hindi ko namalayan na nakatulog din ako

-------

SOMEONE'S POV

Habang nakatulog ang mag asawa ay hindi nila namalayan na umaga na at maaga naman nagising si Jared upang puntahan ang daddy at papa niya sa silid nito

Ngunit nang makarating ito sa silid nang kanyang parents ay nagtaka siya bakit wala ito sa silid

"Dad!!!... Papa!!!" Tawag nito sa parents niyang nakatulog sa sofa at nadinig siya ni manang doris na sumisigaw

"Jared... Iho, bakit sumisigaw ka." Nagtatakang tanong nito dahil baka kung anu na nangyari sa bata, ngunit wala naman kaya lumapit si jared sa matanda

"Nay Doris... Nasaan po sila daddy." Tanong nito sa kanya at maski siya ay hindi niya alam kung saan ang mag asawa kaya bumaba sila sa ground floor upang hanapin ang mag asawa

"Nay Doris... Ayun po sila oh!" Turo nitong sabi sa matanda at lumapit ang bata sa kanyang daddy

Nang makalapit ito sa dalawang mahibing na natutulog ay pinugpog niya ito nang halik, maya maya ay nagising na ang mag asawa at napangiti kung sino ang humahalik sakanila

"Good Morning! Daddy at Papa." Masayang sabi nito sakanyang magulang niyakap naman siya nang mahigpit na may panggigil

"Good Morning! Din sa gwapo kung anak." Nakangiting sabi ni jowy

"Good Morning! Hon." Nakangiti bati ni marion sa asawa at sabay nakaw nang halik kaya nahampas siya sa braso nang asawa

"Daddy... Bakit dito po kayo natulog, meron naman po kayong bed ahh." Pagtatanong nito sa daddy niya

"Naglabing labing kasi kami ni papa kagabi, kaya hindi nanamin namalayan nakatulog kami dito." Pilyong pagpapaliwanag na si Marion

"Naku anak wag kang maniwala sa daddy mo, binibiro ka lang niyan." Pagtangi naman ni Jowy sa sinabi nang asawa, habang palipat lipat ang tingin nang kanilang anak

Masaya silang nagkukulitan sa umagang iyon at nag almusal nang salo salo

-------

Sa Mall sa isang coffee shop

"Bro... Bakit ba kailangan mo pa sila pakialaman." Tanong nang kaibigan nito kasama ang dalawa pa nitong tropa, napangiti nalang ito sa tanong sakanya

THE AFTER SORROWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon