Chapter 9
#TASJowyAndYuan
JOWY'S POV
Kahit na isang linggo na ang nakakalipas hindi parin ako makapaniwalang nakabalik na ang kuya ni Marion
Lalo tuloy ako natatakot sa pwede niyang gawin sakin pero ipaglalaban ko si Marion dahil mahal ko siya
Naalala ko pa yung sinasabi sa akin Marion nung high school kami, tatlong linggo ang nakakaraan nang umalis ang kuya niya papuntang america
Flashback
"Marion may problema ba?" Tanong ko sakanya at napatingin siya sakin na napalungkot nang mga mata
"Nag away kasi kami ni kuya, siya pa naman ang buddy ko kapag maglalaro kami nang basketball." Malungkot niyang pahayag sa akin
"Bakit naman... Sigurado kung mag kakaayos din kayo." Magpapasaya ko sakanya upang hindi na siya malungkot
"Mukhang malabo na kami magkaayos jowy... " medyo nanghihinayang niyang sabi
"Dahil ba sa akin kaya kayo nag away." Tanong ko sakanya at napalingon siya sakin pero bumalik siya sa pagtingin sa malayo nandito kasi kami malapit sa may soccer field nakatambay sa ilalim ng puno
"Tutol kasi si kuya sa panliligaw ko sayo... Hindi ko alam kung ano dahilan niya, kung bakit ayaw niya kung suportahan eh sila mommy at ate nga tanggap kung ano yung magpapasaya sa akin, siya itong kuya ko close na close ko ayaw sa kasiyahan nagdudulot sakin." Mahaba niyang salaysay sakin, ganun pala kaya sila nag away nang dahil sakin
"Pero wag kang mag alala kahit na tutol ang kuya ko mamahalin parin kita at ipaglalaban kita sakanya kahit na ano pang mangyari." Matapang niyang sabi sakin at ikinangiti ko at ganun din siya
End of Flashback
First time ko lang din siya makita para sabihin nating madaming maakit sa angking appeal niya, ngunit may mapanganib na tingin
Habang nandito ako sa quadrangle at nagbabasa ng libro about sa tourism at nang may tumabi sakin isang lalaki
"Pwede ba akong makitabi sayo." Pagpapalaam niya sakin at tumango lang ako nang may kasama ngiti ganun din ang ginawa niya
"Ako nga pala si Yuan isang Buss. Ad." Pagpapakilala niya at abot nang kamay niya at inabot ko naman ang kamay ko upang makipagshake hands sakanya
"Ako naman si Jowy taga HRM dept." Sabi ko sakanya
------
YUAN'S POV
Mula sa malayo nakikita ko ang asawa ni Marion na mag isa sa ilalim ng puno nang acacia habang nagbabasa nang libro, alam ko din na meron sila inampon at kasal na sila
Nilapitan ko siya upang makausap ko siya kahit papaano, sa ngayon makikipagplastikan ako sa taong toh mukha naman madali lang siya pabagsakin sa mga kamay ko, dahil mahahalata mong napakabait nito
Napalingon siya sakin kasabay nang pagngiti at ginantihan ko siya ngiti, sa totoo lang ako talagang ayoko lumapit sakanya nakakairita dahil bakit pa siya ang pinakasalan ni Marion
"Pwede ba akong makitabi sayo." Pagpapalaam kung sabi at tumango lang siya nang may kasama ngiti ganun din ang ginawa ko
"Ako nga pala si Yuan isang Buss. Ad." Pagpapakilala ko at abot nang kamay niya at inabot ko naman ang kamay ko upang makipagshake hands sakanya
"Ako naman si Jowy taga HRM dept." Sabi naman niya sakin
"Bakit nag-iisa ka dito?" Tanong ko dito ngumiti ito sakin, kaya nginitian ko siya ka ayaw ko
BINABASA MO ANG
THE AFTER SORROW
RomanceHanggang kailan mo nga ba, titiisin ang isang bagay na alam mong hindi ka naman masaya Ipagpapatuloy mo ba, ang maling bagay na alam mong hindi nakasang-ayon sa iyong buhay Paano kung nakalimutan kana niya, nang dahil sa ginawa mong pag-iwan sakanya...