Chapter 20
#TASSecretOfLies
MARION'S POV
3 days ago nang magka-usap kami ng anak ko, napa-isip ako sa sinabi niya. Kung talaga mahal ko pa daw ang Papa Jowy niya, patunay ko sakanya na umuwi ng pilipinas
Kaya ayon nagpabook naku ng flight next week, kahit hindi sinasabi kay Yuan. Matagal na din kami magkasama sa bahay, pero until now tila bang meron siya tinatago sakin
Aaminin ko minahal ko siya, pero iba parin yung pagmamahal ko kay Jowy. Doon ko napatunayan sa sarili ko na, hindi paglayo ang susi para maresolba ang sakit ng nararamdaman, kundi kailangan ko papasukin sa buhay ko upang maintindihan ko totoong dulot nito
Sa ngayon, hindi ko muna sasabihin kay Yuan ang balak namin uwi ng pilipinas. Dahil alam ko pipigilan niya ako, para naman ito sa anak ko ayoko lalong lumayo ang loob niya sakin
Makalipas ang ilang minuto dito sa office, tiningnan ko yung wrist watch ko ay almost quarter to twelve na. Kaya nagpasiya nakung iligpit muna ang ilang papers at magpasiyang kumain sa pinakamalapit na restaurant dito
Nakapasok naku mula sa restaurant na kakainan ko, mga ilang minuto ang nakakalipas nang makaorder ako. May pamilyar na boses nagsasalita sa kabilang table, bali ang set-up namin ay magkatalikod. Hindi ko siya nakikita, pero pamilyar talaga sakin ang boses
Naputol lang ang pag-iisip dito nang dumating na ang inorder ko, kaya sinimulan ko nang kumain. Sakalagitnaan ay mukhang dumating na iniintay niya, sa pagkakataong yun bigla akong kinabahan sa mga nadinig ko
Alam ko masama po ang makinig ng pinag-uusapan nang iba, ngunit ito ay sadya atang katotohanan. Nang madinig ko ang ilang detalye na nagyayari sakin
"Kamusta ang buhay may asawa, friend." Sabi nang kausap nito na babae
"Ayos naman... Pero meron hadlang pa rin sa buhay namin." Sabi nung pamilyar ang boses sakin
"Ganun, bakit kasi hindi mo nalang tanggalin ang asungot na yan. Para wala nang sagabal." Sabi nito sakanya
"Hindi ganun kadali yun... Masisira ako sa paningin nang anak niya." Sagot naman niya
"Hahaha... Mukhang mahihirapan ka nga diyan, dahil mukhang importante sakanya ang anak niya." Sambit naman nung babae, siya naman ikinainis nung lalaki
"Shut up!! Grezel... Ginagawa ko na nga lahat, para mapalapit sa batang yun pero ano! hindi parin niya ako tinuturing na bagong Papa niya. Mas gusto pa rin niya yung dating niyang Papa na niloko sila." Inis na sagot nung lalaki, bigla naman ako napatigil sa pagkain at inintay ang sasabihin niya
"Eh ano gagawin mo... Nasaan na nga ba kasi yung isa pang-tataytayan ng bata." Sagot naman nung babae
"Wala akong pakealam kung saang lupalop nandoon ang lalaking yun, ang mahalaga sakin ngayon... masaya ako kasama si Marion. At matutuloy na din ang divorce nila, sapagkat pinirmahan na ni Jowy ang divorce paper." Sagot niya sa babaeng kausap niya, hindi totoo ang sinasabi niya at ngayon alam ko na kung sino ang taong yun. Napahigpit ng hawak ko sa dinner knife dahil sa galit, hindi ko alam na magagawa mo sakin ito Yuan
"Alam na ba ng asawa mo, ang nangyari sa dati niyang asawa?" Tanong nang babae
"May mga bagay na hindi na dapat niya malaman pa, bagos makakasira lang yun sa mga plinano ko noon. Ayoko masayang yung pinaghirapan kung makuha siya sa iba." Desperado niyang sagot doon, pagkasabi niyang yuon ay kumuha naku ng pera at inilagay sa lamesa upang lisanin ang lugar na yun. Padabog ako tumayo, alam kung mapapansin niya yun at wala akong pakialam.
Ngayon pinagsisihan ko na kung bakit ako naniwala sakanya dati, akala ko pa naman totoong tao siya sakin pero may itinatago palang kulo sa katawan
Napatingin ang ibang mga guest at sila Yuan, sa gawi ni Marion dahil sa padabog nitong kilos palabas ng lugar na iyon. Nagtaka si Yuan kung sino ang lalaking iyon, bigla nalang siya nakaramdam ng kaba pero isinawalang bahala niya ito
Pagkadating ko dito sa loob nang office, tinawagan ko agad si kuya Marco na siya na muna ang bahala dito sa kompanya. Doon ko nalang ipapaliwanag bago kami bumalik nang pilipinas, dahil gusto muna niya kaming ayain kumain ng dinner sa bahay niya
Lumipas ang dalawang linggo malapit na ang pagbalik namin sa pilipinas, nandito kami ngayon ng aking anak na si Jared sa bahay nang tito Marco niya, nagpahanda daw ito ng maraming pagkain
Hindi namin kasama si Yuan, dahil may lakad ito. Saang ayon naman iyon sakin, sapagkat hindi niya malalaman ang pagbalik namin sa pilipinas
Nitong nagdaang dalawang linggo, mahirap para sakin na magpanggap na hindi ko alam ang sekreto niya. Pinapakisamahan ko nalang siya hanggang sa huling sandaling, kasama niya ako dahil sinisiguro kung hindi ako magpapakasal sakanya
At tungkol doon sa divorce paper, nakausap ko ang abogado ko. Nakafile na daw ito sa korte, siyang nagpapatunay na wala ng saysay ang kasal namin ni Jowy. Nagalit ako noon araw na yun nang malaman ko, pero pinipigilan kung magalit sakanya.
Dahil hindi pa ito ang tamang panahon, para komprontahin siya"G*go pala yan eh!" Galit na sabi ni Kuya Marco, na ikinagulat ni Jared habang naglalaro ito sa kanyang phone
"Tito! what happen po..." Pagtatakang tanong ng anak ko at umiling si kuya Marco at hinatak ako palabas, papuntang pool area
"Kapag nakita ko yan sa office at hinanap kayo sakin, i swear baka kung ano magawa ko sakanya. Nung una hindi ako naniniwala magagawa ni Jowy yun, dahil imposible kaya nung makita ko yang kinakasama mo. Ngayon mukhang tama ang hinala ko, nung una mo siya ipinakilala sakin. Dahil makati pa siya sa higad na sobrang kati." Inis niyang sabi sakin
"Ako nga kuya eh... Hindi ako makapaniwala na magagawa niya sakin iyon, napakasakit na siya pala ang sanhi ng paghihiwalay namin ni Jowy. Sana pala naniwala nalang ako sakanya at hinayaang magpaliwanag." Sabi ko at dinaluhan niya ako ng kaonting yakap
"Naiintindihan kita... Bunso! Hihi... Pero wag mo isisi sa sarili mo ang nangyari sainyo ni Jowy, dahil naniniwala ako na kapag ang bagay ay nasira, mapalitan man ito ng bago hindi parin mapapalitan ang dati." May hugot at mapang-asar na sabi ni kuya Marco at natawa din ako sa sinabi niyang Bunso
"Kaya ang gawin mo nalang ay paghandaan ang pagkikita ninyo muli ni Jowy, takte! lakas makateledrama ng buhay mo bunso." Natatawa nitong sabi muli, kaya ang ginawa ko ay kiniliti ito. Gumanti naman siya hanggang sa magkahabulan kami, puno ng tawanan at asaran
"Tito! Dad... You looks like a child dahil naghahabulan kayo." Sabi ni Jared na ikinatigil namin, binata na talaga ang anak ko. Kailan lang maliit pa siya at naglalaro, napatingin ako kay kuya Marco at mukhang ganun din ang nasa isip niya
Kaya patakbo namin siyang pinuntahan at ikinalaki nang mata niya, at nagulat siya nang mahawakan namin siya habang kinikiliti
"Oh! Don't you dare... Dad and Tito, sh!t please stop!! Nakikiliti po ako Hahaha." Sambit ng anak kung tawa ng tawa habang kinikiliti ko siya at hawak naman siya ni Kuya Marco
Hon... Jowy intayin moko, sana kapag nagkita tayo mapatawad moko sa nagawa ko sayo. Handa ako manligaw ulit, para magkabalikan lang tayo at sisimulan ko yun kapag nakabalik na kami nang anak mo.
Hindi ko sasayangin ang pagkakataon makasama ka sa tagal nang pagkakawalay namin sayo, gagawin ko lahat para maging masaya ka sa piling ko muli
---------------------
Vote
Comment
ShareMisTearYosu/Owy Liano
BINABASA MO ANG
THE AFTER SORROW
RomanceHanggang kailan mo nga ba, titiisin ang isang bagay na alam mong hindi ka naman masaya Ipagpapatuloy mo ba, ang maling bagay na alam mong hindi nakasang-ayon sa iyong buhay Paano kung nakalimutan kana niya, nang dahil sa ginawa mong pag-iwan sakanya...