#TheAfterSorrow

10 1 0
                                    

Chapter 16

#TheAfterSorrow

JOWY'S POV

3 years ago

Ngayon ay nandito ako sa isang cafè kasama ang isa sa mga matalik kung kaibigan si Channelle

Isa na siyang transwoman, maganda, mabait at sexy. Sumasali sa mga beauty contest kaso minsan kulelat. Kaya ayun umuuwi ng luhaan at nag-aayang uminom

Kinukulit ako kung bakit daw ba kasi ayaw ko pa maghanap nang magmamahal sakin at nandiyan naman daw si Nathan na matagal na nanliligaw sakin

"Alam mo bes, kapag hindi kapa nagmahal tatanda ka nang walang kasama." Sabi niya sakin habang sumisipsip nang latté

"Nel, wala pa sa isip ko yang love na yan. Kusang dadating yan kapag handa kana at sigurado na." Sabi ko habang humihigop ng hot chocolate drink

"Ang sabihin mo lang takot ka sa lalaki! At dahil NBSB ka." Masaya niyang sabi habang kumutsarita ng black forest cake na inorder niya

"Naku tigilan mo nga ako Nel, iniwan ka lang ng boyfriend mo. Nagkakaganyan kana." Sabi ko sakanya dahil kilala ko kung sino ang ex-boyfriend at napataas ng kilay niya sabay nguso

"Hoy!! FYI... EX-Boyfriend yan ang tama, walang hiyang yun pagkatapos ko ibigay ang lahat sakanya iiwanan niya lang ako. Kapag nakita ko yun, puputulin ko ang kinabukasan niya. Manloloko siya." sabi niyang may kasabay na panggagalaiti

Ewan ko ba kung bakit ba ganitong si Nel, hindi kasi niya alam ang sitwasyon ng ex niya, tingnan natin kung hindi ito mawindang kapag nalaman nito, na ang ex niya ay multi billionaire, baka magpatiwakal yan, atska hindi ko nga din alam dito sa puso ko o may iniintay ata ewan

Pagkatapos nang ilang minuto breaktime, balik na kami sa office work, isa akong head event organizer sa ZW Company at si Nel stylist

Habang nakasakay kami, sa loob nang elevator nadinig namin yung mga tsismisan ng ilang staff, sa ibang department

Chismosa 1: Gurl alam mo ba? Uuwi na daw si Sir Zachary at siya daw ang magiging boss natin, binata palang kasi nung nandito sa company kaya hindi pa siya pinaghahandle.

Chismosa 2: Talaga! Naku nakakaexcite naman gusto ko siyang makita ulit.

Chismosa 1: At siya na din ang hahawak nito, so may possible na araw-araw natin makita si Sir Zachary.

Chismosa 2: Naku! Panigurado ako lalong pomogi si Sir Zachary at mukhang hot pa.

Hindi ko na pinansin yung iba nilang pinag-uusapan, dahil nadinig ko yung katabi kung bumulong. Na may pagmamaktol at irita kaya napalingon ako sakanya

"Ang lalandi... Kala mo kagandahan!" Sambit ng bestfriend kung si Nel, napangisi nalang ako sa inuusal niya

Kaya siniko ko siya, at tumingin sakin na sinasabi ng tingin niya, "what" kaya tumahimik nalang ako. Ang alam kasi nito ay Zach lang ang name ni Zachary kaya wala siyang idea na pabalik na ang ex boyfriend niya at nang makarating kami sa floor namin ay nagtungo kami sa office namin kung saan meron kami meeting

Nandoon na ang ilang kasama namin sa team, inuspisahan na namin ang meeting na halos tumagal ng isang oras. Kaya nagpasya na din kami magsipag-uwi, atsaka mga nagsisipag-aya pa nga sila para mag-bar. dahil saturday naman daw bukas

Habang nag-aantay kami nang taxi ni Nel, may tumigil na navy blue na vios sa harapan namin. Nagbaba nang windshield sa may side namin at nakita ko si Nathan, nangiting-ngiti nang makita kami

"Tara... ihatid ko na kayo!!" Sabi niya kaya nagpasiya na kami sumakay, habang si Nel ay nasa backseat dahil madadaanan lang din yung condong tinutuluyan niya

THE AFTER SORROWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon