#TASBlackBox

13 0 0
                                    

Chapter 6

#TASBlackBox

JOWY'S POV

Nitong mga nakaraan araw hindi ko malaman kung bakit napakalamig nang pakikitungo sakin ni Marion sa tuwing lalapitan ko siya sasabihing busy siya o kaya susungitan ako

Natatakot ako na baka may nagawa ako hindi niya nagustuhan kaya ito ako ngayon, iniitay siya makauwi galing niya nang practice

Ilang sandali lang ang nakakalipas ay nadinig ko na ang pagparada nang kanyang sasakyan sa garahe at pagpatay nang makina nang kotse gabi na din sa labas

Tamang tama at wala ngayon sa bahay si Manang Doris at Jared dahil nasa mansyon sila ni mommy Miranda upang doon sila matulog ngayon friday at sunday na ang balik nila dito

Nang madinig ko na ang pagbukas nang pinto ay siya naman hudyat nang pagpasok nito sa loob nang bahay atska ako napatayo sa pagkakaupo ko sa sofa upang salubungin siya

"Good Evening! Hon... Nagluto ako nang dinner natin, maghahain naku para makakain na tayo." Malambing kung sabi ko sakanya at habang nakangiti ako, pero naamoy kung amoy alak siya

"Busog ako... Kaya wag kana mag abala pa dahil magpapahinga naku." Malamig niyang sabi sakin at nagulat ako sa inasal niya hindi naman siya ganyan dati pero binalewala ko lang sinabi niya kaya kumapit ako sa braso niya alam kung pagod lang siya

"Hon... Umiinom kailan ka pa bumalik sa pag inom atska kahit tikman mo lang niluto ko yun para sayo." Malambing kung sabi sakanya habang nakayakap sa braso niya, ngunit tinabig niya ko para mapalayo ako sakanya

"Ayoko... kung gusto mong tikman yung niluto mo... Ikaw na lang atska matagal na din akong hindi nakakainom." Galit na niyang sabi, kaya napatulala ako sa sinabi niya at medyo natakot naku sa ikinikilos niya nitong mga nakaraan araw

"Hon... Naman wag ka ngang ganyan ipagtitimpla kita nang kape, alam kung pagod ka rin mamaya mamasahihin kita." Sabi ko nang mahinahon habang pinipigilan kung maiyak at binigyan ko nalang siya nang tipid na ngiti

"Hindi kaba talaga makaintindi... Sabi ko AYOKO... Kaya tigilan mo ko sa pangungulit." Naiinis niyang sabi na may kasamang galit na tono at tumalikod na siya

"Hon... Kung meron man tayo problema, pwede naman natin pag usapan hindi yung pinagtataasan mo pa ko nang boses." Naluluha kung sabi sakanya

"Kung gusto mong malaman kung ano problema, edi alamin mo." Madiin niyang sabi habang naglalakad parin siya patungo nang aming silid at habang ako ay nakasunod lang sakanya, kaya medyo nainis naku bakit kasi nagkakaganyan siya, ang huli namin pagaaway nung high school pa

"Paano ko malalaman kung ano problema, eh ayaw mo naman sabihin sakin." Medyo naiinis ko nang sabi sakanya

"So ikaw pa galit ngayon." Malamig niyang sabi habang binibigyan niya ako nang matalim na tingin

"Hon... Hindi naman sa ganon, gusto ko lang naman malaman kung ano yung problema, para matigil na toh." Sabi ko sakanya habang binigyan ko siya nang tingin na malamlam

"So ano pinalalabas mo... na ako pa ngayon ang may kasalanan nang pag aaway natin na toh, Ganun ba Haah!!!" Galit niyang sabi at sabay hawak sa braso ko nang mahigpit

"Hon... N-nasasaktan ako." Sabi ko sakanya

"Bakit sa palagay mo hindi ako nasasaktan, huh!!" Sabi niya sakin at pabalyaw niya ako binitawan na muntik ko nang ikatumba at lumapit siya sa closet namin, may kinuha isang black box

Yaan yung box na pinadala dito sa bahay apat na araw na ang nakakaraan nang makauwi kami galing zambales at pabalya niya inihagis sakin medyo nasaktan ako dahil tumama ito sa may tiyan ko

THE AFTER SORROWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon