#TASBackFighter

13 0 0
                                    

Chapter 4

#TASBackFighter

SOMEONE'S POV

Sa isang tahimik at madilim na silid na naiilawan lang nang isang maliit na bumbilya, kung nasaan ang taong gustong sirain ang relasyon nila

"Gusto kung dalhin mo ito sa address na ibinigay ko sayo." Madiin na sabi niya dito at tumayo ito upang malakad lakad, habang hawak hawak ang isang litrato na puno nang ngiti

"Hindi matatapos ang taong ito ay magiging malungkot at sakit ang mararamdam ninyo dahil hindi ako makakapayag sa relasyon ninyo." Sabay ihithit ang upos nang isang istik nang sigarilyo at sumilay ang mapangahas na ngiti nito sa labi

Sa kabilang banda naman ay masayang nagbobonding ang pamilya ni Marion malapit sa pangpang nang isang resort sa zamabales

Kasama nila ang Lola Aida, Tita Gracia, ate Miley kasama ang dalawang anak na si Mateo at Madel na sampung taong gulang at kambal

"Jared diyan lang kayo nila kuya mateo at ate madel ahh." Sabi ni Jowy sa anak habang magkatabi sila nang sister in law niya si Miley

Habang si Marion naman ay nag iihaw medyo malayo sakanila, kasama si Tita Gracia niya

Samantala si Lola Aida at manang Doris ay inaayos ang mga kakainin nila para sa tanghalian

-------

JOWY'S POV

Four days later

Nakabalik na kami galing nang out of town namin pamilya, masaya na kahit papano ay naisisingit pa namin ang bonding moments

Wala akong pasok ngayon thursday dahil vacant day, kaya ako muna ang maghahatid sa school ni Jared

Pagpunta ko nang kitchen ay kumakain na si Jared, nang makita ako nito ay bumaba ito sa upuan at lumapit sakin upang yakapin ako

"Good Morning! Papa." Masayang sabi niya at hinalikan niya ako sa pisngi sobrang sweet nang batang toh

"Good Morning! Din sa gwapo kung anak." Masaya kung sabi at ikiss siya sa leeg na ikininatawa niya

"Papa... Stop nikikiliti ako... " natatawang sabi niya sakin, kaya iniupo ko na siya malapit kay manang Doris

"Nay Doris sabayan ninyo na po kami, kaya na ni Jared kumain sabi nga niya big boy na daw siya." Sabi ko sakanya at ngumiti sakin

"Ikaw talaga iho, sige na nga... Ayy siya nga pala may dumating na box nung isang araw, nandun yun sa study table mo sa kwarto ninyo mag asawa." Sabi ni manang Doris sakin, ganun sino naman kaya magpapadala nun

"Ahm.. Salamat po, mamaya ko nalang po bubuksan kapag hatid ko kay Jared." Sabi ko sakanya at ikinagulat niya

"Ako na maghahatid iho." Sabi niya sakin at umiling ako

"Nay Doris dito nalang po muna kayo hindi naman po kayo na iba samin ni Marion, magpahinga muna po kayo at ako muna po maghahatid kay jared atska nandiyan naman po yung isang kotse." Nakangiti kung sabi sakanya

"Osiya dahil mapilit ka wala naku magagawa, naku talaga kayo mag asawa baka maspoiled ako niyan." Natatawa sabi ni manang Doris at ganun din ako

Habang nasa byahe kami ay nakangiti na nakasakay sa passenger seat ang anak ko, gwapo ito sa suot niyang uniporme

"Jared... " tawag ko sakanya habang nakatingin parin ako sa daanan at napansin kung tumingin siya sakin

"Bakit po papa?" Malambing na tanong nito sakin

"Bakit nakangiti ka baby ko." Tanong ko habang nakangiti dahil alam ko maiinis ito kapag baby ang tawag sa kanya, napalingon ako sandali sa kanya at nakanguso siya

THE AFTER SORROWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon