#TASOurPlans

7 0 0
                                    

Chapter 23

#TASOurPlans

NATHAN'S POV

Nasa byahe kami ni Jowy ngayon, papuntang condo. Naglilive-in na kami kahit hindi pa ako nagpropropose, but i think this is a time para hindi na siya maagaw sakin

Lalo na ngayon dumating na ang kinatatakutan ko, wala na din kasi ako balita kay Yuan... Simula nang sumunod siya sa amerika, pero tatlong araw ang nakakalipas nakatanggap ako ng mensahe

Naglalaman nito ay wala na daw bisa ang kasal nila jowy, kinagulat ko yun, pero sa kabilang parte ng pagkatao ko napakasaya, dahil mapapakasalan ko na siya. Pagkatapos ko matanggap ang mensahe nang araw din iyon, naikwento niya sakin dalawang linggo ng nakakalipas, bago mangyari ang araw na ito

Flashback

"Ethan, alam mo ba nung isang araw... May lumapit sakin na lalaki, isa daw siya abogado ni Mr. Ladran. May pinapirmahan sakin na papers, wag ko na daw basahin sapagkat nakausap na daw niya. Yung manager ng resto na pinatayo ko, for business partnership dahil maganda ang feedback sa resto. At napansin ko din tumaas ang demand, ng benta ng products sa resto." Kwentong sabi niya, kaya ako din ay natuwa sapagkat ganun nalang ka successful ang business niya, ang pinagtataka ko lang ano na naman ang binabalak niya, pero bahala na siya basta. ang mahalaga ngayon masaya ako sa piling ng taong mahal ko

"Mabuti kung ganun... Sapagkat natutupad muna yung mga dreams mo." Masaya kung sabi sakanya at ngitian lang niya ako at kumapit sa braso ko

End of Flashback

Bakit kaya bumalik ang lalaking yun, ano gusto niyang gawin. Pagkatapos niyang iwan si jowy, babalik siyang parang wala lang, hindi ako makakapayag dahil ako ang nag-alaga kay jowy, habang wala siya

Kailangan ko nang magplano about sa aming dalawa ni jowy, aayain ko na siyang magpakasal. Matagal na din ako nag-intay sakanya, kaya heto na yung pagkakataon ko para masabing akin na talaga siya

"Ang lalim ata nang iniisip mo, hon... Tungkol ba yan doon sa lalaki kanina. Kasi napansin ko bigla ka nalang natahimik, simula ng makita natin siya." Sabi niya sakin at napalingon ako sakanya, papaano niya nalaman na yun ang iniisip ko

"Huh? Hindi hon... Atsaka paano mo naman na sabi yun nga iniisip ko." Sagot ko sakanya at ngumiti siya

"Dahil kanina pa nakanuot noo mo, at ang tahimik mo tila ba'y hindi moko kasama." Sabi naman niya sakin

"Pasensya na hon... Sumama kasi pakiramdam ko, kaya medyo nag-aalangan lang ako magsabi sayo." Sagot ko na lang kahit hindi at yumakap siya sa braso ko

"Naku nahiya ka pa... Aalagaan naman kita, atsaka ako naman ang nurse mo. Ikaw naman ang doktor, na nag-aalaga sakin ng husto." Sabi niya naman at ikinangiti ko ng sobra dahil kapag ganyan naglalambing siya, lalo lang ako naiinlove sakanya

Makalipas ang limang minutong byahe, narating na namin ang condo sabi niya sakin magpapahinga muna siya at sinabi kung magpahinga na muna siya. Hindi ko hahayaan maagaw ka sakin ng iba, gagawa ako ng paraan para hindi na muli magtagpo ang landas ninyo at upang hindi mo na din siya maalala

Kinabukasan...

Gumagayak na ako para pumasok at may mga nakaschedule na check up today, kaya kahit ayaw ko man iwan siya dito. Kailangan para saamin dalawa ang ginagawa kung pagtratrabaho, hindi naku nakabalik ng Italy. Dahil sakanya... Bagkos dito naku nakapagtrabaho, sa ospital na ipinatayo nang Lolo ko, ngayon ay si Daddy ang nangangalaga

Nadinig kung bumukas ang pinto mula sa kwarto namin, pupungas-pungas pa siyang naglalakad papuntang sink ng kitchen. Ang cute talaga ni Jowy, napakabait pa kaya minahal ko nang sobra

Pagkatapos niya maglinis ay pumunta siya sa harap ko at tiningnan ako, ngumiti siya alam ko na kung bakit. Ganyan yan kapag hindi maayos ang kurbata ko, inaayos niya at chinicheck kung maayos ba ang suot ko

"Ayan... Okay na, ikaw talaga hon. Kahit kailan hindi ka pa din marunong mag-ayos ng necktie mo." Sabi niya atsaka ko naman siya ninakawan nang halik, nahampas pa ako ng kamay niya sa dibdib ko pero mahina lang

"Nandiyan ka naman atska alam kung aayusin mo, napaka-alaga pa nang magiging asawa ko." Sabi ko at tumawa siya, sabay lakad papuntang sofa at binuksan ang t.v

"Bolero... Alis kana baka malate ka pa." Sabi niya habang nakatuon ang mata sa t.v, nanunuod ng cooking show

Lumapit ako sakanya upang humalik at nagpaalam na aalis na, habang nasasakyan ako bumabyahe parang may kakaiba ngayon. Baka naman kung ano-ano lang iniisip ko, focus nalang ako sa work now

Pagkarating ko sa office ko, nagulat ako may tao sa loob nito. Naka-upo sa sofa at nagbabasa nang dyaryo, nang mapansin niya ako ay ibinaba na niya ito at tumingin sakin. Nang may ngiti sa labi, habang naka-dikwatrong upo sa sofa

"Long time no see... Nathan?" Masayang sabi ni Yuan, deja vu... Ganyan din nangyari dati eh, pero hayaan ko na nga lang

"What are you doing here?" Sabi ko habang inaayos ang sarili sa pagkakaupo, habang siya ay nakalingon lamang sakin

"Wow...  Ganyan ba ang pagtanggap mo sa bisita mo, mukhang nagiging kampante kana ah." May yabang nitong sabi sakin, yan ang kinaiinisan ko sakanya yang attitude niya, akala mo nabili o pagmamay-ari niya lahat

"Tsk!! Yuan please... Just leave me alone, wala akong oras para makipag-usap ngayon. Dahil maganda ang umpisa nang araw ko, i just have some important things today. So please... Maybe next time nalang and can you just text me, if you want to visit here. Nakakagulat ka lang after a more than year na wala kang paramdam, Then now you're here na parang wala lang." Sabi ko habang binubuklat ang ilang papers na nanduon at tumawa siya

"Okay, okay... But before i leave, i just to remind you. Don't you ever forget, what is our plans at kapag nagkabukingan na. Kasama ka doon na tutulong sakin." Sabi niya sakin at napalingon ako ano ibig niyang sabihin

"Yeah! I know... I won't forget and what are you talking about to our plans?" Sagot ko

"Dahil nakabalik na si Marion, at wag kang masyadong magpakampante. Dahil alam na niya ang nangyari kung bakit sila naghiwalay ni Jowy." Sabi niya at nagulat ako

"Alam kung nakabalik na siya, dahil nagkita kami kahapon habang kasama ko si Jowy, papaanong nangyari nalaman niya! Kaya pala bumalik na siya." Sagot ko naman may inis

"So... Nagkita-kita na pala kayong tatlo, reunion lang haha... atska kaya lang naman niya nalaman, dahil nakipagmeet ako sa isa kung friend sa Amerika, at tinanong ko kung paano ko kukunin ang loob ng anak nila, hanggang sa mapag-usapan na namin yung about sa mag-asawa. Hindi ko alam nando-" Hindi ko na siya pinatapos dahil nahampas ko ang table ko at gulat naman siya

"Hindi ko na kasalanan yan Yuan, nagpabaya ka! Ngayon wag muna ako idamay sa kalokohan mo, dahil masaya naku kasama si Jowy." Sagot ko ng may inis, kasalanan na niya yun kung nabuking siya pero hindi pa din alam ni Marion na kasabwat ako ng taong ito at napansin kung ngumisi siya at tumingin sakin ng masama, akala mong papatay. Tumayo at lumapit sakin

"Baka nakakalimutan mo ako ang dahilan kung bakit, hiwalay na sila jowy... kaya pwede mo na siyang pakasalan at huwag mo din kakalimutan na kasama ka sa mga nagplano nito, ikaw pa nga ang nag-set up lahat nito. Kaya kahit makulong pa ako, isasama kita kahit saang impyerno, Nathan... tandaan mo yan!" Sabi niya nang may diin, atsaka niya ako tinalikuran upang umalis na

Nag-init ang mga kamay ko, gusto kung manapak. Kasalanan mo din ito Yuan, nagpabaya ka. Kaya pati maganda ko nang buhay, kasama si Jowy masisira nang dahil sainyo ni Marion. Hindi ako papayag na mawala lang ng ito, nang parang bula. Nagpakahirap ako mapasakin si jowy, ayoko mawala siya, lalo na ngayon nagbabalak naku magpropose sakanya

---------------------

English grammmmar hahahaha

Vote
Comment
Share

MisTearYosu/Owy Liano

THE AFTER SORROWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon