Chapter 26
#TASSideOfPast
JARED'S POV
Tahimik lang ako nakatingin kay Tito Jace, mababakas mo ang lungkot sa mga mata niya. Tila ba'y meron ako dapat malaman, kinakabahan ako ng todo dahil seryoso din siya nakatanaw sa kalangitaan. Kung saan nagkalat ang mga kumikinang na bituin, at buwan na napakaliwanag sa gabi
Natigil ako sa mga pagpuna sa kinikilos niya, nang lumingon siya sakin at huminga ng malalim bago siya magsalita
"Noong nasa States ako, habang nasa opisina hindi ko sinasadyang madunggol at nalaglag yung picture frame namin dalawa ni jowy sa sahig, kung saan kami magkasama sa litrato. Nabasag ito, pero ibayong kaba ang bumalot sakin nang oras na yun. Dahil kasabay nuon ay ang pagdampi nang lamig saakin pisngi, nagsasabing may nangyari." Paunang sabi ni Tito Jace at pinagpatuloy ang kwento
"Nang araw din iyon, naisipan kung kamustahin sila dito sa pilipinas. Dahil matagal na din ako hindi nakatawag sakanila mahigit isang taon na, dahil busy sa opisina at meetings. Pero hindi ko sila matawagan, lumipas ang isang linggo nang makatanggap ako ng tawag mula kay Tita. Naaksidente daw ang Papa mo, bigla nalang ako naghina. Tila ba'y nawala ako sa sarili dahil sa nadinig ko, napaiyak ako bigla sa pag-aalala sakanya." Sabi nito sakin, habang pinipigilan ang emosyon namumuo sakanya. Hindi ko napigilan magsalita
"N-naaksidente po si Papa... Saan po, kailan?" Kinakabahan kung tanong, at unti unti lumalakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa mga kinikwento niya
"Walong taon na ang nakakalipas, at ang sabi sakin papuntang airport ang nangyaring aksidente." Sagot ni Tito, nabigla ako sa sinabi niya. Hindi kaya sinundan kami ni Papa, kaya siya naaksidente naguguluhan ako. Bigla ulit nagsalita si Tito Jace, kinalingon ko ito
"Nagpabook na agad ako ng flight, dahil hindi ako mapalagay kung anong nangyari sa Papa mo. Pagkadating ko dito sa ospital na agad ako dumeretso, nabigla ako sa nalaman kung unconsious ang condition ni Jowy. Dahil sa mga natamo nitong sugat, lalo na ulo niya ang napuruhan. Dalawang taon siya sa ospital dahil sa coma at check ups pa sakanya, isang taon at limang buwan siya bago magising. Noong una ay gusto na nilang tanggalin ang mga aparato na nakalagay sa Papa mo, dahil paiba-iba ang kondisyon niya." Huminto muna siya sandali at huminga ng malalim at tumingin sa kawalan habang nakita kung unti-unti pumupungay ang mata niya, dahil hudyat ng pag-iyak
"Hindi ako pumayag sa gusto nila, dahil hindi ako sumuko na magigising siya. Papa mo nalang ang isa sa mga lakas ko, dahil simula nang mawala ang magulang namin. Ako na ang naging nanay at tatay sakanya, kuya at ate nung bata pa siya. Kaya sobra akong nasaktan nang makita na ganoon ang lagay niya, pero talagang mabait ang panginoon. Dahil binigyan niya nang pangalawang pagkakataon ang kapatid kung mabuhay, laking tuwa ko noon na nagising na siya. Pero akala ko tapos na, yun pala ay paumpisa palang iyon dahil meron papalang isa." Umiiyak na sabi ni Tito Jace, at nilapitan ko ito upang aluin ito sa pag-iyak. Maski ako hindi ko mawari ang nararamdaman ko, dahil tinatapanggan ko lang pakikinig at pinahiran niya ang luha sa pisngi niya
"Yung isa na yun ay ang pagkawala ng ala-ala niya, natakot ako na baka pati kaming pamilya niya ay makalimutan na niya. Nahirapin kaming mag-adjust dahil sa kondisyon niya, baka kasi anytime sumakit daw ang ulo niya. Kapag may naalala siya, sabi ng doktor niya isa daw yun sa mga sintomas na pwede ng bumalik ang ala-ala niya. Pero ayaw namin makita siyang, nasasaktan kung sakaling mangyari yun." Mahabang sabi nito sa akin, hanggang ngayon naguguluhan pa rin talaga ako, hindi ko lubos maisip na mangyayari ang lahat ng ito naawa ako kay papa, sana kung hindi kami umalis ni daddy
"Tito, bakit hindi ninyo po ipinaalam sa amin ni daddy, yung nangyari kay papa?" Yan tanong ang biglang lumabas sa aking bibig, nais kung malaman kung bakit
BINABASA MO ANG
THE AFTER SORROW
RomanceHanggang kailan mo nga ba, titiisin ang isang bagay na alam mong hindi ka naman masaya Ipagpapatuloy mo ba, ang maling bagay na alam mong hindi nakasang-ayon sa iyong buhay Paano kung nakalimutan kana niya, nang dahil sa ginawa mong pag-iwan sakanya...