Chapter 7
#TASAVeryKindHusband
MARION'S POV
Nagising ako nang wala akong katabi kayakap ang malambot na unan, kaya napagpasiyan ko na nang bumangon
Pero biglang sumakit ulo ko at sadya kung inalala ang nangyari kagabi, after namin nang training nang basketball ay nagkayayaan uminom nang sandali malapit sa isang bar dito
Pero naparami naku nang inom kaya nag atubiling naku maunang umuwi at the rest hindi ko masyado matandaan ang huli kung ginawa, pero parang may kakaiba sa pakiramdam ko
Siguro ay dala lang ito nang hangover kaya tumayo naku upang magtungo sa c.r upang maligo, pagkatapos ay nagtungo na ako sa kusina after kung makapagbihis nabungaran ko na nagluluto ang aking asawa nang almusal
Pinanuod ko lang siya hanggang sa maramdaman niyang nandito lang ako sa likod niya, napangiti siya pero yung mga mata niya bakit parang puno nang sakit at kagagaling lang sa iyak
"Oh! Nandiyan kana pala... Hindi ka nagsasalita, Good Morning! Hon." Masayang pagbati nito sakin at ngiting may pait at iniabot niya ang coffee na palagi niyang tinitipla sakin
Natapos na siya magluto, fried rice, omelet, tocino, hotdog at fried saba, nagsisimula na kaming kumain ngunit hindi siya nagsasalita at patuloy lang sa pagkain
"Hon... Are you okay?" Pagtatanong ko dito at mukhang wala ito sa sarili bakit ganyan kinikilos niya, may nagawa ba ako kagabi na hindi ko alam
"Huh? Ahm... Oo naman, kain ka lang hon." Malambing niyang sabi sakin at pinaglagyan pa niya sa plato ko nang pagkain
Nang matapos na kami sa pagkain nagpaalam siyang kakaakyat lang siya sa itaas dahil may gagawin lang daw siya, ngayon nandito ko sa likod bahay upang tingnan ang pananim na halaman ni Manang Doris na palagi nilang pinagkakaabalahan ni Jowy
Pero bago pa ako makapunta duon ay may napansin akong basurahang lata na medyo umuusok pa ang saloob, nilapitan ko ito at nakita ko doon ang ilang piraso sunog na litrato at itim na kahon at biglang may pumasok sa isip ko na senaryo
"So ano pinalalabas mo... na ako pa ngayon ang may kasalanan nang pag aaway natin na toh, Ganun ba Haah!!!" Galit kung sabi at sabay hawak ko sa braso niya nang mahigpit
"Hon... N-nasasaktan ako." Sabi nito sakin
"Bakit sa palagay mo hindi ako nasasaktan, huh!!" Nasasaktan kung sabi at pabalyaw ko siya binitawan na muntik na niyang ikatumba at lumapit ako sa closet namin, at may kinuha isang black box
Yaan yung box na nakita ko nung araw na kakauwi lang namin nung nag mall kami kasama si jared at pabalya kung inihagis sakanya medyo nasaktan ko siya dahil tumama ito sa may tiyan niya
Nang hindi niya nasalo ito ay nalaglag sa sahig at tumambad sakanya ang ilang litrato nila Nathan nung high school at mga letter na galing sa gagong yun, kasama ang isang recorder at napatingin siya sakin nang naluluha, ako naman ay binigyan nagalit tingin
"Ayan... Yaan ang dahilan kung bakit ako galit sayo, hindi ko alam na may tinatago ka niyan, akala ko kung ano, yun pala mga walang kwenta ninyong alaala nung high school." Malamig kung sabi at siya naman ay umiiyak nang dahil sa inaakusahan ko siyang manloloko
"H-hindi ko n-naman alam na ito pala ang laman nito, edi sana ipinatapon ko nalang kay manang." Umiiyak niyang sabi dapat ko ba siyang paniwalaan, pero bakit niya pa tinatago sakin ang kahon na yun
"Ang sabihin mo ayaw mo lang talaga itapon yan, dahil gusto mong makipaglapit ulit sakanya." Galit kung sabi sakanya
"Hindi totoo yan... Hon, maniwala ka sakin kaibigan ko lang siya simula nang ikaw ang pinili ko wala akong alam dito... Please maniwala ka." Pagaapela niya sa sinabi ko sakanya
BINABASA MO ANG
THE AFTER SORROW
RomanceHanggang kailan mo nga ba, titiisin ang isang bagay na alam mong hindi ka naman masaya Ipagpapatuloy mo ba, ang maling bagay na alam mong hindi nakasang-ayon sa iyong buhay Paano kung nakalimutan kana niya, nang dahil sa ginawa mong pag-iwan sakanya...