Chapter 3
#TASTheyMeetAgain
MARION'S POV
Nandito ako ngayon sa isang convience store para ibibili ko nang midnight snack namin nila Jowy at Jared
Nagpupumilit kasi itong big boy namin na mag movie marathon kami sa bahay, kaya ayun hindi kami makahindi ni hon
Baka umiiyak nanaman hindi ko alam kung saan naman nagmana nang iyakin ang anak ko, pero masaya ko kapag kasama ko silang dalawa
Kumuha nalang ako nang ilang chips, biscuits, drinks at syempre ang favorite nang aking asawa ay ang marshmallows
Habang naglalakad naku papapunta sa counter section ay may nakabunggo ako, napatingin ako sakanya at parang pamilyar sakin ang mukha niya
Nagkatingnan kami at siya naman ay halatang nagulat nang makita ako, kasabay nang pagsilay nang ngiti niya sakin
"Marion?" Patanong na sabi nito sakin at kilala niya ako, magsasalita na sana ako nang magsalita siya
"Ako ito si Yuan, natatandaan mo." Masayang sabi nito sa akin habang nakangiti ito sa akin, tama siya nga yung tinulangan ko nung iaaway siya nina Carlos
"Ikaw pala yan... Kamusta kana?" Masaya kung sabi habang ibinababa ang mga pinamili ko sa counter
"Ahm... Ayos lang ito, medyo busy sa mga projects, ikaw kamusta?" Masigla nitong tanong sakin
"Ayos naman din ito magmomovie marathon kami nang Hon ko kasama yung anak namin." Nakangiti kung sabi ngunit napansin kung medyo nawala yung pagkakangiti niya pero agad niya binawi at ngumiti ulit
"Ganon ba... Ang saya ninyo naman." Sabi ni Yuan, na para bang may lungkot sa pagkakasabi niya at napansin ko din wala na siyang braces at salamin sa mata, mukhang maporma na siya ngayon hindi tulad nung una namin pagkikita na may pagkanerd siya
"Tama ka, masaya talaga lalo na kapag sila ang sasalubong sayo kapag pagod kana galing school." Sabi ko naman naman nang nakangiti, nagsalita ulit ako
"Bago kana ahh... Hindi kana katulad nang dating nerd, mukhang matapang kana." Pagbibiro ko sakanya na may kasamang mahinang suntok sa braso niya at napangiti siya sabay himas sa braso niya
"Hindi naman... Nagbago lang ako nang life style." Nahihiya niyang sabi, nang masasalita naku ay naunahan ako nang cashier
"Sir... 255 pesos po lahat " sabi niya sakin at inabot ko ang 300 pesos sabay sabing keep the change at lumingon ako kay Yuan
"Ahm... Yuan, sige mauna naku baka iniintay na nila ako... Mag usap nalang tayo kapag may pagkakataon." Nakangiti kung sabi
"Sige... Mag ingat ka, salamat at nagkita tayo ulit." Masayang sabi ni Yuan at lumabas naku nang convience store, bago ko paandarin ang kotse ko lumingon muna ko sakanya at tama ang hinala ko nakatingin siya sa gawi ko at saka ko pinaandar ang kotse pauwi
Habang asa byahe ko, hindi ko alam kung bakit komportable ako kausap siya, dahil ba may pagkakatulad sila ni Jowy na sobrang bait ngunit iba parin ang asawa ko
Pero hindi ako pwede maattached sa iba, may asawa naku at anak ayoko masaktan sila ayaw ko gumawa nang pagsisihan ko
Nang makarating ako sa bahay ay sinalubong ako nang masayang si Jared, at ngiting ngiti ito sa akin
"Daddy! Alam mo ba... Inihanda na namin ni Papa yung gagamitin para sa movie marathon ikaw nalang ang iniintay." Masigla nitong sabi at ikiss ko ito sa pisngi at natawa ako dahil pinunasan niya nang kamay yun
BINABASA MO ANG
THE AFTER SORROW
RomanceHanggang kailan mo nga ba, titiisin ang isang bagay na alam mong hindi ka naman masaya Ipagpapatuloy mo ba, ang maling bagay na alam mong hindi nakasang-ayon sa iyong buhay Paano kung nakalimutan kana niya, nang dahil sa ginawa mong pag-iwan sakanya...