Chapter 15
#TASHurtOfForgotten
SOMEONE'S POV
Umuwi na si Marion sa bahay nilang mag-asawa ay hating gabi na, tulog na din ang mga kasambahay dahil tahimik na sa loob ng tahanan
Pumanhik na siya upang magpahinga, ayaw pa sana niyang umuwi dahil sa ayaw niya makita ang asawa pero dahil baka makahalata na ang anak at magulang nila
Pagpasok niya ay madilim ang loob ng silid, kinapa niya ang switch ng ilaw sa gilid ng pader at sumabog ang liwanag sa loob ng kwarto nila
Ngunit wala siyang nakitang bakas ng asawa kung nakauwi na ito, bigla nalang pumasok sa isipan niyang baka kasama nito lalaki nito
Wala na siyang pakiaalam kung anu man ang ginagawa niya, nakapagpasiya na din siya na after ng graduation ay lilipad na sila patungo america ni jared
Isasama niya ang bata dahil baka pabayaan niya ito, tutal apelyido niya ang dinadala ng bata ay siya ang may karapatan dito kahit na anong gawin ng asawa niya
Balak na din niya magfile na ng annulment para mapawalang bisa na din ang kasal nila, dahil na din sa may namamagitan na sa kanila ni Yuan kahit napakabilis ng pangyayari
Kinabukasan....
Sa isang tahanan kung saan naman naglalagi si Jowy ay masama ang pakiramdam nito, napabigat nang kanyang pakiramdam para bang naubusan na siya ng lakas dahil sa mga nangyayari sakanila ng asawa
Nagising siya upang alamin kung nasaan siya, isang kwartong hindi niya kilala kaya inikot niya ang paningin upang alamin kung may tao ba dito ngunit ng babangon siya ay siya naman bukas ng pinto ng kwarto
Tumambad sakanya ang isang binata na nakasuot na ng uniforme ng pandoktor, habang may bitbit na pagkain at ilang gamot kaya nagmadali siyang lumapit sa binata upang daluhan itong makaupo ng maayos sa higaan
-----------------------
JOWY'S POV
Nang makalapit siya sakin ay hindi ko alam kung ano iisipin ko, dahil sa ginagawa niya sakin bakit ba ang kulit ng taong ito
"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Pagtatanong niya sakin, umiling lang ako upang malaman niyang hindi kaya nagsalita siyang muli "Kumain ka na muna, upang gumaling ka at inumin mo ang gamot na ito." Pagaalang sabi nito
Nang makakain ako ay inilagay niya na tray ng pinagkainan ko sa side table at tumingin sa akin na may pag-aalala sa mukha
"Nakita kita sa park kahapon galing ako sa ospital kung saan ako nakaduty, malapit lang doon yun pero ikinagulat kung ikaw yun... Hindi ako nagdalawang isip na dalhin dito dahil basa ka at pagod din sa kakaiyak. Hindi ko man alam kung anong matindi mong dinaramdam ay sabihin mo naman sakin, Jowy ayoko nasasaktan ka ng ganyan." Mahabang litanya niya, hanggang ngayon naiiyak pa din ako dahil sa mga nangyayari, patigil ako aa pag iisip ng haplusin ni Nathan ang pisngi na may luha na pala
"Ssshhh... Wag kana umiyak please, Jowy nasasaktan ako kapag nakikita kita ng ganyan." Sabi niya at sabay yakap, duon na bumuhos nanaman ang emosyon ko na naipon
"Nathan.... Ang sakit sakit, hindi ko alam kung bakit ganun nalang ang galit niya sakin. A-ayaw niya akong pakinggan, ni makita nga ay ayaw niya din. Nandidiri na daw siya sakin dahil baka sa may nangyayari sa atin. At ang isa pang masakit doon ay makita silang magkasama sa isang litrato ng kabit niya na magkasama sa higaan, habang parehas silang nakahubad." Umiiyak na sabi ko sakanya kaya lalong humigpit ang yakap niya na para bang may gulat sa sinabi ko at inilayo niya ko ng konti upang makita ang aking mukha at pahiran iyon ng daliri niya
BINABASA MO ANG
THE AFTER SORROW
RomanceHanggang kailan mo nga ba, titiisin ang isang bagay na alam mong hindi ka naman masaya Ipagpapatuloy mo ba, ang maling bagay na alam mong hindi nakasang-ayon sa iyong buhay Paano kung nakalimutan kana niya, nang dahil sa ginawa mong pag-iwan sakanya...