Madilim. Mag-isa. Bawat gabi 'y iniisip ka.
Bakit kailangang makilala pa ang sa aki'y di mag papahalaga.
Anong tanga!
Bakit hindi pinaniwalaan ang unang nakutuban.
Hindi na sana nasaktan. Hindi na sana umiyak. Umasa. Umagos ang luha.
Sa unan. Unan kong tila mapipiga na dahil sa luhang walang patid sa pag agos.
Luhang dala ang bawat sakit at mga salitang aking pinanghawakan, pinaniwalaan.
Nakatingin sa kawalan, habang dinaramdam ang pagiging nawalan.
Pilit na sinasabi sa sarili, tangina tama na. Di sya kawalan!
Teka bat nga ba ko umabot sa gan'to? Di ko na maalala.
Malabo na. Malabo na sa aking mga mata. Dahil sa mga luha.
Luhang nag simulang umagos nung mga panahong ipinaglalaban kita.
Ipinaglaban kita. Maniwala ka.
Ipinaglaban kita sa magulang ko kahit alam kong mali ako.
Na may mali sa salitang tayo.
Tayo.
Di ko namalayan na ako nalang pala ang naniniwala na sa ating dal'wa may tayo.
Na dapat tayo ang lumalaban para sa isa't-isa pero nasan ka?
Ayun! hayup. Ipinaglalaban kita samantalang ikaw may laban din pala.
Mahal, baby, may laban ka din pala?
May laban ka nung mga panahong yun sa kama.
Kasama siya.
Baliktarin natin ang kwento, simulan natin sa dulo.
Naalala ko pa sa Victory mall. Sa may foodcourt, nandoon ako.
Nakaupo mukhang tanga. Inaantay ka, umiiyak parang gaga.
Dumating ka, kasunod siya, wala man lang akong ideya.
Pinainom mo pa ko ng C2 yung sumunod sa solo.
Sabi mo tahan na. Sabay tapik ng isa mong kasama.
Hanggang ngayon nasa labi ko parin ang lasa!
Lasa ng kasinungalingang galing sa bote mo.
Ang kalokohang galing sa bibig mo. Bibig nyo.
Na tumatawa pag nakatalikod ako kase ginagawa nyo kong tanga.
Nakakasuka! binili pala ng Christian nayon yung C2 na iniinom mo kasi pagod ka.
Pagod na pagod ka sa kama kasama niya.
Bestfriend ko pa.
Ang malupit lalaki pa.
Nalito ko bigla, 'di ko na alam sainyo kung sino talaga ang bakla.
Pero ngayon may isang malinaw, nag-iisang malinaw.
Sa lahat ng 'to may isang malinaw na nag susumigaw dun sa kawalan.
"Sapat na ang nalaman mo mula kay Christian mismo
na tuwang tuwa pa habang nag ku-kwento,
para itatak diyan sa buong pagkatao mo na kahit kelan, kahit saan hindi siya kawalan".
BINABASA MO ANG
Kalopsia (Poetries)
PoetryThis book contains poetries, spoken words, etc. that were made originally by the author (Marie Claire). Kalopsia is a blog about deeper expression of personal experiences of people I know, some are about love and some are just common experiences in...