"Lagi mong tatandaan na pag umibig ang isang lalaki ay handa itong hamakin ang lahat."-
Isa sa mga paborito kong kanta,
kantang inawit ng bandang Parokya.
Awit na walang sawa kong pinakikinggan
pero bakit di maitatak sa isipan.
"Gagawin lahat ng paraan upang makamtan ka"-
Handang hamakin ang lahat,
mga ginagawa'y sapat.
Pero tila yata sa umpisa lang
dahil nung nag-tagal, wala na lang.
"At hindi nya kakayanin na ikaw ay mawala sa kanya"-
Saliwa yata,
ikaw pa nga ang tumulak para ako'y kumawala.
Sinabi mong hindi mo kaya,
Eh ngayon mukha ka namang masaya.
Chorus na bahagi lang ng kanta,
walang-wala ka na.
Pero bakit hanggang ngayon umaasa pa,
sigurado naman akong may bago na.
Kaya ba hindi mo na hinahamak ang lahat?
Kaya ba hindi mo na ginagawa lahat?
Wala ng paraan,
Puro ka nalang dahilan.
Ganoon ba yon?
Pag-katapos mong makamtan,
bigla mo nalang iiwan?
Ano yun? Lokohan?
Mali pala ,
tumatak naman pala sa'kin yung kanta.
Sadyang ikaw lang talaga ang magaling lang sa umpisa.
Tama diba?
Gumawa ka naman ng paraan noon,
para ako'y mapa-sagot.
Bigla ka lang yatang nabagot,
Ayun naghanap ng mukang busangot.
Pero ako 'tong gago
umaasa parin na tayo sa dulo.
Kahit wala kang kwenta
ewan ko ba't tanggap kita.
Sa ngayon, gagawin ko nalang
alarm, ringtone, music sa earphone
ang kantang to.
Baka sakaling magkabuhay yung lyrics at sampalin ako.
BINABASA MO ANG
Kalopsia (Poetries)
PoetryThis book contains poetries, spoken words, etc. that were made originally by the author (Marie Claire). Kalopsia is a blog about deeper expression of personal experiences of people I know, some are about love and some are just common experiences in...