'Ayaw ko'.
Yan ang unang sagot ko ng ituro ka ng kaibigan ko.
'Hindi ako interesado',
Sabi ko sa isip ko.
Pero ang totoo natatakot lang ako.
Sino ba namang hindi?
Eh lahat yata ng narinig ko negatibo.
Inihakbang ko palayo ang aking mga paa
pero hinila nila ang braso ko pabalik,
papalapit.
Kung saan tahimik kang nagmamasid,
na parang sinusuri bawat hibla ng aming damit.
Nakakatakot ka talagang pagmasdan.
Pero naisip ko na lang na 'bakit di ko subukan?'
At yon, binigyan natin ang isa't-isa ng pagkaka-taon.
Halos araw-araw magkasama tayo, nag-rereview,
laging nasa Puregold Monumento.
Kumakain ng siomai habang
paminsan-minsang humahawak sa'king kamay
at sa paulit-ulit na pag-suyo mo, napa-oo ako.
Masaya,
May pag-kakataon na hindi nagkaka-intindihan
pero ayos lang, gano'n naman talaga.
Tumagal.
Akalain mo yon? Ni 'di ko naisip na sayo 'ko mag-tatagal.
Na sayo ako mapapa-mahal.
Lagi parin tayong nasa Puregold Monumento
Nagrereview.
Ang dating itim at pula nadagdagan na,
yellow, green, neon pink, light blue, ano pa ba?
Yung relasyon natin nagiging makulay na.
Relasyon nating mag-iisang taon na.
At gaya ng mga negatibong narinig ko nung simula
nagsisimula ko ng makita.
May nag-bago, gaya rin ng inaasahan ko.
Hindi na tayo palaging masaya,
bilang na bilang na.
Napapagod na rin ako
hindi na kita maintindihan.
Tila nasa punto tayo na ang salitang "ang tagal nyo na"
ay katumbas na ng salitang "ang hirap na".
Ayaw ko ng bumalik sa Puregold Monumento.
Ayaw ko naring magreview.
Ayaw ko ng kumain ng siomai
At higit sa lahat ayoko ng hawakan mo ang aking kamay.
Pero ayaw ko ring bitawan ka
at sinusubukan ko paring balansehin
kung saan ba ako nagkulang,
kung saan ako may hindi maunawaan.
Napapagod na kong marinig ang,
"Kung mahal mo ko, maiintindihan mo ko, iintidihin mo ko".
Eh pano naman ako?
Tama nga sila, darating ang oras na magiging makasarili ka.
Darating ang panahon,
Na hindi na sapat ang itim at pula kong ballpen
para maisulat at maka-bisa ang mga formula.
Na hindi na sapat ang mga highlighters kong
yellow, green, neon pink at light blue para aralin ka.
Oras at araw.
Halos ayoko ng gumalaw dahil bandang huli
alam ko namang wala ng mangyayari.
Na ang pag-tambay at siomai
ay napalitan na ng tsokolate at kape.
Hindi na kita maintindihan,
na kahit anong puyat, pagod at pag-asam,
Babagsak at babagsak parin ako sa araw ng exam.
Mahal ko.
-MAHAL KONG ACCOUNTING
BINABASA MO ANG
Kalopsia (Poetries)
PoetryThis book contains poetries, spoken words, etc. that were made originally by the author (Marie Claire). Kalopsia is a blog about deeper expression of personal experiences of people I know, some are about love and some are just common experiences in...