(Hello, I highly recommend to play Sana by I belong to the Zoo while reading this one. Enjoy!)
xxx
35,040.
1,460.
48.
4.
Oras, araw, buwan at taon. Apat na taon.
Di pa pala sapat, ilan ba dapat?
Apat..
Na..
Taon..
Amity, it's where we started.
Katulad ng iba, friends-friends lang muna.
Sa isip ko kasi baka masyado pang maaga,
Ayoko ring magalit sina mama at papa.
'Mag-aral ka muna' ika-nila.
Persistent, from the start to the beginning.
Mula nung simula kang nanligaw (Start)
Hanggang sa magsimula ng maging ikaw,
Walang nagbago.
Walang nagbago hanggang sa panahong
Inumpisahin natin ang tayo. (Beginning)
Affection.
Tinuruan mo 'kong tumayo, lumaban
At maging matapang
Habang kasama ka, katabi ka.
Tinuruan mong sundin ang mga bawal.
Tinuruan mong sumugal.
Tinuruan mong magmahal.
Mahal.
Thenceforth, I fought.
Naniwala tayo sa salitang walang bibitaw.
Walang aayaw,
Ako at ikaw.
Naïve, maybe yes I am.
Alam ko naman talaga, nararamdaman ko na.
Pero hindi ako naniwala sa sarili ko
Kasi may pangako tayo.
Ang tagal na ng salitang 'tayo'.
Magloloko? Sino?
Afire, I thought our love's on fire.
Sinubukan kong ayusin, buuhin.
Nagtanong kung ano pa bang kulang sa'kin?
Through thick and thin - tayo.
Always and forever - tayo.
One and only - ako.
New - ?
Teka, bakit parang may bago?
Hindi na yata ako?
Akala ko hanggang dulo ikaw at ako.
Ba't ngayon ka pa nagbago?
Bakit hindi nung una? ikal'wa?
Pinatagal mo pa, iiwan mo rin pala.
Langya.
Teacher, may nakalimutan ka yatang ituro.
Nakalimutan mong ituro kung paano
Tumayo,
Lumaban,
At maging matapang ng wala ka.
Wala ka na.
Tsaka Sir, paturo po,
Paturo po mag caption ng profile picture
kasama yang bago nyo.
BINABASA MO ANG
Kalopsia (Poetries)
PoetryThis book contains poetries, spoken words, etc. that were made originally by the author (Marie Claire). Kalopsia is a blog about deeper expression of personal experiences of people I know, some are about love and some are just common experiences in...