Bago ko tapusin ang tulang ito, nais kong mag-pasalamat sa'yo.
Bakit? Para saan? Para sa panahon ng pag-ahon mo sa'kin sa delubyong dumaan sa buhay ko.
Tatapusin agad eh hindi pa nga nauumpisahan?
Hindi ko kasi alam kung ano nga ba yung simula, saan nagsimula at paano magsisimula.
Paano magsisimula ulit sa panibagong buhay, buhay na wala ka kasi sa iba ka na masaya.
Hayaan mo kong gawin to alalahanin lahat ng meron tayo.
Sa dinamirami ba naman kasi ng taong pwede kong makita kanina, ikaw pa.
Ang gwapo mo parin! Sana lang maganda parin ako sa paningin mo.
Aasa pa ba? Eh iniwan mo na nga ako.
Oo na, alam kong may nagbago hindi nga lang ako sigurado kung ikaw o ako.
Sinulit ko na ang pagkaka-taon na titigan ka at ngitian ka at alam kong ngi-ngiti ka,
gaya ng pag-ngiti mo tuwing mag kakasalubong tayo ng walang ibang tao.
Di kana kasi pwede, di ka na kasi pwedeng ngumiti sakin tulad ng dati.
Ni pag-tama ng ating mga mata wala na, lalo na kapag kasama mo siya.
Pero kanina sa Ministop, parang nag mini'stop ang mundo ko,
Oo medyo huminto ang mundo ko.
Nag-throwback lahat ng sinabi mo pati yung lyrics na "kung mahal mo siya
ay pipilitin kong di mo makita" tama ba? parang naging instant background song.
Pero ayun! We turned back to each other without turning around.
"Ingat ka palagi, mahal kita. Nandito lang ako palagi kung kailangan mo ulit mag-move on."
That was your message the last day of year 2014.
Okay na ko, masaya na ko, naka-move on na ko.
Pero di ko napansing kailangan ko na rin palang mag-move on sayo.
Hindi ko namalayang sa pag-ahon ko sa kanya eh nahuhulog naman ako sa'yo.
Anong nangyari?
Ba't hindi naging pwede ang maari ?
Kasi natakot ako at naduwag ka? Natakot akong mag-mahal ulit at
Naduwag kang ipag-patuloy ang kung anong meron tayo, kasi baka hindi talaga pwedeng maging tayo.
Salamat kasi tinulungan mo kong kalimutan siya,
Naging masaya ko habang kasama ka kahit hindi na maganda tingin nila,
kahit na issue na tayo ng kung anu-ano.
Well, hindi mo ko iniwan, at patuloy kang nag-sasabi na hayaan mo sila,
Ngayon sabi mo kaya ko na.
Siguro, bahala na.
Bahala na kung paano ako mag-mo'move on sa taong tinulungan akong mag move on.
Then you said, "I love you" and I said, "I love you too".
And that's how are very very last conversation ended.
BINABASA MO ANG
Kalopsia (Poetries)
PoetryThis book contains poetries, spoken words, etc. that were made originally by the author (Marie Claire). Kalopsia is a blog about deeper expression of personal experiences of people I know, some are about love and some are just common experiences in...