Itong gabing to,
Dalawang palad na bukas ang lapat na lapat sa mukha ko.
Pinipigil ang hikbi at luhang nagsasalitan at nagsasabay sa pag-agos
Mula sa puso kong halos ayaw ng tumibok, lugmok.
'Pagod na ko'.
Sinabi ko narin 'to nung mga nakaraang linggo.
Nung nakaraang mga buwan,
At alam kong sasabihin ko parin to nang paulit-ulit.
Pero bakit? Bakit nakalimutan na yata ng sistema ko ang mapagod?
Sawang-sawa nakong lumuhod
At ipanalanging sana bumalik kana sa'kin.
Hindi mo na ba talaga ko kayang mahalin?
Bigyan mo naman ako ng matinong rason.
Magbitaw ka naman ng mga salita na hindi lason!
Dahil unti-unti nakong namamatay,
Ayoko na ng umaga na nag sasabing simula ng bagong buhay.
Kung iiwan mo ko, iwan mo naman ako ng maayos.
Buti pa yung higaan mo, yang kama mo sa umaga,
Iwan mo man nang magulo at 'di ayos, babalik at babalikan mo.
Eh ako? Iniwan mo na nga, di mo pa inayos.
BINABASA MO ANG
Kalopsia (Poetries)
PoetryThis book contains poetries, spoken words, etc. that were made originally by the author (Marie Claire). Kalopsia is a blog about deeper expression of personal experiences of people I know, some are about love and some are just common experiences in...