Sa wakas, nagkaroon na 'ko ng sapat na lakas.
Narating ko na ang dulo ng landas.
Di man ito kasing liwanag gaya ng iniisip ko,
ang mahalaga naabot ko na ang dulo.
Hindi man ako sigurado pero pipilitin ko na eto na,
Ito na ang huling ala-una ng madaling araw
na maglalakbay ang isip ko patungo sayo.
Huling beses na itatanong sa dilim ng gabi
ang palasak na linyang "iniisip nya rin kaya ako?'
Ito na ang huling umaga na papalitan ko ang aking punda,
Huling araw na ibibilad ko sa initan ang aking unan.
Palitan ko man ito hindi na luha ang dahilan, sisikapin ko ng gumising
at mag-agahan, nang hindi na pinaalalahanan na kailangan ko ng tumahan.
Hindi ko na iisiping katabi pa kita o ang kahit na pagpapanggap
na nandiyan ka lang sa kanto para sunduin at ihatid ako.
Hindi ko na hihintaying tumunog ang cellphone ko
pag-tapat ng alas dose pasado, wala ng "kain na tayo".
Dahil wala na tayo, wala na ang mga salitang,
"Pag-uwi mo mag-ingat ka", "Huwag ka ng lalabas, baka mapano ka",
At ang lahat ng "mo" at "ka" ay kailangan ko ng palitan ng "ko" at "ako",
Dahil dapat ko ng sanaying sabihin ang mga yan sa sarili ko.
'Pag-uwi ko ingat ako',
'Huwag na'kong lalabas, baka mapano ako'.
Kaya ko to!
Kakayanin kong tumalikod sayo, lilingon man ako,
Iyon ay para alamin kung maayos kang nakarating sa kabilang dulo.
Nakakaubos ng lakas!
Natutunan kong, hindi porke wagas wala ng wakas.
Sa lahat ng huli, ito na ang pinaka huli,
Tulad nila, ito ang huling tula ko, tula para sayo.
BINABASA MO ANG
Kalopsia (Poetries)
PoetryThis book contains poetries, spoken words, etc. that were made originally by the author (Marie Claire). Kalopsia is a blog about deeper expression of personal experiences of people I know, some are about love and some are just common experiences in...