Ako at ako

60 1 0
                                        

Isang araw, mata mo at mata ko'y nagtama. 

Nagsimulang tahakin ang landas na akala ay tama.

 Di natakot sumugal. Akala'y tatagal. 

Tatagal ang puso sa paghihintay at pag-asa 

na ang imahinasyon sa bawat gabi ay tunay na sitwasyon.


Umaasang sa unang pinagtagpuan ay muling matatanaw

 ang mukha mong laging nasa balintataw.

 Nag-susumigaw.

Ang puso ko'y gustong isigaw na ikaw ay tanging ikaw.

 Nagnanais.

Nag hahangad na sana'y mapalapit kahit saglit.


Kumuha ng papel, pinangalanan.

 Inihabol at ibinato ngunit di mo nasalo. Sayang!

Nakita mo man lang sana ang Facebook ko na naghihintay na I-visit mo.

Ngunit may Diyos. Salamat sa Diyos. 

Tinakda nyang ang kakilala ko ay kakilala mo.

Pangalan at bahagyang impormasyon ay natuklasan ko.


Single. Status mo na pinapanalangin ko.

Unti-unting nag-kalapit, ngiti sa labi'y gumuguhit .

Bawat linggong kapiling ka, anong saya! 

Diary ko rin ay maligayang maligaya.


Ngunit ano't habang tumatagal, nahuhulog. 

Nahuhulog ako sa kawalan. 

Ang simpleng usapan, tinginan, wala palang kahihinatnan.

Sa kaibigan nalaman ang 'yong tunay na nararamdaman. 

Ikaw din pala'y nahuhulog! 


Di sa akin kun'di sa kaibigan mong matagal na.

Ngiti'y napawi.

 Alaalang masaya ngayon ay nawala na. 

Sana'y di nalang nalaman ang katotohanan ngunit salamat! 

Ako pala'y walang kabuluhan sa kanyang katauhan.


Nalulong. 

Nalulong sa pag aakalang siya at ako ay habang buhay na. 

Hindi pala. Walang kami at merong sila. 

Merong siya at siya na nag sasabing 'di man kami, 

mahal namin ang isa't-isa' , at ako?

ay mananatiling ako.

 Ako na nag-sosolo.

Kalopsia (Poetries)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon